You are on page 1of 3

Answer to an Atheist

1. Kung may Dios, bakit pinapayagan niya ang paghihirap at


sakit sa mundo na kahit ang mga inosenteng tao (moral
patients) na hindi naman masama ay naaapektuhan at
nasasaktan?
- Pumapayag ang Dios na mangyare ang isang bagay dahil
mayroon Siyang dahilan, may purpose Siya. Halimbawa, si
Job, kahit walang kasalanan, isang sakdal na tao, pero
tinamaan ng matinding sakit at kung ano anong parusa sa
buhay. Bakit pinayagan ng Dios? Dahil mayroon Siyang
rason, gusto Niyang ipakita kay Satanas na hindi lahat ng
tao sa mundo eh pwede niyang mailigaw o mailayo sa Dios.
Pangalawa, ang ating Panginoong Jesus, mismong Anak ng
Dios, ipinako Siya sa krus kahit hindi naman Siya
kriminal. Bakit? Kasi, malibang Siya’y magdanas ng
kamatayan, walang kaligtasan ang mundo. Tungkol naman sa
tanong na bakit may mga inosenteng nagkakasakit o
namamatay? Ibig bang sabihin nito, injustice ang Dios?
Hindi. May mga bata nagkakasakit kahit bagong panganak,
dahil maaaring may kasalanan yung magulang niya kung
bakit siya nagkasakit or kung bakit may cancer na tumubo
sa kanya. Pumayag ang Dios na maapektuhan yung bata dahil
maaaring nais ipakita ng Dios sa magulang ng bata yung
epekto ng pagkakamaling ginawa niya, at yun ang ibig
sabihin ng free will. Gawin mo kung anong gusto mo, pero
isipin mo na amonang desisyon mo ay may kaakibat na
resulta, maging ito man ay masama para ang tao matutong
sumunod sa Kanya. Mayroon naman, nagkakasakit o
nagkakacancer o nagkakaroon ng kapansanan hindi dahil may
ginawang mali yung magulang nila. Pinahintulutan ng Dios
ang mga ganito para maihayag sa Kanya ang kapangyarihan
ng Dios tulad nang nangyare sa dun sa bulag na pinagaling
ng Panginoong Jesus, kabilang dyan yung mga batang
ipinanganak na may Down Syndrome o hindi normal na bilang
ng chromosomes. Ayon kasi sa mga scientists, unknown ang
pinanggalingan ng Down Syndrome ng bata kaya hindi mo
pwedeng isisi yan sa magulang. Maaaring may plano ang
Dios ang kanya. May ilan naman na namamatay sa kanilang
sakit, dahil maaaring gusto siyang pagpahingahin ng Dios
kaysa magdanas siya ng mas mahirap na buhay pag nagtagal
pa siya (Isa 51:7; Job 3:11-13) Pero kung mamatay ang
bata, hindi mo pwedeng sabihin na ang Dios ay injustice.
Bakit? Eh kasi ang sabi ng Panginoong Jesus, ang kaharian
ng langit ay para sa mga bata (Mat 19:14). Dyan ba
maaaari nating sabihin na ang Dios malupit? Maaaring sayo
malupit, dahil ang paghatol mo, hindi paghatol ng Dios.
May dahilan Siya o may mga ginagawa Siya na hindi mo alam
at hindi mo maiintindihan sa una, pero may time na
ipapaunawa Niya sayo, at malalaman mo na tama Siya. Ang
problema kasi sa mga atheist, dahil sa hindi nga nila
kilala ang Dios, akala nila ang pagiisip ng Dios gaya ng
pag-iisip ng tao. At palibhasa’y hindi maarok ang isip ng
Dios, sinabi na lang nila na walang Dios. Ito yung mga
tao na hindi alam ang pagkakaiba ng Dios at ng tao. Kasi
kung alam moa ng katangian ng Dios at kilala mo Siya,
dapat alam mo rin na magkaiba ang kaisipan NIya at ng
tao. Huwag mong ipapantay ang Dios Sayo dahil hindi kayo
magkapantay, magkaiba kayo ng kaisipan. (Isa 55:9)

2. Ang Dios ba ay nasasaklaw ng Law of Nature?


- Hindi. Bagaman ang mundo ay isinailalim ng Dios sa
“naturalesa” o “katalagahan”, hindi ibig sabihin nito ay
nasa ilalim na rin ng katalagahang iyon ang Dios. Ang
buhay ng tao ay kontrolado ng oras, at ng kapaligiran
niya. Kung magulo ang kapaligiran ng tao, pwede itong
magdulot ng sakit sa kanya (Prov 17:22). Kung marumi ang
kapaligiran ng tao, pwede itong magdulot ng sakit sa
kanya. Kung abusado sa katawan ang isang ina, pwede itong
makaapekto sa kalusugan ng kanyang anak. Yan ang
naturalesa. Pero ang Dios, dahil hindi siya
napapasailalim ng naturalesa, pwede niyang baguhin ang
epekto ng naturalesa sa tao. Pwede siyang magpagaling ng
taong ipinanganak na may kapansanan, pwede siyang bumuhay
ng patay (Deut 32:39; Ecc 8:8; Jn 10:18). Ano ang ibig
sabihin nito? Nais lang ipakita ng Dios na ang tao ay
nabubuhay sa awa Niya. Ang kalikasan ay walang awa, at
maaari tayong mabuhay o mamatay dito, pero ang Dios ay
mas makapangyarihan sa kalikasan, pwede NIya tayong
iligtas dito depende sa awa NIya o sa kalooban NIya. Kaya
nga tayong lahat ay nabubuhay sa awa ng Dios. Parang
Presidente. . . ang isang kriminal ay dapat mahatulan
base sa sinasabi ng batas, pero may kapangyarihan ang
Presidente para sagipin siya sa hatol ng batas sa
pamamagitan ng presidential pardon. (Rom 11:32-36; Rom
9:15; Mat 10:28; Rom 11:24). Masasabi ba nating ang Dios
ay diktador? Malupit? Hindi. Hindi Siya diktador dahil
may freewill tayo. Malupit ba siya? Hindi, dahil sagana
Siya sa awa. Kung tayo’y makagawa ng mali laban sa
naturalesa o sa kautusan Niya, pwede NIya tayong
mapatawad at iligtas. Iyana ng plano ng Dios para ang tao
matutong lumapit sa Kanya. TAYO AY NABUBUHAY DAHIL SA AWA
NG ISANG MAAWAING DIOS. Eh bakit may mga inosenteng
namamatay o matuwid na namamatay? Ibig bang sabihin ay
hindi sila kinaawaan ng Dios? Hindi. Hindi dahil namatay
ang isang tao eh dahil hindi naawa ang Dios sa Kanya.
Hindi. Maaaring namatay ang isang tao dahil may dahilan
ang Dios, lalo na kung ito’y lingkod NIya. Dahil ang
kamatayan, pwede ring magsilbing awa ng Dios.

3.

You might also like