You are on page 1of 20

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Florante at Laura
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 5: Pagmamahal sa Bayan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Jack A. Valcorza

Reviewer(s): Jesusa V. Sulayao, Girlie T. Sumastre

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Jack A. Valcorza

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co- Conniebel C. Nistal, PhD


Chairperson: Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 5

FLORANTE AT LAURA
Ikalimang Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.


Talaan ng mga Nilalaman
Para saan ang modyul na ito..............................Error! Bookmark not defined.
Alamin .................................................................iError! Bookmark not defined.
Pangkalahatang Panuto................................................................................... i
Mga Aykon ng Modyul.......................................................... iError! Bookmark not defined.
Panimulang Pagtataya (Pre-test) ................................................................... 1
Pagmamahal sa Bayan; Pagligtas ni Aladin kay Florante (Aralin 7) ... Error!
Bookmark not defined.
Alamin ...…………………………………………………………………………………………...
2
Subukin…………………………………………………………………………………………….
2
Gawain 1: Opinyon mo, ibahagi mo!............................................................................
2
Balikan…………………………………………………………………………………………….. 3
Gawain 2: Maalaala mo kaya? ....................................................................................
3
Tuklasin…………………………………………………………………………………………….3
Gawain 3: Tara, Usap tayo!................................................................................................ 3
Suriin ..................................................................................................................................... 4
Gawain 4: Tara na, Basa na! ............................................................................................. 4
Pagyamanin ......................................................................................................................... 7
Gawain 5: Tanong ko, paliwanag ko! ................................................................................. 7
Isaisip……………………………………………………………………………………………….7
Gawain 6: Tula mo, memorya mo! ..................................................................................... 7
Isagawa.................................................................................................................................. 8
Gawain 7: Tula mo, isulat mo! ............................................................................................ 8
Tayahin .................................................................................................................................. 9
Gawain 8: Tanong ko, Sagot ko! ....................................................................................... 9
Karagdagang Gawain .......................................................................................................... 9
Gawain 9: ......................................................................................................................... 16
Pagtatasa (Post test).......................................................................................................... 17
Susi ng Pagwawasto.......................................................................................................... 18
Sanggunian ......................................................................................................................... 19
Leksiyon: 7 Pagmamahal sa
Aralin Bayan
Leksiyon: 8 Pagliligtas ni Aladin
5 kay Florante

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang malaman ang iba’t ibang saloobing nadarama ni Florante
sa kanyang pagmamahal sa bayan? Alam mo ba na ang pagkakaroon ng
kaibigan ay hindi hadlang ang lahi ng isa’t isa? Kung gusto mo, paano mo ito
sisimulan?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa: Leksyon 7 Ang
Pagmamahal sa Bayan at Leksyon 8 Ang Pagligtas ni Aladin kay Florante. Ang
mga araling ito ay nagsasaad ng pagmamalasakit ng mga tauhan sa bawat isa
hinggil sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang bayan gayun din ang pagkakaroon
ng mabuting relasyon sa kapwa.

Sa araling ito, 80% antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang isang music video na may
temang katulad ng aralin (F8PD-IVd-e-35).
B. Nabibigkas ng madamdamin ang mga sauladong berso ng Florante at Laura (F8PS-
IVd-e-37).
C. Naisusulat ang ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa anyo ng isang makabuluhang
tula (F8PU-IVd-e-37).
D. Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may tamang anyo at
kaisahan (F8WG-IVd-e-37).

Pangkalahatang Panuto
Upang matamo ang mga layunin sa itaas, kailangang sundin ang mga sumusunod:

1. Bigyan ng karampatang panahon na igugugol para sa pagbabasa at pag-unawa sa


modyul.
2. Unawaing mabuti ang mga panutong nakasaad sa modyul na ito.
i
3. Sagotan lahat ng mga gawain at pagsusulit na inihanda para sa iyo.

ii
Leksiyon: 7 Pagmamahal sa
Aralin Bayan
Leksiyon: 8 Pagliligtas ni Aladin
5 kay Florante

Alamin

Masayang panimula! Hali na’t tuklasin kung paano ka magiging bayani sa sarili mong
paraan. Handa ka na ba? Ready, set go!

Matutunan mo sa modyul na ito ang mahahalagang kaisipan hinggil sa


pagmamalasakit ng mga tauhan sa bawat isa para sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang
bayan.

Subukin

Sa bahaging ito bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang inilaang katanungan sa


ibaba. Game ka na ba?!

Gawain 1 Sitwasyon ko! Sagot mo!

Panuto: Ibigay ang iyong opinyon tungkol sa sitwasyon na nasa ibaba.

Sitwasyon Blg. 1

Sa di-inaasahang pangyayari ay inalok ka ng inyong Punong-Baranggay na maging


isa sa mga barangay police o CVO upang sugpuin ang talamak na krimen na nagaganap
sa inyong lugar. Ano ang iyong gagawin? At bakit? Pangatuwiranan.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
1
________________________________________________________________

Tuklasin
Gawain 3: Tara, Usap tayo!

Alam kong masisiyahan ka habang binabalikan mong muli ang iyong natutunan na sa
nagdaang module.
Alam mo ba na marami ang nagbuwis ng buhay para lang makamit natin ang
ating kasarinlan laban sa mga dayuhang mananakop? Ang pagmamalasakit at
pagmamahal sa inang bayan ay isa lamang patunay na buhay ang diwa ng
pagtutulungan sa pagkamit ng tagumpay sa bawat hamon ng buhay. Bagamat iba-iba
man ang paniniwala ng tao, may kanya-kanya namang taglay na kabutihan ang bawat
isa. Kaya hali ka at sagutin natin ang gawain 3. Ikaw pa!
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Sa palagay mo, anong pagpapahalaga ang maibibigay mo sa mga taong nagma-


malasakit at nagmamahal sa sariling bayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin
Binabati kita! Alam kong marami ka ng kaalamang natuklasan sa nagdaang
gawain, ngayon ay gawin ang susunod na hamon sa ibaba.

Gawain 4 Tara na, Basa na!

Narito ang leksyon 7 at 8 ng Florante at Laura na magpapayaman ng iyong kaalaman ukol


sa pagmamahal sa bayan. Gawin ang panuto A at B.

Panuto A. Basahin ang tula nang may pag-unawa at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba
sa pagyamanin. Pagkatapos mabasa ang leksyon 7 ay isunod na basahin ang leksyon 8.
Panuto B. Basahin ang leksyon 8 at gawin ang gawain na inilaan dito. Ready, set go

2
Leksiyon. 7 Pagmamahal sa Bayan
Saknong Blg. 105 - Saknong Blg. 125

107
“Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim
at kung mangyayari hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.

114
“Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan;
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,
sa iyo’y malaki ang panghihinayang.

115
“Sa loob mo nawa’y mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.

116
“Kinasuklaman mo ang pinangga kong
Sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo;
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka’y maubos tumulo.

117
“Pagkabata ko na’y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga;
di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa
118
“Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
datapuwa’t sa iyo’y magpapasalamat
kung pakamahali’t huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.

119
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw sa isip!

120
“Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa

Binabati kita! Ang husay mo! Gayong nalagpasan ang hamon sa leksyon 7, ngayon naman
ay basahin ng may pag-unawa ang leksiyon 8 at isagawa ang inilaang gawain sa ibaba
pagkatapos mabasa ang tula. Simulan na!

3
Leksyon. 8 Pagliligtas ni Aladin kay Florante
Saknong Blg. 126 – Saknong Blg. 173

126
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero’y hindi na napigil ang habag,
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.

127
Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik
sa dagok ng lubhang matalas na kalis;
Moro’y di tumutugo’t hanggang di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.

128
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw
niyong pagkatungo sa kalulunuran;
siyang pagkataos sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.

129
Nang malapit siya’t abutin ng sulyap
ang sa pagkatali’y linigid sa hirap,
nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,
katawan at puso’y nagapos ng habag.

130
Malaong natigil na di nakabibo,
hininga’y hinabol na ibig lumayo;
matutulog disin sa habag ang dugo,
kundangan ng bangis leong nangagtayo.

131
Naakay ng gutom at gawing manila,
nag-uli sa ganid at nawalang-awa;
handa ang ngipi’t kukong bagong hasa
at pagsasabayan ang gapos ng iwa.

132
Tanang balahibo’y pinapangalisag,
nanindig ang buntot na nakagugulat;
Sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

133
Nagtaas ang kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira;
nang narakmain na’y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.

4
134
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apollo mandin sa serp’yente Piton;
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pamutol.

135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay
at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya di nalao’y nangagumong bangkay.

136
Nang magtagumpay ang gererong bantog
sa nangakalabang bangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ng loob.

137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo’y nang matingnang nunukal sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi’y nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.

138
Kaya ang ginawa’y inagapayan,
katawang malatang parang bagang bangkay;
at minsang pinatid ng espadang tangan
alang awang lubid na lubhang matibay.

139
Umupo’t kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga’y natulog;
hinaplos ang mukha’t dibdib ay tinutop,
nasa ng gerero’y pagsaulang-loob.

140
Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay
ng kanyang kalong na kalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141
Namamangha naman ang magandang kiyas,
kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas:
mawiwili disin ang iminamalas ang
mata, kundangan sa malaking habag.

5
142
Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob,
ngunit napayapa ng anyong kumilos
itong abang kandong na kalunus-lunos,
nagising ang buhay na nakakatulog.

143
Sa pagkalungayngay mata’y idinilat,
imutok ang unang bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
“Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?

144
“Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin
kung mamatay ako’y gunitain mo rin.”
pumikit na muli’t napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.

145
Ipinanganganib ay baka mabigla,
magtuloy mapatid hiningang mahina;
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.

146
Nang muling mamulat ang nagitlaanan
“Sino? sa aba ko’t nasa Morong kamay!”
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari’y nagngalit na lamang.

147
Sagot ng gerero’y “Huwag kang manganib
sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib;
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

148
“Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan
nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.

149
“Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako’y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

150
“Moro ako’y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng langit;
dini sa puso ko’y kusang natititik-
natural na ley-ing sa aba’y mahapis

6
Gawain 4 I-update ang status!
Panuto: Unawaing mabuti ang mga saknong sa leksyon 8 at isulat sa kahon
ang iyong kasagutan.
Nakapagpapahayag ng paraan kung paano mabuting makikipapwa-tao.

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon na nasa ika-8 baitang ay magbigay


ka ng mga paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano
makipagkapwa-tao at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-pino-
post sa ating mga social media account.

Add comment...

Like Share

Aba! Ayos! Magaling! Nagawa mong lagpasan ang unang pagsubok. Binabati kit

Pagyamanin
Gawain 5 Tanong ko! Paliwanag mo!

Ngayong nabasa mo na ang tula sa itaas, sagutin ang mga inilaang tanong
para sa iyo sa ibaba. Ready, set go!

1. Patunayan ang dakilang pag-big ni Florante kay Laura.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Anong tagpuan ang ipinakita sa tula na walang ligtas sa tiyak na kamatayan si


Florante? Makatotohanan ba ang nasabing tagpuan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Makatuwiran ba ang panghihinanakit ni Florante sa kaniyang bayan? Ipaliwanag ang


iyong sagot?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

7
Gamit ang iyong mga kaalaman sa unang bahagi ng araling ito susubukan natin ang
iyong pagkamalikhain sa paggawa ng tula. Tara, simulan na!

Gawain 7 Tula mo, Isulat mo!

Panuto: Bumuo o sumulat ng tula na may tatlong saknong na ang paksa ay tungkol sa
pag-ibig. Maaaring lapatan ito ng orihinal na himig sa pamamagitan ng anyong TUGMAAN.
Ang Tugmaan ay uri o anyo ng tula na magkakatugma o pareho ang huling tunog ng bawat
salita. Paalala sa paglalapat ng himig ay maaaring tungkol ito sa pamilya, lipunan o mga
taong espesyal sa atin. Sundin ang pamantayan sa ibaba.
Narito sa ibaba ang halimbawa ng tulang tugmaan:

“Diyata’t ang aking pagkapanganyaya,


Di mo tatapunan ng munti mang luha;
Kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala,
Di babahaginan ng munting gunita!
“Diyata’t ang aking pagkapanganyaya,
Di mo tatapunan ng munti mang luha;

Pamantayan 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 1-2 Puntos


Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
tula ay talagang tula ay tula ay tula ay hindi
angkop sa buong tangkop sa bahagyang angkop sa
Kaugnayan sa diwa ng paksa buong diwa angkop sa buong diwa
paksa ng paksa buong diwa ng ng paksa
paksa
Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
tula ay talagang tula ay tula ay tula ay hindi
kakitaan ng kakitaan ng bahagyang kakitaan ng
Pagkamalikhain kawilihan kawilihan kakitaan ng kawilihan
kawilihan
Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
tula ay talagang tula ay tula ay tula ay hindi
kakitaan ng kakitaan ng bahagyang kakitaan ng
Orihinalidad orihinalidad orihinalidad kakitaan ng orihinalidad
orihinalidad
Ang tulang Ang tulang Ang tulang Ang tulang
nabuo ay nabuo ay nabuo ay nabuo ay
talagang organisado, bahagyang hindi
Gramatika organisado, maingat na organisado, organisado,
maingat na naisulat, maingat na maingat na
naisulat, wasto at wasto at naisulat, wasto naisulat,
maingat ang maingat ang at maingat ang wasto at
wikang ginamit. wikang wikang ginamit. maingat ang
ginamit. wikang
ginamit.
Kabuoang
Marka

Tayahin
8
Isa ka pa lang makata! Ang husay mo! Sa susunod na gawain sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba.

Gawain 8 Tanong ko, sagot ko!

Panuto: Hanapin ang sagot sa mga saknong Bilang (Blg.) 105-125. Isulat ang sagot sa
patlang inilaan. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot.

A. Albanya F. Saknong 124 K. Konde Adolfo


B. Di manaw G. Saknong 116
C. Kaalipustaan H. Saknong 120
D. Laura I. Saknong 125
E. Pighati J. Flerida

_____________ 1. Sino ang tinutukoy ni Florante sa saknong Blg. 114-117?


_____________ 2. Aling salita sa saknong Blg. 119 ang kasingkahulugan ng hindi
maalis sa isipan?
_____________ 3. Anong saknong ang naglalahad na sa kabila ngpagtataksil ni Laura ay
minamahal pa rin ito Florante?
_____________4. Anong saknong ang nagsasabi na dapat nang magdiwang si Konde
Adolfo at si Laura?
_____________5. Sino ang kinakausap ni Florante sa saknong Blg. 122?
_____________6. Anong saknong ang nagsasabi na inibig pa ng bayang Albanya na
hayop lang ang papatay kay Florante?
_____________7. Aling salita sa saknong Blg. 121 ang kasingkahulugan ng kaapihan?
_____________8. Anong saknong ang nagsasaad na ang panibugho’y nagiging
makamandag na kay Florante?
_____________9. Anong saknong ang nagsasabi na huwag iluha ang nangyari sa buhay
ni Florante kundi ang pag-ibig niyang naapi?
_____________10. Aling salita sa saknong Blg. 105 ang kasingkahulugan ng matinding
kalungkutan.

9
10
Susi sa Pagwawasto
Paunang Pasulit Pagtatasa
1. A 6. B 1. C 6. D
2. B 7. A 2. C 7. B
3. D 8. D 3. B 8. C
4. A 9. B 4. B 9. B
5. D 10.B 5. B 10. A
Gawain 1
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Oo, sapagkat ako ay nakatutulong sa aming pamayanan na sugpuin ang mga
hindi kanais-nais na mga gawain ng mga mamamayan sa aming baranggay.
Gawain 2
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
1. Natutunan ko na walang ibang hangad ang mga magulang sa
kanilang mga anak kundi ang kapakanan lamang nila sa hinaharap.
2. Natutunan ko rin na walang magulang na kayang tiisin ang kalagayn
ng kanilang mga anak.
Gawain 3
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Sagot: Isasabuhay ko ang kanilang kadakilaan kagaya ng paggawa ng
mga simpleng bagay na makapagdudulot ng kaayusan at kaginhawaan
at katiwasayan sa lahat ng tao sa mundo.
Gawain 4 I-update ang status
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Panuto B
#Ang mabuting pakikitungo ng kapwa ay makikita sa isip, sa salita at sa gawa.
Gawain 5
1. Dakila kung matuturing ang pag-ibig ni Florante kay Laura sapagkat di alintana
nito ang sakit ng dibdib na nararamdaman sa natatanging irog.
2. Nakakatakot kung ilalarawan ang tagpuan ng tula sapagkat pinanahanan ito
ng mababangis na hayop. Hindi ito makatotohanan sapagkat wala naman
tayong mga iilang mga hayop na mababangis na makikita sa atin.
3. Sa palagay ko makatuwiran dahil simula’t sapul ng kanyang pagkabata wala
siyang ibang hangad kundi ang kapakanan at kabutihan lang ng kanilang
bayan ang kanyang hangad.
11
Susi sa Pagwawasto
Gawain 6 Gawain 7
Posibleng sagot ng mga mag-aaral. Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Pamilya’y aking pakaiingatan
119 ‘pagkat ito’y tinuturing munting tahanan
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit Simula’t sapul pa’y siya’ng nagluwal
ng kamatayan man sa tapat kong dibdib; Nang masilayan itong buhay kaloob ng
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig, Maykapal.
magdarayang sintang di manaw sa isip!
120 Pamilyang himpilan ng nasasakupan
Bayang walang-loob, sintang alibugha, Pighati’y nililisan bunsod ng damayan
Adolfong malupit, Laurang magdaraya, Tawanan ma’t kulitan unang namataan
magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa ‘pagkat sa mapagkalingang kamay
at masusunod na sa akin ang nasa. Biniyayaan.
Gawain 7
Posibleng sagot ng mga mag-aaral.
Tahanang walang kapalit ano pa man
Sa tuwing pighati’y dadalaw, pamilya’y andyan
Nang kalungkuta’y mapawi’t mahawan
Iyan ang pamilyang nagdadamayan.
Gawain 8 Tayahin
1. A
2. B
3. H
4. H
5. D
6. G
7. C
8. F
9. I
10. E
Gawain 9
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon. Makisama sa kapwa nang sa
gayon ay mamuhay ng tahimik at payapa. Umiwas sa gulo at pairalin ang
pagiging maunawain sa kapwa tao.
Sanggunian:

Aklat
Guimarie, Aida M. Florante at Laura (ni Francisco Baltazar); AMOS BOOKS, IN

12
This page is intentionally blank.

13

You might also like