You are on page 1of 1

Pagkatapos ng World War II, noong nagkaroon na ng kapayaan sa buong lupain, ang mga Legazpiños na

nagsilikas sa bundok ay bumalik na sa kanilang mga lugar. At dahil lahat ng kanilang mga tahanan ay
nasira noong sumiklab ang digmaan ay nagtayo silang muli ng kanilang bagong titirhan at sinubukan muli
nilang manirahan muli ng payak

Ang Philippine Army base sa Regan Barracks ay matatagpuan sa Barangay Sagpon, sa Lungsod ng Legazpi
ay nagluluksa rin sa pagkamatay ng ilang miyembro ng kanilang pangkat. Di naglaon ay nagkaroon ng
malawakang paghahananap para sa karagdagang miyembro na nais sumali at maging isang militar.
Maraming mga Legazpiños ang nag-apply at marami sa mga ito ay sumailalim sa mahigpit na
pagsasanay. Ang Regan Barracks noon, ay isang maliit lamang, hindi maunlad na kampo. Napapaligiran
ito ng isang rainforest.

Noong1950's, ang mga enlisted men at ang kanilang mga pamilya ay nagtayo ng isang maliit na
umuunlad na komunidad malapit sa kampo. Pinutol nila ang mga puno at ginawa itong taniman ng mga
sari-saring gulay at mga root crop. Ang mga militar at opisyal sa kampo ay hindi kailanman naging tutol
sa pagtatayo ng komunidad malapit sa kampo dahil hindi naman nanggugulo ang mga naninirahan doon
at dahil dito maraming tao ang nahikayat na manirahan doon. Di kalauna’y lumubo ang populasyon ng
komunidad at nagpasya ang mga tao roon na pangalanan itong EM’s Barrio. Ang ibig sabihin ng EM’s
Barrio ay baryo ng mga nakatirang Enlisted Men. At noong 1970, ay kinilala nang isang barangay ang
Em’s Barrio ng Lungsod ng Legazpi kahit na ang mga naninirahan na dito ay mga ordinayong
mamamayan ay hindi na nila pinalitan ang pangalan ng barangay.

You might also like