You are on page 1of 4

Pagsambang Pansambahayan

Sabado/Linggo: Mayo15/16, 2021

ANG MANG-UUPAT AT ANG IBUBUNGA SA MGA NAUUPATAN

Ang mensaheng ito para sa atin ay batay pa rin sa leksiyong inihanay


ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Manalo,
bilang paggunita sa kaniya sa buwang ito ng Mayo.

Sa Kawikaan 16:29 (MB) ay ginamit ang salitang “upat” sa ganitong


paraan: “Inuupatan ng taong liko ang kaniyang kapuwa at
ibinubunsod sa landas na masama.” Sa ibang mga salin ng Biblia sa
Tagalog, ang mga itinumbas sa salitang “inuupatan” ay inaakit,
tinutukso, dinadaya, at ibinubuyo.

Samakatuwid, sa paksa pa lamang ay madarama nating pinapag-


iingat tayo sa mga mang-uupat sapagkat ang mga gayon ay
magbubuyo o magsusulsol sa tao na gumawa ng mali, sa
pamamagitan ng daya at intriga.

Ayon sa Genesis 3:1-5, noong ang mga unang tao na sina Adan at
Eva ay nasa halamanan ng Eden—kung saan naroon na ang lahat ng
kanilang kailangang pagkain para mabuhay sila araw-araw—ay
tinanong si Eva ng ahas na siyang lalong tuso sa alinmang hayop sa
parang. Ang sabi nito, “Tunay bang sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong
kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?’” Pansinin natin
na nang-uupat at nang-iintriga ang ahas. Ang sagot ng babae: “Sa
bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan
ay sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong
hihipuin, baka kayo'y mamatay.’” Ngunit sinabi ng ahas sa babae:
“Tunay na hindi kayo mamamatay.”

Salungat na salungat ang pahayag na ito ng ahas sa sinabi ng


Panginoong Diyos. Nais ng ahas na linlangin at ibuyo ang mag-asawa
na gumawa ng masama. Ang ipinanghikayat nito sa mag-asawa para
labagin ang pagbabawal ng Diyos ay ang kaniyang sinabi na:
“Talastas ng Diyos na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat
nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Diyos, na
nakakakilala ng mabuti at masama.” Batay sa Apocalipsis 20:2, ang
ahas ay ang diablo o si Satanas. Siya ang unang-unang nang-upat sa
mga tao ng Diyos.
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 15/16, 2021
pahina 2

Dahil hindi ang sinabi ng Diyos ang pinaniwalaan nina Adan at Eva,
kundi ang pang-uupat sa kanila ni Satanas, ay pinalayas ang mag-
asawa sa halamanan ng Eden, alinsunod sa Genesis 3:23-24 at 6. At
para sila mabuhay ay ipinasiya ng Diyos na bukirin ni Adan ang
lupang pinagkunan sa kaniya. Gayundin, isinasaad sa Genesis 3:16-
19 na sinumpa sila ng Diyos dahil sila’y napaupat. Kailangan nang
magpagal o magtrabaho ang tao para sa kaniyang ikabubuhay.
Ipinasiya rin ng Diyos na magkaroon ng kamatayan ang tao.

Kaya, hindi totoo ang sinabi ng diablo sa mga unang tao na hindi sila
mamamatay. Sa halip, nang mahikayat sila ng diablo na labagin ang
utos ng Diyos ay nagkaroon sila ng kamatayan. Maliwanag na hindi
napabuti ang mag-asawa, bagkus ay napasamâ sila. Kung gayon,
hindi makabubuti sa mga tao ng Diyos na mahikayat at maniwala sa
sinasabi ng mang-uupat sa halip na sa sinasabi ng Diyos.

Subalit, hindi lamang sina Adan at Eva ang nasumpa dahil naniwala
sa mang-uupat o sa diablo. Ayon sa Roma 1:28-31, ang lahat ng tao
ay napailalim ng sumpa ng Diyos sapagkat, “Palibhasa'y hindi nila
minagaling na kilalanin ang Diyos, ibinigay sila ng Diyos sa isang
mahalay na pag-iisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi
nangararapat.” Napuspos ang tao ng “kalikuan, ng kasamaan, ng
kasakiman, ng kahalayan,” at ng iba’t iba pang uri ng kasamaan.

Hindi lamang iyan, kundi, ayon sa Ikalawang Tesalonica 2:10-12, ang


mga tao na hindi nakinig sa sinabi ng Diyos, bagkus ang
pinaniwalaan ay ang mang-uupat na kalaban ng Diyos, ay
ipinadadala sa paggawa ng kamalian, “upang magsipaniwala sila sa
kasinungalingan: upang mangahatulan silang lahat na hindi
nagsisisampalataya.” Ang hatol sa kanila ay kamatayan sa dagat-
dagatang apoy Kaya, mapapahamak ang mga naupatan ni Satanas
na labagin ang mga aral ng Diyos.

Maaaring sabihin ng iba na wala namang ahas o Satanas na lumapit


sa kanila para hikayatin silang huwag sumunod sa kalooban ng Diyos.
Subalit, mayroon ding kinakasangkapan si Satanas para upatan ang
mga tao ng Diyos. Ibinababala sa Ikalawang Corinto 11:14-15 na may
mga ministro si Satanas na nagpapakunwaring ministro ng katuwiran,
gaya niya na nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Ang
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 15/16, 2021
pahina 3

tinutukoy na mga ministro ni Satanas ay ang mga bulaan o


mandarayang manggagawa, batay sa Ikalawang Corinto 11:13.

Samakatuwid, hindi dahil sa nagpapakilalang tagapangaral daw ng


mga salita ng Diyos at may dala-dala pang Biblia, ay dapat na nating
paniwalaan. Sapagkat may mga taong nagpapakilalang ministro o
manggagawa ng katuwiran subalit sa katotohanan ay mga
mandarayang manggagawa ni Satanas. Kaya napakahalaga ng mga
sugo ng Diyos dahil sila lamang ang may karapatang mangaral ng
dalisay na ebanghelyo. Napakapalad natin sapagkat ang mga aral na
ating tinanggap sa loob ng Iglesia ay mga dalisay na aral ng Diyos
dahil ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix
Manalo, ang nagturo nito sa atin. Hindi tayo humihiwalay sa mga
itinuro sa atin ng Sugo. Ito rin ang mga aral na itinuturo at
pinaninindigan ng kasalukuyang Namamahala sa Iglesia, ang Kapatid
na Eduardo Manalo.

Sa harap ng mga katotohanang ito ay may ipinangangamba si Apostol


Pablo tungkol sa mga hinirang ng Diyos, na isinasaad sa Ikalawang
Corinto 11:3:

Nguni’t ako’y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si


Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang
malay at malinis na mga pag-iisip na kay Cristo ay pasamain.

Kaya ibinabala ng mga apostol na dapat mag-ingat ang mga hinirang


o mga kaanib sa Iglesia ay dahil may mga taong nagsipasok nang
lihim, ayon sa Judas 1:4. Ang lihim ay ang kanilang layunin sa
pagpasok. Ayon sa Biblia, kanilang “hinahamak ang mga paghahari, at
nilalait ang mga puno.” Kaya, hindi natin dapat ipagtaka na sa
panahon ng Sugo, ang Kapatid na Felix Manalo, ay may mga lumitaw,
na ang iba’y dati pang mga ministro at manggagawa, na nagsalita
nang laban sa kaniya at nagkalat ng kung anu-anong mga
kasinungalingan at paninira. Sa kasalukuyan ay may mga lumitaw rin
na naninira at nagsasalita nang laban sa Namamahala sa Iglesia.
Ibinabala na ito ng mga apostol noon pa man. Hindi lamang nila
siniraang-puri ang Pamamahala, kundi inuupatan din nila ang mga
kapatid na sumama sa kanila. Huwag tayong maniniwala at
pahihikayat sa mga gayon.
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 15/16, 2021
pahina 4

Sinabi rin ni Apostol Judas Tadeo ang masamang ugali ng mga


bulaan at magdarayang manggagawa. Ayon sa kaniyang sulat, sa
1:10-13: “Ang mga ito'y nang-alipusta sa anumang bagay na hindi
nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay
nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.”
Nakapagkukubli ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagtatago sa
piging ng pag-iibigan. Kaya wari baga ay may pag-ibig o
pagmamalasakit sila. Dagdag pa ni Apostol Judas Tadeo, sila ay “Mga
pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili.”
Kaya ang ipinapakain o itinuturo nila ay hindi mga salita ng Diyos,
kundi mula lamang sa kanilang sarili.

Ganiyang-ganiyan si Satanas. Waring nagmamalasakit subalit


inuupatan niya ang mga tao na lumabag sa mga kalooban ng Diyos.
Batay sa Genesis 3:4-5, dinaya ni Satanas ang mga unang tao na
kung lalabag sila sa kalooban ng Diyos ay hindi sila mamamatay.
Hinikayat niya sila na kung kakainin nila ang ipinagbabawal ng Diyos
na kanilang kainin ay magiging parang Diyos sila na nakakikilala ng
mabuti at masama. Napaniwala niya sila kaya sumalangsang sila sa
mga utos ng Diyos. Kaya ang sinunod nila ay si Satanas.

Huwag tayong pumayag na mahulog sa pagkakamali nina Adan at


Eva. Huwag tayong pauupat sa mang-uupat. Bagkus, ang dapat
nating gawin ay ang itinuturo sa atin sa Santiago 4:7:

Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa


diablo, at tatakas siya sa inyo.
Huwag tayong padadala sa pang-uupat o panghihikayat ng sinuman
para labagin natin ang mga aral ng Diyos na tinanggap at
sinampalatayanan natin. Sumasampalataya tayo na ang mga aral na
ating tinanggap sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay pawang mga aral ng
Diyos dahil sa ang nangaral nito sa atin ay Sugo ng Diyos. Kaya,
dapat nating sundin at isabuhay ang mga aral na ito upang makamit
natin ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos.
PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN
BATAY SA LEKSIYONG BINALANGKAS
NG KAPATID NA FELIX MANALO
SABADO/LINGGO: MAYO 15/16, 2021
________________________

You might also like