You are on page 1of 1

Lagi na lang ganito

Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin,
sigaw ng puso
Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?
Kung anuman ang totoo
Isip man ay litong-lito Handang handa akong sumalo Pagkat ikaw pa rin sigaw
ng puso Ilang awit na ang inalay sayo Ilang luha na rin ang natuyo Kailan kaya
muling makakatawang Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip Kailan
kaya muling makakamit Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan? (Kailan) Kailan ang dating... Kailan kaya muling
matatamasa? Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta Kailan kaya muling
mararanasan? Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala

You might also like