You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Paete

KASUNDUAN
Ang Kasunduan na ginawa at nilagdaan dito sa Bayan ng Paete, Lalawigan ng Laguna,
ngayong ika-3 ng Pebrero taong 2021 nina:

JAYSON B. BERNARDO, kasal kay MARY ANN M. BERNARDO, may


sapat na gulang, mamamayang Pilipino, naninirahan at may pahatirang-sulat sa
Brgy. Wawa Nasugbu Batangas at dito ay tatawaging UNANG PANIG;
-at-
MARY ANN M. BERNARDO, kasal kay JAYSON B. BERNARDO, may
sapat na gulang, mamamayang Pilipino, naninirahan at may pahatirang-sulat sa
Brgy. Wawa Nasugbu Batangas, at dito ay tatawaging IKALAWANG PANIG;

NANGAGPAPATIBAY:

Na ang UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG ay mag-asawa at ikinasal noong


September 18, 2006 sa MUNICIPALITY NG NASUGBU BATANGAS;

Na ang UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG ay magkakanya-kanya ng bahay na


tirahan at nagkasundo na maghiwalay, sang-ayon sa mga sumusunod na kondisyones:

UNA. – Na ang UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG ay wala ng pakialam sa isat-isa


at malaya na makakakuha ng kanilang kasama sa buhay. Na nagkasundo ang UNANG PANIG
at IKALAWANG PANIG na hindi na magsasampa ng kasong kriminal, sibil o administratibo sa
isat-isa kung sakaling magkaroon ng bagong kasama sa buhay;

IKALAWA. – Na ang UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG ay nagkaroon ng isang (1)


anak na si ROSE ANNE M. BERNARDO, na ipinanganak noong FEBRUARY 09, 2007 at
ngayon ay nasa puder o pangangalaga ng IKALAWANG PANIG;

IKATLO – Na UNANG PANIG at IKALAWANG PANIG ay nagkasundo na kung sakaling


magkaroon ng ari-arian ang bawat panig ay mapupunta ang mga nasabing ari-arian sa kanilang
anak;

SA KATUNAYAN NITO ay lumagda kami ng aming pangalan sa ibaba nito ngayong ika-3
ng Pebrero taong 2021 dito sa Bayan ng Paete, Lalawigan ng Laguna.

JAYSON B. BERNARDO MARY ANN M. BERNARDO

Unang Panig Ikalawang Panig

Nilagdaan sa harap nina:

___________________________ at ___________________________

You might also like