You are on page 1of 6

Key check 2 VIDEO: Walang mataas o mababang bahagi ng lupa matapos ang huling pagpapatag

9 July 2019
CASTS:
Rolando Lazaro – MITOY Lando-
Asawa ni Mitoy – SUSAN Dr. Arnold Juliano – PhilRice Expert

PART 1
Scene Video Audio Visual notes
no.
1 KEY CHECK 2 Walang mataas o mababang lupa matapos ang huling
pagpapatag
2 MITOY Mitoy habang kumakanta sa kanilang bahay
3 SUSAN Ang saya-saya mo yata! Nanalo ka ba sa jueteng?!

4 MITOY Ano ka ba asawa ko! Mas higit pa sa pagkapanalo sa jueteng!


5 SUSAN REACTION SHOT
6 MITOY Nakakwentuhan ko kasi si Sir Errol ng PhilRice, sabi nya mas
mataas ang tyansa na mataas ang aanihin kapag dekalidad
na binhi.
7 SUSAN Yan na nga yung sinasabi ko! De kalidad na binhi!

8 MITOY Oo! tinuruan nya pa ako kung paano pumili ng barayting


itatanim. Jackpot hindi ba?!

9 WS: SUSAN Mabuti naman kung ganon! O, siya, pwede bang ikaw na REACTION SHOT
muna ang maglaba at mamalantsa, may lakad pa kasi kami
nina Bebang, may pabingo si Kapitan!

10 MITOY Ang swerte ko talaga sayo!


11 SUSAN Bumili ka na rin ng suka kina Pareng Lando nang
makapagluto ka na rin ng adobo, tanghalian nyo!
12 MITOY Mitoy na napakamot ng ulo pero naglaba at namalantsa pa
1 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD
rin.

13 MITOY Naglakad si Mitoy papunta


sa tindahan. Napansin nyang
busy si Lando nagsusulat sa
kalendaryong malaki.

PART II
SCEN VIDEO AUDIO VISUAL NOTES
E NO
14 Mitoy Ano ba yang ginagawa mo pareng Isko? Panay ang sulat mo sa ES: F1 enters the kubo with
kalendaryo? curiosity to what’s the F2 is
doing

F2 is busy making some marks


in the calendar

PhilRice calendar as props


15 Lando with Eto ba?! Ini-schedule ko na sa kalendaryo ko kung kelan ako
malaking maghahanda ng lupa.
kalendaryo
16 Farmer 1 MS reaction shot
Reaction
17 Lando Alam mo na. Iba na ang laging handa! Plano ko kasi mag-araro na
ngayong Miyerkules (June 1)
18 Farmer 1 and 2 POV SHOT: Back to the
Reaction calendar

Fade out
19 STAMP: Key check
2: Walang
2 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD
mataas o
mababang bahagi
ng lupa matapos
ang huling
pagpapatag
20
21 Calendar 1 (high June 1- pag-aararo/pagrurustilyo
quality seeds)
22 Calendar 2 June 8- unang suyod
(irrigated lowland) June 15- pangalawang suyod
June 22- pangatlong suyod at pagpapatag
23 Sir Arnold Tama si Lando, mainam na bigyan ng kaukulang panahon ang WS: F1 left F2 right Expert
paghahanda ng lupa. center

Expert enters in the scene


while F1 and F2 are skimming
the calendar

Isko or F2 remains supportive


with the expert
24 Sir Arnold’s voice Malaking tulong sa pagsasaka kapag ang lupa ay naihandang
over with clips mabuti.

Una: Mas madaling pamahalaan ang damo;


Pangalawa: mas madaling pamamahala ng kuhol;
Pangatlo: Mas epektibo ang pagpapataba

Kapag napamahalaan nang mabuti ang lupa, pantay-pantay ang


paglaki at paggulang ng palay.

Bukod pa dyan, malaki ang naitutulong nito sa maayos at matipid


na pagpapatubig

3 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD


25 Sir Arnold talking Alam nyo, apektado talaga ang paglaki ng palay kung hindi maayos
to farmers ang pagkakahanda ng lupa.

26 Mitoy Ano ba ang epekto sa palayan kung hindi masyadong pantay ang Execute reaction before the
pagkakahanda nito? dialogue

27 Farmer 2 (Flash Madamong palayan. Kapag madamo ang palayan, binibigyan natin Insert daga
EPEKTO 1) ng pamamahayan ang mga daga.

28 Sir Arnold (Flash Matinding pananalasa ng kuhol na kumakain sa mga katatanim na


epekto 2) punla.

29 Farmer 2 (Flash Hindi pantay na paglaki at paggulang ng palay kasi maaaring hindi
epekto 3) rin naging pantay ang pagkakasabog ng pataba.

Kapag ganito ang nangyari, hindi rin magiging pantay ang


pagkahinog ng palay na magiging dahilan sa pagbaba ng kalidad ng
mga butil.

30 Sir Arnold Sa kabuuan ang palayang hindi naihandang mabuti ay tiyak na


may 5% bawas na ani!

31 Mitoy 5% bawas na ani?

32 Lando Tama! Ibig sabihin kung aani ka ng 100 sako, awtomatik 5 sakong
kaltas agad! Sayang!

33 Mitoy Dapat pala talagang paghandaan ang paghahanda ng lupa. Teach MS REACTION SHOT: 3
me how sir Arnold and Pareng Lando! seconds

34 Casts to exit Sure! Tara


FO

4 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD


35 Re- Linisin at ayusin ang mga pilapil To be recorded
enactment/clips
Tamang Araruhin ang bukid 21-30 araw bago magtanim. Simulan ang pag-
paghahanda ng aararo sa kabuuan ng bukid pagkatapos mumunla.
lupa
Suyurin ang bukid ng ‘di kukulangin sa 2 beses na may isang
linggong pagitan. Ito ay upang mabigyang panahong tumubo ang
mga nalaglag na binhi ng palay at buto ng damo at mabulok ang
mga pasyok at damo.

Patagin ang bukid sa pamamagitan ng kalabaw o power tiller na


may nakakabit na pangpatag.

36 Lando Ngayon alam mo na pare!

37 Mitoy with texts Gets na gets ko na pare!


and clips
Kapag ang lupa ay naihandang mabuti:

1. Hindi masyadong dinadamo.


2. Mas madaling kontrolin ang mga kuhol.
3. Mas epektibo ang pagsasabog-abono
4. Sabay-sabay paglaki at paggulang ng palay
5. Maayos at matipid na pagpapatubig

38 Mitoy Now I know! Uwi na nga ako at mag-iiskedyul na rin ako ng


paghahanda ko ng lupa!

39 Nagmamadaling
umalis si Mitoy
Lando Pareng Mitoy, ung suka mo, hindi mo pa bayad!
40 KeyCheck 2:

5 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD


Walang mataas o
mababang bahagi
ng lupa matapos
ang huling
pagpapatag lupa
30 (STAMP): Ang paghahanda ng lupa ay mainam isagawa sa loob ng Expert may narrate this
21-30 araw upang magkaroon ng sapat na panahon upang tumubo
ang mga buto ng damo at nalaglag na palay at upang mabulok ang
pasyok at damo sa bukid.

Matapos ang huling pagpapatag, mainam na wala halos tumpok ng


lupa na lalampas sa 2-3 sentimetrong taas ng tubig upang mas
malaki ang maging pakinabang sa pagsasaka.

Announcements

6 Key check 2 VIDEO: WELL LEVELLED FIELD

You might also like