You are on page 1of 7

ACCOUNTING TUTORIAL (PART 1)

"BASIC" ACCOUNTING EQUATION"

A = L + OE

Assets = Liabilities + Owner's Equity

P100 = P60 + P40

"CHARACTERS" :)

a. BUSINESS = "Ikaw"

b. ASSET = Pag-aari "ng business"

c. LIABILITY = Utang "ng business" sa iba (Ex. Bank)

d. OWNER'S EQUITY = "Utang" "ng business" sa may-ari (owner)

#CommonMistake

Ang "Business" at ang "Owner" ay IISA..

*MALI po yan. Para maintindihan natin ang Accounting Equation (A=L+OE), ang una dapat nating isipin
ay magkaiba ang "BUSINESS" at ang "OWNER"

#HALIMBAWA

BUSINESS(Ikaw) = Buy & Sell ng damit

~kung ikaw si BUSINESS, kailangan mo ng "pera" pambili ng damit.

#QUESTION

Saan manggagaling ang pera?

Answer:
a. Mangungutang sa iba (Ex. Bank) P60

b. "Mangungutang" sa may-ari or owner P40

P60 + P40 = P100

Ang pera na ngayon ni "Business" ay P100

Business:

A = P100 (Pera/Asset)

L = P60 (Utang sa Bank)

OE = P40 ("Utang" sa Owner)

In simple words, ang Pera ng Business na P100 (ASSET):

~ay galing sa utang sa Bank P60 (LIABILITY), at galing sa "utang" sa Owner P40 (OWNER'S EQUITY)

A = L + OE

P100 = P60 + P40

#REMINDER

~In Form, parang ISA lang ang "Business" at "Owner"

~Pero in Substance, IKAW lang si " BUSINESS" (at "parang" pinautang ka lang ng sarili mo)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"DEBIT AND CREDIT"

1. Bumili ka ng Laptop at nagbayad ka ng P50000

DEBIT: Laptop 50000


CREDIT: Cash 50000

Nagkaroon ka ng Laptop, kaya DEBIT

Nawalan ka naman ng Cash, kaya CREDIT

NOTE: (ASSET)

Pag "nagkakaroon" ka ng Asset(or bagay) = DEBIT

Pag "nawawalan" ka ng Asset (or bagay) = CREDIT

..............................................

2. Bumili ka ng Laptop pero utang, P50,000

DEBIT: Laptop 50000

CREDIT: Accounts Payable 50000

Nagkaroon ka ng Laptop, kaya DEBIT

Nagkaroon ka ng utang(Accounts Payable), kaya CREDIT

NOTE: (LIABILITY or UTANG)

Pag "nagkakaroon" ka ng utang = CREDIT

Pag "nawawalan" ka ng utang = DEBIT

#IMPORTANT

Baliktad ang ASSET at LIABILITY

(ASSET)

DEBIT: pag "nagkakaroon" ka ng Asset(or bagay)

CREDIT: pag "nawawalan" ka ng Asset (or bagay)


(LIABILITY)

CREDIT: pag "nagkakaroon" ka ng utang

DEBIT: pag "nawawalan" ka ng utang

..............................................

3. Binayaran mo na ang utang..

DEBIT: Accounts Payable 50000

CREDIT: Cash 50000

Nawala na ang utang (Accounts Payable), kaya DEBIT.

Nawalan ka din ng Cash, kaya CREDIT.

*Yehey, wala nang utang. :)

..............................................

4. Ginamit mo yung Laptop sa business mong Accounting Tutorial. Kumita ka ng P20,000 pero "pautang".

DEBIT Accounts Receivable 20,000

CREDIT Service Income 20,000

Nagkaroon ka ng "pautang"(Asset siya kasi makokolekta mo siya), kaya DEBIT

Nagkaroon ka din ng kita o income, kaya CREDIT.

NOTE: (INCOME or KITA)

Pag "nagkakaroon" ka ng income = CREDIT


..............................................

5. Nakolekta mo na yung pautang mo sa tinuruan mong estudyante P20,000.

DEBIT Cash 20000

CREDIT Accounts Receivable 20000

Nagkaroon ka ng Cash, kaya DEBIT

Nawalan ka ng pautang(Accounts Recevable), kaya CREDIT

...............................................

6. Nagbayad ka ng P10,000 sa inuupahan mong lugar para sa tutorial.

DEBIT Expense 10000

CREDIT Cash 10000

Nagkaroon ka ng gastos(expense), kaya DEBIT

Nawalan ka din ng cash, kaya CREDIT.

NOTE: (EXPENSE or GASTOS)

Pag "nagkakaroon" ka ng gastusin = DEBIT

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Point of view of the BUSINESS:

Increase in Asset

Nagkakaroon ng asset ang business kasi pwedeng


-nanggaling sa inutang niya (ito ang pautang or investment ng creditors)

-nanggaling sa owner (ito ang initial or additional investment ng owner)

-galing sa serbisyo/benta

Decrease in Asset

Nawawalan naman ng asset ang business kasi pwedeng

-nagbayad siya ng utang

-ibinalik na yung capital sa owner (withdrawal by the owner)

-may mga gastusin o expenses

Equity/Capital = Investment + Revenue - Expenses - Drawings(Withdrawal)

Increase in Equity

-Tumataas ang Equity pag mas malaki ang kita(revenue) kaysa sa gastos(expenses). Ang tawag dito ay
"Net Income".

-Pwede rin tumaas ang Equity pag nadadagdagan ang capital(pera o gamit) ng business.

Decrease in Equity

-Bumababa ang Equity pag mas malaki ang gastos(expenses) kaysa sa revenue or kita. Ang tawag dito ay
"Net Loss".

-Pwede rin bumaba ang Equity pag ibinalik na ang capital(pera o gamit) sa may-ari. (Withdrawal by the
owner)

Normal Balances:

DEBIT (DEAL)

D-ividends (Drawings)

E-xpenses

A-sset

L-osses
CREDIT (GIRLS)

G-ains

I-ncome

R-evenues

L-iabilities

S-tockholder's (or Owner's) Equity

You might also like