You are on page 1of 6

MASBATE NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

MASBATE CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ang Pagmamahal sa Diyos

Pangalan ng Estudyante: ____________________________________

Asignatura-Antas: __________________________________________
Petsa: ___________________________________________________

I. Panimulang Konsepto

Naranasan mo na ba ang magmahal? Paano ka ba magmahal? Kung naranasan mo na, ano ang iyong naging
pakiramdam? Nasiyahan ka bang ang ikaw ay nagmahal? Ano ang pakiramdam? Naitanong mo na ba ito sa iyong
sarili? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso at
kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang pagmamahal ang pinakamahalagang utos. Paano
mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa?

Sa gawaing pampagkatutong ito pag-uusapan natin ang pagmamahal sa kapuwa at Diyos.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. (EsP10PB-IIIa-9.1)

2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa
Buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)
3. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3)
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)

III. Mga Gawain

GAWAIN 1
Panuto: Magbigay ng tatlo o apat na patunay na Mahal ka ng Diyos at Ipaliwanag.

Ako ay mahal ng
Diyos dahil sa…..

a. Ano ano ang mga patunay na ikaw ay mahal ng Diyos?

b. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong isinulat?
GAWAIN 2
Panuto: Pakinggan ang awiting Footprints in the sand ni Guy at Ralna o kaya naman ay ang tagalog version nito na
Mga bakas sa buhangin at sagutin ang mga katanungan.

a. Pumili ng isang bahagi sa awitin na nakapukaw ng iyong damdamin na masasabi mong mahal ka ng Diyos.
b. Ano ang mensaheng hatid sa iyo ng awitin?
c. Ano ang iyong naramdaman habang pinapakinggan ang awitin?
d. Paano mo malalaman na Mahal ka ng Diyos sa panahong ikaw ay nag-iisa?

GAWAIN 3
Panuto: Basahin mong mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong.

Sino si Job?
Si Job ay isang napakabuting tao. Palagi niyang ginagawa ang tama. Sinunod niya ang mga kautusan ng
Diyos. Si Job ay isa ring mayamang lalaki. Siya ay maraming hayop at tagapaglingkod. Siya ay may asawa at
sampung anak. Binigyan siya ng Diyos ng maraming pagpapala.

Alam ng Diyos na si Job ay isang mabuting tao. Alam din ni Satanas na si Job ay mabuti dahil binigyan siya ng
Diyos ng maraming pagpapala. Sinabi ni Satanas na si Job ay hindi magiging mabuti kung ang kanyang mga
pagpapala ay aalisin. Sinabi ng Diyos na maaaring kunin ni Satanas ang lahat ng bagay kay Job. Subalit hindi
maaaring saktan ni Satanas si Job. Pagkatapos ay makikita ni Satanas na si Job ay mananatiling mabuti.

Isang araw ay apat na tagapaglingkod ang nagpunta kay Job. Sinabi nilang lahat ng baka at tagapaglingkod ni
Job ay napatay. Sinabi nilang sinunog ng apoy ang lahat ng kanyang tupa. Sinabi nila na ang kanyang mga
kamelyo ay ninakaw. Sinabi nila na isang malakas na hangin ang nagpabagsak ng bahay ng anak na lalaki ni
Job. Lahat ng anak ni Job ay napatay. Wala nang natira pa kay Job. Si Job ay lubhang nalungkot. Subalit hindi
siya nagalit sa Diyos. Lumuhod siya sa lupa at sinamba ang Diyos. Sinabi niyang wala siya ni anuman nang
siya ay isilang. Binigyan siya ng Diyos ng lahat ng bagay. Ngayon ay kinuha ito ng Diyos. Mahal pa rin ni Job
ang Diyos. Muling kinausap ng Diyos si Satanas. Sinabi niyang lahat ng bagay ay kinuha na mula kay Job. At si
Job ay nanatiling mabuti. Subalit sinabi ni Satanas na si Job ay hindi magiging mabuti kung siya ay may
malubhang karamdaman. Kaya sinabi ng Diyos kay Satanas na maaari niyang bigyan ng karamdaman si Job.
Subalit hindi siya maaaring patayin ni Satanas.

Si Job ay nagkasakit nang malubha. Ang kanyang katawan ay napuno ng sugat. Hiniling niyang sana ay hindi
na siya isinilang. Tinanong ng asawa ni Job kung naniniwala pa rin siya na ang Diyos ay mabuti. Sinabi ni Job
na oo. Sinabi ni Job na binigyan ng Diyos ang mga tao ng magagandang bagay. Minsan ay pinahihintulutan
ng Diyos ang masasamang bagay na mangyari sa kanila. Minsan ang masasamang bagay ay nangyayari sa
mabubuting tao. Tatlo sa kaibigan ni Job ang dumalaw sa kanya. Sila ay naaawa sa kanya. Sinabi nila kay Job
na pinarurusahan ng Diyos ang masasamang tao. Sinabi nilang hindi pinarurusahan ng Diyos ang mabubuting
tao. Sinabi ng mga kaibigan na si Job ay maaaring naging masama. Ang masasamang bagay ay hindi
mangyayari sa kanya kung siya ay mabuti.

Sinabi ni Job sa kanyang mga kaibigang hindi ba siya tinutulungan. Sinabi din niyang hindi siya naging
masama. Hindi niya alam kung bakit maraming masasamang bagay ang nangyari sa kanya. Si Job ay
naniniwala pa rin sa Diyos. Sinabi ni Job na siya ay maaaring mamatay. Subalit palagi pa rin niyang
mamahalin ang Diyos. Kung siya ay mamatay, siya ay mabubuhay na mag-uli. Mapapasakanyang muli ang
kanyang katawan. Makikita niya ang Diyos. Muling sinabi ng mga kaibigan ni Job sa kanyang siya ay naging
masama. Sinabi nilang maaaring kumuha siya ng mga bagay sa mahihirap na tao. O maaaring hindi siya
tumulong sa mga tao nang nangangailangan sila ng tulong. Sinabi nilang alam ng Diyos kung masama ang
mga tao. Walang sinuman makapagtatago ng kanyang mga kasalanan sa Diyos. Sinabi nila kay Job na
magsisi. Nang sa gayon ay pagpalain siya ng Diyos.

Sinabi ni Job sa kanyang mga kaibigang siya ay mabuti. Sinabi niyang alam ng Diyos na hindi siya masama.
Sinabi ni Job na ang ilang masasamang tao ay walang problema. At kung minsan ang mabubuting tao ay
maraming problema. Sinabi ni Job na hindi niya alam kung bakit pinahintulutan ng Diyos na mangyari ang
masasamang bagay sa kanya. Pagkatapos ay narinig ni Job ang tinig ng Diyos. Maraming katanungan ang
Diyos kay Job katulad ng: Nasaan si Job nang gawin ng Diyos ang mundo? Ano ang alam ni Job tungkol sa
mga ulap, sa niyebe, at sa ulan? Ano ang alam ni Job tungkol sa mga hayop at sa mga halamang nasa
mundo? Ginawa ng Diyos ang magagandang bagay na ito.

Sinagot ni Job ang Diyos. Sinabi ni Job na hindi niya nauunawaan ang mga bagay na ito. Sinabi ng Diyos kay
Job na hindi nauunawaan palagi ng mga tao kung bakit ginagawa ng Diyos ang mga bagay. Kailangang
magtiwala ang mga tao sa Diyos anuman ang mangyari sa kanila. Pagkatapos ay nakita ni Job ang Diyos. Si
Job ay naging mabuti sa lahat ng kanyang mga problema. Minahal ni Job ang Diyos. Nagtiwala siya sa Diyos.
Sinabi ng Diyos sa mga kaibigan ni Job na galit siya sa kanila. Ang mga bagay na sinabi nila kay Job ay hindi
tama. Sinabi ng Diyos sa kanilang magdala sila ng mga hayop upang ialay. Si Job ay nanalangin para sa
kanyang mga kaibigan. Pinagpala ng Diyos si Job. Binigyan ng Diyos si Job ng higit na marami kaysa dati.
Binigyan siya ng Diyos ng marami pang hayop. Si Job at ang kanyang asawa ay nagkaroon ng maraming anak.
Sila ay maligaya. Si Job ay nabuhay nang matagal. Siya ay napakabuting tao.

Sagutin Mo.
a. Sino si Job?
b. Anu-ano ang mga pagsubok na ipinadala ng Diyos kay Job?
c. Paano nanatili ang pananampalataya at pagmamahal ni Job sa Diyos?

GAWAIN 4
Panuto: Magbalik-gunita ka sa mga nagdaang karanasan mo sa buhay at ibahagi ang pagkakataong ikaw ay
natulungan ng iyong pagmamahal sa Diyos.

SULIRANIN O PAGSUBOK PINAGDADAANAN NGAYONG PANDEMYA

______________________________________________________________________

GAWAIN 5
Panuto: Basahing mabuti ang ang mga talatang hango sa aklat at gawin ang mga gawain pagkatapos magbasa.

Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang
sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na
hindi niya nakikita?” Sinabi ni Mother Teresa: “Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na
pagmamahal, ang magmahal nang walang hinihintay na anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay
nagmamahal pa rin”.

Ganito ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa – isang klase ng pagmamahal kung saan ang Diyos ang nakikita
niya sa mukha ng taong kaniyang pinaglilingkuran. Kaya nga, upang mapatunayan ng isang tao na mahal niya ang
Diyos ay kailangan niyang mahalin ang kaniyang kapuwa. Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kaya’t
imposibleng maghiwalay ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa. Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat ng pag-
ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay Niya para sa atin. Magkakaroon lamang ng katuturan ang isang pag-
ibig kung ang pag-ibig natin sa ating kapuwa ay gaya ng pag-ibig natin sa Diyos. At magkakaroon ng kabuluhan ang
pag-ibig natin sa Diyos kung magagawa nating mahalin at kahabagan ang ating kapuwa. Ipinadama ng Panginoon ang
labis na pag-ibig niya sa atin, ibalik natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa.

Kung ikaw ang nasa bawat sitwasyon, paano ka tutugon. Isulat ang iyong sagot sa bawat patlang.

1. Kumatok ang iyong kapitbahay na si Monica at humihingi sa iyo ng tulong dahil ang kaniyang anak ay may
malubhang karamdaman. Noong araw na iyon, sakto lamang ang iyong pera para sa inyong gastusin sa bahay. Ano
ang iyong gagawin?
_________________________________________________________________________

2. Papasok ka sa paaralan. Napansin mong may isang batang naka wheelchair ang hindi makaalis dahil napasabit ang
gulong nito sa bakod. Ano ang dapat mong gawin?
_______________________________________________________________________

3. Bago ninyong kaklase si Jaypee. Galing siya sa isang malayong probinsya. Lagi siyang nag-iisa dahil wala pa siyang
kaibigan at hindi niya maintindihan ang lengwaheng gamit ninyo. Ano ang dapat mong gawin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

GAWAIN 6

A. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum.
Sagutin ito nang may katapatan.

Palaging ginagawa Paminsan minsang Hindi ginagawa Paliwanag

ginagawa
1. Pagsisimba
2. Pagputol ng puno
kahit ito ay maliit pa
3. Pinapasalamatan
ang kapwa sa
kabutihang kanilang
ginawa
4. Sinusuway ang
mga bilin ng
magulang
5. Nagdadasal kahit
pagod na pagod na
at gusto ng matulog

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na talahanayan) na nagpapakita ng

pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos para sa susunod na isang linggo. Itala rito kung nagpapakita ng
mabuting ugnayan sa Diyos. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa.

My Personal Daily Log

Mga Araw Pagmamahal sa Pangangalaga sa Paggalang sa Pagkamasunurin
Kabutihan Kapaligiran Karapatang Pantao

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain 4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Pamantayan Puntos

Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan 15

Maayos ang organisasyon ng mga ideya at kalinisan sa pagkakasulat 10

Wasto ang pagbaybay at gramatika 5

Kabuuan 30

Gawain 5
Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3 3
Kaangkupan ng sagot 4
Kabuuan 10

Gawain 6.B
MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman 10
Organisasyon 5
Presentasyon 5
Kabuuan 20

V. MGA SANGGUNIAN

Department of Education Curriculum and Standard. 2020. Most Essential Learning Competencies with Corresponding
CG Codes/Suggested LR. Pasig City.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: FEP Printing Corporation

You might also like