AP7 Q4 M4 Shortened

You might also like

You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 7

Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
MGA KAUGNAYAN NG IBA’T IBANG IDEOLOHIYA SA PAG-USBONG NG
NASYONALISMO AT KILUSANG NASYONALISTA

Alamin
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista
2. Natutukoy ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang
nasyonalista
3. Naihahambing ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang
nasyonalista sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Tuklasin
Gawain A: Halu-Ayos-Laya!

Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa
inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang sagot sa espayo bago ang bilang.

1.
Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang
antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang ito,
tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan ang
estado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng
produksiyon ng lahat ng negosyo ng bansa. Upang masiguro ang
maayos na pagpapatupad, kailangang pairalin ang diktadurya.
_2.
Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng
pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang pagkakapantay-
pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batasat sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay. Bukod pa rito ay
karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan,
ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila.

3.
__
Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, kapitalismo,
monarkiya, totalitaryanismo, autoritaryanismo, sosyalismo at
komunismo.

Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng


mga mananakop sa kanilang pamumuhay at kabuhayan.

Suriin
Basahin at Unawain mo ang mga sumusunod na teksto.
Ang pananakop at pagpapahirap sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-
Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon
sa pag-aabuso at pagsira sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang
Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.
Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, naiba ang balanse ng kapangyarihan
o balance of power sa Asya. Humina ang mga bansang Europeo at lumakas ang United
States at Japan. Nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kanyang hukbong
militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial equalityo pantay
na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga kanluranin. Nagdulot din ang digmaan
ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian at pagkamatay ng maraming
mamamayan. Nakaranas din sila ng matinding pagkagutom, pagbagsak ng industriya
sa mga bansang pinangyarihan na naging dahilan sa krisis na tinatawag na dakilang
kapanglawan o Great Depression. Pagkatapos ng digmaan itinatag nila ang League of
Nations upang maiwasan na ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Isa pang
epekto ay ang pagpasok ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya upang malinang
ang langis. Ipinatupad nila ang sistemang mandato sa rehiyon na kontrolado nila.
Nag-umpisa rin ang pagbalik ng mga Jews o Israelite sa rehiyon.
Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming lungsod sa Asya ang
nasira. Milyun-milyong mamamayan ang namatay. Hirap at tagutom ang sinapit
ng mga napinsala ng Japan. Inokupa ng mga Amerikano ang Japan dahil sa kanilang
pagkatalo sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Douglas McArthur. Hindi katahimikan ang
bumalot sa China, nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng Civil War sa pagitan
ng puwersang nasyonalista at komunista. Naghirap ang maraming bansang Asyano
ang kasarinlan pagkatapos ng digmaan. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang
pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at
pananalapi ng maraming bansa. Sa pagkakaroon ng armas pandigma naging handa
ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na makidigma upang makamit ang
kalayaan sa mga dayuhang kanluranin.
Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naging dahilan ng pagsiklab ng
Ikalawang digmaang pandaigdig.
 Taong 1931- Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria na nagbunga ng
pagkukundena ng mga liga ng mga bansa sa Japan sapagkat ang kanilang
paningin ito ay mali. Kasunod pa nito , napagdesisyonan ng japan na tuluyan
ng tumiwalag sa liga ng mga bansa.
 Taong 1933- Naganap ang pagtiwalag ng bansang Germany sa liga. Matapos
nitong tuluyang tumiwalag,nagtatag ng sandatahang lakas si Adolf Hitler.
Ninais ni Hitler na labagin ang kasunduan ng Versailles na nagdulot sa kanilang
bansa na malagay sa sitwasyon na kahiya-hiya.
 Taong 1935- Sinakop ng Italya ang bansang Ethipia sa pamumuno ni Benito
Mussolini. Ito ay nagdulot ng tuluyang paglabag ng Italya sa kasanduan ng mga
bansang kabilang sa liga.
 Taong 1936- Nagsimula ang digmaang sibilsa dalawang panig. Ito ay ang
Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army. Nais ng Austria na
mapasama ang kanilang bansa sa mga nasasakop ng Germany ngunit tutol dito
ang iba pang mgabansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at
Estados Unidos)
 Taong 1939- Nasakop ng Germany sa pamumuno ni Hitler ang
Sudeten,gayundin ang mga natitirang teritoryo nito kabilang na ang
Czechoslavokia. Sa taon din ito naganap ang paglusob ng mga Alemanya sa
bansang Poland.
HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya
Paglaya ng China
Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan
sa China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang pagkakatalo
ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di- makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere
of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. Tatlong uri ng Nasyonalismo ang umusbong
nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga Kanluranin at ang impluwensiya nito
na pinangunahan ng samahang Boxers, ang pangalawa ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng
kanluran na ang layunin ay maging republika ang China yakap ang ideolohiyang demokratiko na
pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek at ang pangatlo ay ang Nasyonalismong may
impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong. Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino
nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t sunod sunod ang
ginawang pakikidigma at pananakop. Una na ritong naganap ang Manchuria Incident sinundan ng Rape
of Nanking na nasundan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang Japan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa ng komunista
ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai Shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa
komunistang pangkat ang Mainland China samantalang ang nasyonalista ay tumakas at pumunta sa isla
ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan noong October 1,1949.

Paglaya at Pagkakahati ng Korea


Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit na itinaguyod ang
kanilang kabihasnan.Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang
mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung
saan natalo ang mga Hapon. Subalit hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang ideolohiyang nag-
uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng Unyong Sobyet at
demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika . Noong 1948, pinasinayaan
ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee ngunit
kaagad namang ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s Republic of Korea na
sinuportahan ng Soviet Union na pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon, nahati ang Korea sa
pamamagitan ng 38th parallel.
Paglaya ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya
Paglaya ng Indonesia
Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamumuno ni
Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Umigting ang
pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pinagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno
ng Hapon nang masakop ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang
Hapon dumating ang mga Olandes upang muling ibalik ang kanilang pamamahala .Subalit ang
Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban.Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa
loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy)
base sa Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo,
pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan.
Tinanggap at ipinagbunyi ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong
1963 subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang aabuso niya sa
kapangyarihan.
Paglaya ng Vietnam
Sa kasaysayan ng Vietnam ay may tatlong naganap na paglaya ang una ay noong 938 mula
sa China, ang pangalawa noong Setyembre 2,1945 mula sa France, at ang pangatlo ay noong
Hulyo 2, 1976.
Ang pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa
kilusang Viet Minh bilang isang Sosyalistang Republika na may oryentasyong komunista. Isang
matagalang digmaan ang ginawa ng mga Vietnamese upang makamtan ang kalayaan.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nahati ang Vietnam sa dalawang bansa, ang
Hilagang Vietnam na nagsulong ng ideolohiyang Komunismo at Sosyalismo sa pamumuno ni Ho
Chi Minh at Timog Vietnam na yumakap sa ideolohiyang Demokratiko sa pamumuno ni Ngo
Dinh Diem .
Nagkaroon ng Vietnam War na sinalihan ng Estados Unidos sa haba ng digmaan naging
magastos at madugo ito para sa bansa. Para sa pandaigdigang opinyon ay iwan na ng mga
Kanluranin ang Vietnam at dito natalo ang Estados Unidos ,iniwan nila ang Timog Vietnam at
napasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo/sosyalismo. Muling napag -
isa ang dalawang Vietnam at naging isang bansa.
Paglaya ng Burma (Myanmar)
Nakamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang
punong Ministro ng Republika ng Burma na kalaunan ay inilipat ang pamumuno kay Heneral
Ne Win na isang diktador militar .Bilang pinuno ng mga hukbong armado pinairal niya ang
ideolohiyang Myanmar way to Socialism na kung saan kinumpiska ng pamahalaan , ang
anumang negosyo at pangkalakalan,bangko at mga pribadong ari-arian kung kaya’t nawalan ng
hanapbuhay ang mga dayuhan. Noong unang hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan ang
kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng Ingles at China.
Bilang pagtugon sa pananakop na ito nagtatag ng iba’t ibang kilusang naglalayon ng
kalayaan. Nang maramdaman ng mga Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga Burmese
nagkaroon ng pagbabago na nagresulta sa paghiwalay ng Burma sa India noong 1935.

Ilan pang pagbabago ang tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi nangyari dahil sa
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang bansang Hapon naman ang sumakop sa
Burma. Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese maagang ipinahayag nito
ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San na Dohama Asiayona(Burma
for Burmese) ay nakipagkasundo sa Hapon tungkol sa pagtustos ng sandata at sa pamumuno sa
militar at nagsanib puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles .Ipinahayag ng
Hapon ang kalayaan ng Burma sakop pa nila ito subalit kalaunan nadama ng mga Burmese na
ang tunay na layunin ng pagtulong ng Hapon ay hindi upang lumaya kundi sakupin sila.
Nakaranas sila ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kung kaya’t
nagtatag sila ng kilusang laban sa Hapon ,ang AFPFL (Anti Fascists People’s Freedom League)
sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat.
Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga
Burmese kaya’t sunod -sunod na usaping pangkalayaan ang naganap .Bunga nito, pinagtibay
ang kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 04, 1948.
Sa kasawiang palad pinatay si Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado ng
kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Ngunit nang maaresto si U Saw ay ipinagpagtuloy ni U
Nu ang naiwan ni Aung San.

Paglaya ng Pilipinas
Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio
Aguinaldo .Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol
sa Digmaang Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol. Inakala ng pamunuan ni
Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa atin
kaya idineklara ang ating kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.Samantala,
iba naman ang ikinikilos ng mga Amerikano, nagpalabas ito ng patakarang Benevolent
Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng
Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa
pananakop ng mga Amerikano kung kaya’t sumiklab ang Digmaang Pilipino- Amerikano. Subalit
may ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam at nakiisa sa mga Amerikano. Dahil sa
kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa
interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. Sa isang banda tinugis
ang mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at ipinatapon ang ibang lider -Pilipino sa ibang
bansa. Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong ang paghingi ng
kalayaan sa mga Amerikano. Dahil ang kalayaan natin ay ating hinihingi matagal bago naibalik
ang kalayaan at sa bawat paghingi natin ay may katumbas na mas malaking kapalit na likas na
yaman at pagkontrol sa kalakalan. Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano
nang tayo’y masangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Hapon dahil
kaalyado natin ang mga Amerikano at ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano ay nasa
ating bansa.Sa kasagsagan ng digmaan ,iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong
lumalaban at nagtatanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Hapon sa loob ng 5 taon. Natalo
ang Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya’t binalikan tayo ng mga Amerikano at
ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946. Ayon kay Renato Constantino hindi ganap na
nakamtan ng Pilipinas ang Kalayaan dahil nanatiling makapangyarihan at impluwensiyal ang
Amerikano sa Pilipinas sa larangang pangkabuhayan at pampolitika.

5
Gawain
Panuto: Batay sa nabasang teksto tungkol sa mga nabuong ieolohiya ng mgabansang
Asyano upang umusbong ang pagiging nasyonalismo, punan mo ang hinihiling sa
talahanayan (chart) gawin ang pagsagot sa kwaderno.
Mga bansang Ideolohiyang
Kabutihan ng Masamang dulot
lumala sa sinusunod o
ideolohiya ng ideolohiya
digmaan ipinapatupad
1. China
2. Korea
3. Indonesia
4. Vietnam
5. Burma
(Myanmar
6. Pilipinas
Pamprosesong tanong:

1. Sa iyong sariling paniniwala at paninindigan, alin sa mga ideolohiya ang higit


mong pinaniniwalaan at mas makakatulong sa mga mamamayan? Patunayan ang
sagot.
Sagot:

6
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
Sagot:
_ _
_ _
_ _ .

1. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan


at Timog Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot.
Sagot:
_ _
_ _
_ _ .

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot bago ang bilang.
_ _1.Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pag- aangat ng mga
malawakang kilusang nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang
kalayaan
D. Miylon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang
nasira.

_ _2. Bakit itinatag ang League of Nations?


A. Ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig
B. Ito ay upang pigilan ang pagpasok ng mga kaaway
C. Ito ay upang mapanatili ang mabuting relasyon sa mga Asyano
D. Ito ay upang protektahan ang daigdig

Para sa aytem blg. 3, suriin ang larawan sa ibaba.

3. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim


ng mga mananakop?
A. Ang pagsasaka ay kinokontrol ng mga mananakop.

7
B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.
C. May kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.
D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.
Para sa aytem na blg.4, suriin ang larawan sa ibaba.

4. Inihahalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng


ekonomiyang Asyano sa gansang lumilipad (flying geese). Ano ang mensaheng
ipinahihiwatig nito?
A. Magkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang Asysano.
B. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
C. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
D. May malaking impluwensiya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga
bansang Asyano.
5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsiklab ng ikalawang digmaang
pandaigdig MALIBAN sa:
A. Kasunduan ng Liga ng mga bansa sa Versailles.
B. Pag-agaw ng Japan sa bansang Manchuria sa Tsina.
C. Pagsakop ng Germany sa Poland at Czechoslovakia.
D. Pagsanib ng mga bansang Austria at Germany.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng mamamayan ng pambansang
kapakanan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang
bansa?
A. Kalayaan C. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo D. Demokrasya
7. Ang sumusunod ay tumutukoy sa katangian ng komunismo MALIBAN sa isa
A. Lipunang walang antas/uri (classless society)
B. Mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng lipunan
C. Pinaiiral ang demokrasya
D. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng lahat ng negosyo ng bansa
8. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa mga katangian ng demokrasya?
A. Nasa kamay ng mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan
B. Pagkakapantay- pantay ng mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing Aspekto ng pamumuhay
C. Pumili ng kinatawang hahawak sa pamahalaan sa pamamagitan ng halalan
D. Hawak ng estado ang mga salik ng produksiyon

8
9. Alin sa sumusunod na mga ideolohiya ang hindi kasali sa
mga ideolohiyang nagdulot
ng transpormasyon sa mga bansang Silangan at Timog-Silangang
Asya?
A. Demokrasya C. Totalitaryanismo
B. Komunismo D.Teocracy
10. Bakit sinasabing hindi ganap ang kalayaan na nakamtan ng
mga Pilipino mula sa mga mananakop na mga Amerikano?
A. Nanatili pa rin ang kapangyarihan ng mga mananakop
B. May impluwensiya pa rin ang mga mananakop sa kabuhayan at
politika ng bansa
C. Nagpalabas ang mga Amerikano ng mga patakarang
mapagsamantala sa kabuhayan at karapatan ng mga Pilipino
lalo na sa aspektong pang ekonomiya
D. Lahat ng nabanggit

You might also like