You are on page 1of 37

Araling Panlipunan

Quarter 2, Wk. 3-4 - Module 8


Supply
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 10
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 12
Aralin 2: ………………………………
Balikan ……………………………… 13
Tuklasin ……………………………… 14
Suriin ……………………………… 15
Pagyamanin ……………………………… 17
Isaisip ……………………………… 18
Isagawa ……………………………… 19
Buod ……………………………… 20
Tayahin ……………………………… 20
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 24
Sanggunian ……………………………… 25
Modyu
l8
Supply
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa konsepto at mga salik na


nakaaapekto sa supply. Matutunan mo sa mga aralin na napapaloob
nito ang kahulugan ng supply at ang ugnayan nito sa presyo sa
pamamagitan ng supply schedule, supply curve at supply function.
Masusuri mo rin ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa supply na
nagreresulta sa paglilipat sa kurba nito. Ang mga inihandang gawain ay
gagabay sa iyo upang mapagpatibay ang tiyak mong natutunan sa
bawat aralin.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at mga salik na


nakaapekto ng supply batay sa pang-araw araw na pamumuhay.

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod na kakayahan:

1. nabibigyang kahulugan ang konsepto ng supply;


2. naipaliliwanag ang ugnayan ng presyo at supply ng produkto o
serbisyo;
3. nasusuri ang iba pang mga salik na nakaaapekto sa supply ng
mga produkto at serbisyo; at
4. napahahalagan ang konsepto ng supply batay sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng bawat pamilya.

1
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga


Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong
kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa
Subukin pamamagitan nito masususuri kung ano na
ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang
aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga


mahahalaga at nararapat mong matutunan
Suriin upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak


sa iyong natutunan at magbibigay
Pagyamanin pagkakataong mahasa ang kasanayang
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa


iyong mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo


upang mailapat ang iyong mahahalagang
Isagawa natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon
sa totoong buhay.

2
Subukin

Basahin mong mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong activity notebook.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo
C. Supply D. Produksyon
2. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.
A. Presyo B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Nagtitinda
3. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o
kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon B. Teknolohiya
C. Bilang ng nagtitinda D. Presyo
4. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang
magiging epekto nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply B. Mananatili ang dami ng
supply
C. Tataas ang magiging supply D. Aangkat ng supply
5. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo
ng kaugnay na produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog B. Brown sugar – white
sugar
C. Face mask at alcohol D. Asukal - kape
6. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang
presyo at supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag
mababa ang presyo, mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag
mababa ang presyo, tataas ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at
kapag mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at
kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.
7. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit
binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag
bumababa ang presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
2
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang
produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito

2
8. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang
ipinapakita ng kurba ng supply o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at
pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at
pakaliwa

https://commons
.wikimedia.org/wiki/
File:Supply_curve.j
pg 9. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano
ang quantity supply kung ang presyo ay
Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200
10. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano
ka maging apektado kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa
bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng
presyo
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng
supply
11. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga
produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano
isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo
nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang
presyo ng mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta
sa mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
12. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply
schedule at supply curve. Paano mo mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang
supply curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami
ng supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami
ng supply.
5
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply
curve ay grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

13. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na


COVID-19. Kung ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing
pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta
kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng
lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.
14. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos
magkaparehong produkto na may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay
isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang
iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo
kasama na ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at
hiwalay ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo
at delivery charge rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at
pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na
may charge na nakadepende sa lugar.
15. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face
mask sa bansa. Paano maapektuhan ang supply ng alcohol at face
mask sa lokal na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa
labas ng bansa sa mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito
at ipagbibili lamang sa mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito
at ipagbibili sa mataas na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito
at ipinagbibili sa mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito
at ipinagbili sa mataas na presyo.

5
5
Aralin Ang Konsepto ng Supply
1
BALIKAN

Batay sa iyong naunawaan tungkol sa aralin sa konsepto ng


demand, sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa iyong
gawaing kwaderno.

1. Ano ang iyong naintindihan ukol sa demand?


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________

2. Batay sa graph kaugnay sa Batas ng Demand, punan ang kataga na


nasa ibaba.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/b3/Demand_curve.png

Kapag tumataas ang presyo, ____________________________________,


Kapag bumababa ang presyo, ___________________________________
(ceteris paribus).

6
6
Tuklasin

MAG-BUBBLE CROSSWORD PUZZLE TAYO!


Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan ng
pagkumpleto sa mga titik na nasa mga bubbles. Isulat ang sagot
sa activity notebook.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Typical_sa https://www.pexels.com/photo/air-air-pollution-chimney-
ri-sari_store.jp 1 clouds-459728
. P
2 B R K
N

3N G 4 Y E
U
P

Tony Tan Caktiong

https://sco.m.wikipedia.org/wiki/File:Milan_Vegetabl https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tony_Tan
e _Cokationg_%26_Aquino_2016_(cropped).jpg
_Market.jp
Mga Tanong:

1. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
________
2. Ano ang kaugnayan ng mga nabuong salita sa mga prodyuser?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

7
___________________________________________________________
____________

7
Suriin

ANG KONSEPTO NG SUPPLY

Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo


na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser o
negosyante sa mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
Ano ang
kahulugan ng
supply?
Ang Batas ng Supply ay nagpapakita na may direkta o
positibong ugnayan ang presyo at dami ng supply.
Isinasaad na:
Kapag mababa ang presyo ng produkto o serbisyo,
mababa din ang supply nito; at kapag mataas ang presyo,
tataas din ang supply ng produkto o serbisyo (ceteris
paribus).
Ang ibig sabihin ng ceteris paribus ay ipinapalagay na ang
presyo lamang nakakaapekto sa pagbabago ng dami ng
supply o quantity supplied.
Ang presyo ang nagtatakda sa pagdami o pagbaba ng
lilikhaing produkto o serbisyo ng prodyuser. Mas nanaisin
nilang magbenta ng maraming produkto o serbisyo kapag
mataas ang presyo upang lumaki ang kanilang kita.

TATLONG PARAAN UPANG MAIPAKITA ANG


UGNAYAN NG PRESYO AT SUPPLY

Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang talaan ng dami ng kaya at gustong ipagbili
ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
Makikita sa talahanayan ang dami
ng supply o quantity supplied para
Supply Schedule ng Bananacue sa bananacue sa iba’t ibang
Presyo presyo bawat piraso. Sa halagang
Punto (bawat Quantity 5 (Php) pesos, may 20 pirasong
piraso) Supplied bananacue lamang ang supply
Php nito. Sa presyong 10(Php) pesos,
D 15 60 tumaas sa 40 piraso naman ang
C 10 40 kayang ipagbili ng mga prodyuser.
B 5 20 At sa halagang 15 (Php) pesos,
A 0 0 handang ipagbili naman ng mga
prodyuser ang 60 pirasong
bananacue.
8
Supply Curve
Ang supply curve ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo sa quantity supplied. Ipinakita sa graph na nasa itaas ang
direktang ugnayan ng presyo at sa
Supply Curve ng dami ng gusto at handang ipagbili ng
mga prodyuser sa mamimili.
Bananacue Nakakabuo ito ng isang kurbang
Presyo (bawat piraso) pataas o upward sloping curve.

20 D Makikita mula sa punto B hanggang


punto D na habang tumataas ang
C
Movement Along the
presyo ng bananacue, tuwiran
namang tumataas din ang dami ng
10 B
Same Curve supply ng bananacue. Kung ito’y
titignan mula punto D patungong
A punto B, makikitang sa tuwing
bumaba ang presyo, bumababa din
0 ang bilang ng dami ng bananacue na
0 2 4 6 handang ipagbili. Tinatawag itong
paggalaw ng supply sa iisang kurba o
movement along the same curve
Quantity Supplied kapag ang nagbabago lamang ay ang
presyo.

Supply Function
Ang supply function ay isa ring paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng
presyo at quantity supplied. Ito ay sa pamamagitan ng mathematical
equation
Qs = f (P) 2. Qs = c + bP
Kung saan: Kung saan:
Qs (quantity supplied) Qs = dami ng supply
= ay tumatayong dependent P = presyo
variable c = intercept (bilang ng Qs kung ang
P (presyo) presyo ay 0)
= independent variable b = slope = ∆Qs
∆P
Ngayon, suriin at pag-aralan natin ang kompyutasyon sa ibaba upang
mapatunayan na ang relasyon ng datos ng supply schedule at ang supply
function ay iisa.
Gamit ang supply function mula sa supply schedule para sa bananacue,
kompyutin ang Qs kung: Qs = 0 + 4P

Kapag ang P = 5, Qs = ? Kapag ang P = 15, Qs = ?


Kapag ang P = 5 , Qs = ? Kapag ang P = 15 , Qs = ?

Qs = 0 + 4P Qs = 0 + 4P
Qs = 0 + 4 (5) Qs = 0 + 4 (15)
Qs = 0 + 20 Qs = 0 + 60
Qs = 20 piraso Qs = 60 piraso

Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may
ibinibigay na presyo. I-substitute lamang ang presyo sa variable na P at i-multply ito sa
slope na 4 at idagdag ang intercept na 0.

9
Pagyamanin

A. HALINA’T MAG-GRAPH TAYO!


Mag-isip at pumili ng isang produkto na kailangan mo araw-araw.
Ilapat ang pangalan ng produkto sa patlang na bahagi ng supply schedule
at i-plot ang supply curve nito sa nakalaang graph batay sa iyong
natutunan. Isulat ang iyong nagawang supply curve sa iyong activity
notebook.
Supply Schedule ng ____________ Supply Curve ng
____________

0
Punto Presyo Quantity
(bawat Supplied
piraso)Php

A 5 50
B 10 100
C 15 150
D 20 200

Mga Tanong:
1. Ano ang quantity supplied sa presyong 20 (Php) pesos?
______________
2. Nang bumaba ang presyo sa 5 (Php) pesos mula 10 (Php) pesos, ano
ang nangyari sa quantity supplied?
__________________________________________________
3. Ilarawan ang Batas ng Supply batay sa supply curve na nagawa mo.
10
B. MAG-COMPUTE TAYO!
Gamit ang supply function, kompyutin ang hinihinging datos para
makumpleto ang schedule na nasa ibaba. Ipakita ang iyong kompyutasyon
sa activity notebook.

1. Supply Function na Qs= 0 + 4P

Presyo (Php) Qs
10
60
20
25

10
Isaisip

I WILL SUP-FIVE! (Supply Five)

Kung ikaw ay isang negosyante sa kasalukuyang pandemya,


magbigay ng limang produkto na kaya at handa mong ipagbili o i-supply.
Isulat sa sticky note ang mga napili mong mga produkto na patok at
nakatutulong sa kapwa. Sagutin ang mga katanungan sa iyong activity
notebook.

5 Produktong Napili Ko:

______________ Bakit mo ito napili?


______________ _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________

2. Ano ang magiging batayan


mo sa pagpili maliban sa
kumita?
____________________________
____________________________
____________________________
__________________________
__________________________
__________________________
____________

11
Isagawa

MAG-PICTO-DIARY KA!
Gumupit ng larawan ng isang tindahan, o palengke na
nagpapakita ng supply ng kanilang mga produkto. Maaari ring iguhit mo
ang larawan ng tindahan sa inyong paligid kung walang magugupit na
larawan. Idikit ito sa isang construction paper o colored paper bago
ilagay sa iyong activity notebook. Pagkatapos ay sumulat ng talata na
maiugnay mo sa iyong larawan. Gamitin ang rubriks sa paggawa ng
picto-diary.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn
____________________________
RUBRIKS para sa PICTO - DIARY
______________
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Larawang Malinaw, tama at tugma ang 15
larawang ginamit batay sa
ipinaskil
panuto
Nilalaman ng Maliwanag ang mensahe ng 25
diary batay sa paksa at
Diary
nauugnay ito sa larawang
ginamit
Kalinisan sa Malinis ang gawain at maayos 10
ang pagkakasulat ng diary
gawain
Kabuuang Puntos 50

12
12
Aralin Mga Salik na Nakaaapekto
ng Supply
2
BALIKAN

4PICS: ONE WORD

Suriing mabuti ang apat na larawan at punan ng mga letra ang mga
patlang sa ibaba upang mabuo ang salitang tinutukoy sa inilalahad sa mga
larawan. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

Ᵽ150.00

___S__
Mga Tanong:

1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?


___________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng salitang nabuo sa supply?


___________________________________________________________

13
Tuklasin

E-MOJI ‘IKA MO!

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang emoji na sa


ikalawang
by kolum kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi, iguhit ang emoji na
Unk sa ikatlong kolum.
now
n
Aut Emoji
hor Sang-ayun Di-sang-
is ayon
lice Sitwasyon
nse
d by
1.undAng cellphone ay nakapabilis sa Unk
er now
komunikasyon ng tao.
n
2. Ang inaasahang pagtaas ng presyo ay Auth
nakaka-inganyo sa mga magsasaka na or is
licen
magtanim. sed
3. Kakaunti lang ang nagawang dokumento ni unde
Kyle sa opisina nang gumamit siya ng r

kompyuter.
4. Tumaas ang halaga ng mga sangkap sa
pagluluto ng tinapay dahilan sa pagbaba ng
supply nito.
5. Ang pagtaas ng buwis sa produktong alak at
sigarilyo ay nagpataas sa supply nito.

Tanong:

1. Magbigay ng mga dahilan kung bakit mo sinasang-ayunan at di


sinasang-ayunan ang mga pahayag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
____________

14
Suriin

Sa bahaging ito, malaman mo ang nga salik na nakaaapekto sa


pagtaas at pagbaba ng supply. Basahin ng mabuti ang teksto upang
maunawaan ang aralin.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY


Ang presyo ay ang halaga ng salapi bilang kabayaran sa produkto
o serbisyo. Ito ang pangunahing salik na nakaaapekto sa supply. Maliban
sa presyo ay may iba pang salik. Ito ang mga sumusunod.
`

Pagbabago sa Ang teknolohiya ay anumang bagay o kasangkapan na


Teknolohiya nakatutulong sa mga negosyante sa paggawa o pagbuo ng
produkto. Napapabilis nito ang paggawa ng produkto o
paghatid ng serbisyo. Halimbawa ng pagbabago sa
teknolohiya: typewriter–word processor, Faxes-Email,
telephone-cellphone; manual cars – smart cars at marami
pang iba.

Pagbabago sa Halaga Ang paggawa (labor), materyales (materials) at makinarya


ng mga Salik sa (machinery/equipment) ay mga salik ng produksiyon (cost
Produksiyon on inputs). Ang pagbaba o pagtaas ng halaga sa alin mang
salik ng produksiyon ay nakaaapekto sa supply. Kung
mababa ang halaga ng produksiyon tataas ang supply. Kung
mataas ang halaga ng produksiyon mababa ang supply.

Pagbabago sa Bilang Ang mga prodyuser ay nanaisin na gumawa ng maraming


ng mga Nagtitinda produkto kapag dumami ang bilang ng nagtitinda na
nagresulta sa pagtaas ng supply. Halimbawa, ngayong
nauuso ang pagkain ng ube-cheese-pandesal mas
maraming panaderia ang gumagawa nito dahil marami ang
naingganyo na magtinda.

Pagbabago sa Ang magkaugnay na produkto ay mga produktong sabay na


Presyo sa Kaugnay ginagamit tulad ng kape – asukal, gatas-kape, peanut
na Produkto butter – tinapay at marami pang iba. Naaapektuhan ang
dami ng supply kapag nagbabago ang presyo ng kaugnay
na produkto. Halimbawa kung tumaas ang presyo ng peanut
butter, dadamihan ng mga prodyuser ang paggawa nito.
Kaya nagkakaroon ng pagtaas sa supply ng peanut butter at
nagdudulot ng pagbaba sa supply ng tinapay.

Ekspektasyon ng Ang inaasahan pagtaas ng presyo sa hinaharap ay


Presyo makaaapekto ang supply sa kasalukuyan. Halimbawa, kung
may inaasahang pagtaas ng presyo sa gasolina sa susunod
na araw ay babawasan nila ang supply ng gasolina sa
kasalukuyan at hintayin na tumaas ang presyo para
maibenta ito sa mataas na presyo. Ang pagtatago ng
produkto ay tinatawag na hoarding.
Ang Paglipat ng Supply Curve

15
Paglipat ng Supply Curve

Ang paglipat ng supply curve o shifting of the supply curve ay


ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan o kaliwa. Kapag tumaas
ang presyo ng supply ay magreresulta ito ng paglipat ng supply curve
sa kanan. Kung bumaba ang presyo, lilipat ang supply curve sa kaliwa.

May pangyayari na makikita ang paglipat ng supply curve sa


kanan kung ang mga pagbabago sa iba pang salik ay nagresulta ng
pagtaas ng supply. Makikita din ang paglipat ng supply curve sa kaliwa
kung ang mga pagbabago sa iba pang salik ay nagresulta ng pagbaba
ng supply.

Pansinin ang supply schedule ng bigas at ang graph na


nagpapakita ng paglipat sa supply curve na dulot ng mga salik na
nakaaapekto nito.

Supply Schedule ng Bigas Supply Curve ng Bigas

PRESYO QUANTITY
(Bigas/Kilo) SUPPLIED
(Sako ng
Bigas)

Q1 Q2 Q3

45 400 300 500

40 300 200 400

35 200 100 300

30 0 0 0

16
16
Pagyamanin

SA-KAT-HA (Salik-Katangian-Halimbawa)

Punan mo ang unang kolum ng mga kahon sa ibaba ng mga salik


na nakaaapekto sa supply. Punan din ang ikalawa at ikatlong kolum ng
mga kahon ng katangian at halimbawa ng bawat salik. Isulat sa activity
notebook ang iyong sagot.

Iba pang Salik na


Nakaaapekto sa Katangian Halimbawa
Supply

Tanong:

1. Paano nakaapekto ang hoarding sa pagbabago ng dami ng


supply?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________

17
17
Isaisip

I-TABLE MO!
Punan ang talahanayan ng mga epekto sa supply na dulot ng iba’t-
ibang salik at ipaliwanag ang dahilan ng pagbabago sa bilang ng supply.

Iba’’t Ibang Salik na Epekto sa Supply Dahilan ng Pagbabago


Nakaaapekto sa Supply sa Supply

Halimbawa: Tumaas ang -Tumaas ang -nais ng mga


presyo supply negosyante na kumita

Makabago o moderno ang


teknolohiya na ginamit sa
paggawa ng produkto

Mataas ang halaga sa


paggawa ng produksiyon
pati na ang materyales na
ginamit
Mababa ang bilang ng
nagtitinda

Tumaas ang presyo ng


magkaugnay na produkto
Halimbawa: tumaas ang
asukal kaysa kape

Inaasahan ang pagbaba


ng presyo kinabukasan

Tanong:

Bakit mahalagang malaman mo ang mga epekto ng iba’t – ibang salik sa


supply ng produkto at serbisyo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
________________

19
Isagawa

IDEA KO, IGUHIT KO!

Pumili ng isang (1) sitwasyon sa ibaba at gumuhit ng larawan na


nagpapakita sa sitwasyong iyong pinili. Iguhit ito sa bondpaper bago
idikit sa activity notebook. Gawing gabay ang rubriks para sa
pagmamarka.
Mga sitwasyon:

 Paggamit ng mga makinarya sa produksyon


 Mga kailangan sa paggawa ng produkto
 Mga produktong nauuso sa panahon ng pandemya
 Murang presyo sa mga pamilihan
 Sunud-sunod na pananalasa ng mga bagyo
 Pagpasok ng mga produktong Tsino sa merkado

Sitwasyon: ____________________________________

Rubriks para sa Idea Ko, Iguhit Ko!

Pamantayan Deskripsyon Puntos/ Nakuhang


sitwasyon Puntos
Pagkamalikhan Malikhaing
naiguhit ang 10
sitwasyon na
napili
Nilalaman ng Tama ang
storyboard ipinakitang 10
larawan batay
sa sitwasyon
Kabuuang Puntos 20

19
19
Buod

Natalakay sa modyul na ito ang mga konsepto ng supply. Batay sa


inihandang gawain at pagsusuri, nabigyang linaw ang mga sumusunod:

 Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at


kayang ipagbili ng mga prodyuser o negosyante sa mga mamimili sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

 Ayon sa Batas ng Supply, ang dami ng supply ay may tuwirang


ugnayan (directly proportional) sa presyo nito. Ibig sabihin, kapag
ang presyo ng produkto o serbisyo ay mataas, mataas din ang supply
nito. Ngunit kapag ang presyo naman ay mababa, bababa din ang
supply ng produkto o serbisyo (ceteris paribus).

 Ang ugnayan ng presyo at dami ng supply ay maaring maipakita sa


pamamagitan ng tatlong paraan: supply schedule, supply curve at
supply function.

 Ang iba’t ibang salik na nakaapekto sa supply bukod sa presyo ay


ang teknolohiya, halaga ng mga salik ng produksyon, bilang ng
nagtitinda, presyo ng kaugnay na produkto at ekspektasyon ng
presyo.

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa inyong activity notebook.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo
C. Supply D. Produksyon

2. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.


A. Presyo B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Nagtitinda

3. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o


kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon B. Teknolohiya
C. Bilang ng nagtitinda D. Presyo

20
4. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang
magiging epekto nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply B. Mananatili ang dami ng
supply
C. Tataas ang magiging supply D. Aangkat ng supply

5. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo


ng kaugnay na produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog B. Brown sugar – white
sugar
C. Face mask at alcohol D. Asukal – kape

6. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang


presyo at supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag
mababa ang presyo, mababa din ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa
ang presyo, tataas ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag
mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.
D. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at
kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.

7. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit


binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa
ang presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito
8. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita
ng kurba ng supply o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at
pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at
pakaliwa

https://commons
.wikimedia.org/wiki/
File:Supply_curve.j
pg
21
9. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang
presyo ay Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200

21
10. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka
maging apektado kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito.
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko.
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng
presyo.
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng
supply.
11. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga
produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano
isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo
nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang
presyo ng mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta
sa mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
12. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply
schedule at supply curve. Paano mo mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang
supply curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng
supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami ng
supply.
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve
ay grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

13. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na


COVID-19. Kung ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing
pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta
kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng
lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.

24
14. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos
magkaparehong produkto na may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay
isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang
iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo
kasama na ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at
hiwalay ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo
at delivery charge rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at
pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na
may charge na nakadepende sa lugar.

15. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask
sa bansa. Paano maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa
lokal na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng
bansa sa mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito
at ipagbibili lamang sa mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at
ipagbibili sa mataas na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito
at ipinagbibili sa mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at
ipinagbili sa mataas na presyo.

24
Susi sa Pagwawasto

1. C
2. A
3. B
4. C
5. D
6. A
7. C
8. A
9. B
10. C
11. A
12. A
13. C
14. D
15. A

24

You might also like