You are on page 1of 4

Gawin (P4)

A.

Sunud-sunod na darating ang mga bakuna ayon kay vaccine czar Carlito Galvez. Kararating lang ng Pfizer
noong nakaraang Miyerkules at mayroon pang parating bago matapos ang Mayo. Inaasahan ding
darating ngayong buwan ang bakuna mula sa Russia. Sa susunod na buwan paparating na ang Moderna
at mayroon nang negosasyon sa Sinovac at AstraZeneca na malapit na ring dumating. Malapit na rin
umanong matapos ang kasunduan sa Johnson & Johnson para sa kanilang Janssen vaccine. Ayon kay
Galvez kapag naabot ang target sa mass vaccination na maaaring magsimula sa Setyembre, magiging
maganda na ang Pasko para sa mga Pinoy. Sabi ni Galvez, naibakuna na ang 2.6 million doses ng vaccines
laban sa COVID-19.

Kung maraming darating na bakuna, wala na palang problema. Ang magiging problema na lang ay kung
paano mahihikayat ang mamamayan na magpabakuna. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang
nagdadalawang-isip magpabakuna dahil sa mga nababalitang pagkamatay ng ilang nabakunahan. Sinabi
naman ng Department of Health (DOH) na walang kaugnayan ang bakuna sa mga napabalitang namatay
makaraang bakunahan.

Kung marami pa rin ang urong-sulong sa pagpapabakuna, malaking problema ito. Maaaring ma-expired
ang mga bakuna na hindi magagamit. Sabi ni Philippine Red Cross chairman at Chief Executive Officer
Senator Richard Gordon, nasa 1.5 million doses ng AstraZeneca ang mae-expired sa susunod na buwan.
Masasayang umano ang mga ito habang marami naman ang gustong magpabakuna. Suhestiyon ni
Gordon sa DOH na paigtingin at bilisan ang pagbabakuna. Isama na raw sa babakunahan ang mga kaanak
ng health frontliners para maubos ang mga bakuna. Hindi raw ito dapat masayang.

May punto si Gordon. Bakunahan ang lahat ng mga gustong magpabakuna. Tanggapin ang mga walk-in.
Marami kasing proseso at kailangang mag-online registration muna bago mabakunahan. Alisin na ang
mga masalimuot na pagrerehistro at iba pang kuskos balungos para mabakunahan.

Gawin (P5)

B.

Ngayong buwan na ito, sunud-sunod ang mga naganap na aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng
mga sasakyang nawalan ng preno. Pawang malalagim ang aksidente sapagkat marami ang namatay.
Nagmistulang “bumibiyaheng kabaong” ang mga sasakyang sangkot sa aksidente. Karaniwang dahilan ay
nawalan ng preno kaya nangyari ang pagbangga o pag-araro sa mga bahay o pagkahulog sa bangin. Bakit
hindi pa igarahe ang mga “kabaong” para wala nang nasasayang na buhay?
Noong nakaraang linggo, siyam ang namatay at lima ang nasugatan nang mawalan umano ng preno ang
isang dump truck sa pababang bahagi sa Bgy. Looc, Cardona, Rizal. Binangga ng dump truck ang isang
pampasaherong jeepney na ikinawasak ng unahang bahagi nito. Nagtuluy-tuloy pa ang dump truck sa
pagtakbo at binangga uli ang isang Isuzu trailer truck. Namatay on the spot ang siyam na sakay ng
jeepney na pawang mga estudyante. Kinasuhan na ang driver ng dump truck at nakakulong na.

Halos kasabay ng aksidente sa Cardona, isang delivery truck na puno ng buhangin ang bumangga sa 12
sasakyan sa Mendez, Cavite na ikinamatay ng 2 tao at ikinasugat ng 20 iba pa. Nawalan din ng preno ang
truck kaya nangyari ang malagim na aksidente.

Pawang nawalan ng preno ang dahilan kaya nagkaroon nang malagim na aksidente. Nagpapakita lamang
ito na kahit karag-karag ng mga sasakyan ay ibinibiyahe pa rin. Kahit wala nang preno, takbo pa rin nang
takbo. Wala nang pakialam kung bumangga o mahulog man ito sa bangin at ikamatay ng mga tao.

Maghigpit ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB) sa mga “karag-karag” na sasakyan. Huwag nang bigyan ng prankisa ang mga bulok na
sasakyan. Maraming mamamatay kung hahayaan pa ang pagbiyahe ng mga “kabaong” sa kalsada. Alisin
na ang mga bulok na sasakyan para wala nang madamay at masayang na buhay. Nararapat nang
magpatupad nang mahigpit na kautusan ang pamahalaan na ang mga karag-karag na sasakyan ay walisin
na sa kalsada.

Magsanay (P7)

1.) Batasan, Tagapagpaganap, Hukuman


2.) Tree Chart / Organizational Chart
3.) Tree Chart / Organizational Chart, Flow Chart, Label Chart

Magsanay (P8)

A.

1.) Pritong manok

2.) Mangga

3.) Pritong manok

4.) Iba’t-ibang mga sustansiya na makukuha mula sa mga pagkain

5.) Oo, maintindihan ng mga mambabasa ang tsart na ito


Magsanay (P9)

1.) Pagbaba ng halaga ng dolyar at pagtaas ng presyo ng langis

2.) Kahirapan

3.) Pagtaas ng antas ng krimen

4.) Representasyon ng isang proseso

5.) Oo

Magsanay (P9)

C.

1.) Isang label tsart na nagpapakita ng mga parte ng tainga/tenga.

2.) Oo

3.) Mga parte ng tainga/tenga.

Pagsanayan Mo (P10)

You might also like