You are on page 1of 3

Name: DE VERA, KYLE C.

Date: July 21, 2021


Course Yr.&Sec.: BSA-3A Score:
MODULE 7
III. PANIMULANG GAWAIN
A. Balik-aral
1. Magbigay ng 5 katangian ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
a) Matiyaga – ang mga mananaliksik ay dapat matiyaga maghanap ng mga datos sa iba’t
ibang klase ng akda. Maaaring ito ay nalilimbag o mga sagot ng mga kinakapanayam.
b) Mapamaraan – ang mga mananaliksik dapat ay may kakayahang gumawa ng paraan kung
sakaling hindi makakalap ng isang partikular na datos sa mga nakalimbag na aralin. Maaari
silang mag sarbey o interbyu.
c) Sistematiko – ang mga mananaliksik dapat ay may sinusundang skedyul sa mga ginagawa
at mga hakbang na dapat sinusunod habang ginagawa ang pananaliksik.
d) Maingat – ang mga mananaliksik ay dapat nagbibigay lamang ng akademikong papel na
nakabatay sa pawang katotohanan lamang.
e) Matapat – ang mga mananaliksik dapat ay gumagamit lamang ng datos na talagang
kanilang nakalap at hindi binago nang aangkop sa nais nilang resulta.
2. Magbigay ng 3 tungkulin ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
a) Iwasan ang short-cut – dapat ang mananaliksik ay lubusang sinusunod ang sistemakong
proseso ng pananaliksik at hindi lumalaktaw sa mga hakbang dahil lahat ng hakbang na
ito ay mahalaga upang makabuo ng isang tapat at magaling na pananaliksik.
b) Huwag manipulahin ang datos – dapat ang mga mananaliksik ay tapat sa paggamit ng
datos. Marapat lamang na gamitin nila ang mga datos na talagang kanilang nakuha at
huwag baguhin nang aangkop sa kanilang nais.
c) Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya – dapat ang mananaliksik ay hindi
nasasaktan sa mga puna ng babasa bagkus ay magpasalamat at gamitin ang mga puna na
ito upang paunlarin lalo ang ginawang pananaliksik.
3. Magbigay ng 2 etika ng isang mananaliksik at ipaliwanag.
a) Ang mga datos ay confidential – isang etika ay dapat hindi nilalabas ng mga mananaliksik
ang mga tao na kasangkot sa pananaliksik na ginawa dahil ito ay maaaring maging umpisa
ng pag-aaway sa pagitan ng mga taong magkaiba ang pananaw sa paksa ng pananaliksik.
b) Pagiging obhetibo – dapat ang pananaliksik ay nakabatay sa paksa ng pananaliksik hindi
sa gusto o damdamin ng pananaliksik dahil maaaring ito’y makaapekto sa resulta ng
pananaliksik.
B. Panimulang Ebalwasyon

1. Tama

2. Mali

3. Tama

4. Tama

5. Tama

V. PAGSASANAY
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Isa-isahin ang mga bahagi ng pananaliksik, at ipaliwanag sa maikling paraan sa sariling
pangungusap kung ano ang mga nararapat na nakalagay sa bawat bahagi nito.
Kabanata I: Suliranin at Kaligiran
Ang mga nilalaman ng kabanata I ay ang Rasyunal na syang sumasagot sa ano at bakit na
naglalaman kung ano ba ang paksa ng pananaliksik. Nilalaman din nito ang Paglalahad ng
Suliranin na siyang naglalaman ng mga tanong na nais masagot ng pananaliksik kalakip din dito
ang Kahalagahan ng Talakay na siyang naglalaman ng mga salita na ginamit sa pananaliksik na
may kaibang kahulugan o bago sa pandinig ng babasa. Kasama din dito ang Batayang Konseptwal
na naglalaman ng teorya na sinusundan ng pananaliksik at Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral na
syang nagsasabi sa sinasaklaw na tao at bagay ng pananaliksik.
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura
Ang nilalaman ng Kabanata II ay ang mga Kaugnay na Literatura na syang naglalaman ng mga
akda na may kinalaman sa pananaliksik at kalakip din ditto ang Kaugnay na Pag-aaral na sya
namang naglalaman ng mga pag-aaral na may kinalaman sa pananaliksik na ginagawa at
maaaring gamiting batayan.
Kabanata III: Metodolohiya ng Pananaliksik
Nakapaloob sa Kabanata III ay ang Disensyo ng Pananaliksik na tungkol sa kung anong disensyo
ang ginamit at kung paano ginawa ang pananaliksik. Kasama rin dito ang Respondente na syang
lalahok sa pananaliksik, Instrumento ng Pananaliksik na syang tumutukoy sa kung paano at ano
ang ginamit sa pagkalap ng datos at ang Tritment ng Datos na syang pinagsama-sama sa iisang
tally.
Kabanata IV: Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos
Nilalaman ng Kabanata IV ang Pagsusuri na kung saan ay itinally ang sagot ng mga kalahok,
Interpretasyon na kung saan ay binigyang kahulugan ng mananaliksik ang mga sagot kung bakit
ganto ang lumabas at Paliwanag na kung saan ay ipinaliwanag kung bakit ang mga sagot ng
kalahok ay ganto ang mga bilang at ano ang epekto nito sa pananaliksik.
Kabanata V: Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik at Rekomendasyon
Dito ay nilalaman ang Konklusyon ng pananaliksik at sinasagot ang mga katanungan sa unang
Kabanata. Nilalaman din nito ang Rekomendasyon na kung saan ay inirerekumenda ito sa iba
pang mananaliksik na lalong pag-ibayuhin ang pag-aaral na nagawa at dagdagan pa ang mga
datos at mas pag-igtingin ang pag-aaral.

You might also like