You are on page 1of 1

Rhanjit H.

Arcita October 7, 2020


10 – Samanea Mrs.Deriz
I. Isa-isahin ang mga nakatagpo ng Munting Prinsipe sa kanyang Paglalakbay.
Ilarawan ang bawat isa.

1.) Una ay nakatagpo niya sa isang maliit na planeta ang isang hari. Napansin niya na ito ay
masyadong niyakap ang kanyang katauhan bilang hari kahit na wala naman itong mga
tagasunod at hindi makatotohanan ang mga utos nito, dahil hindi kayang gawin iyon ng kahit
sino.

2.) Sunod naman ay nakatagpo niya ang isang nilalang na labis ang pagkamangha sa sarili nito.
Napansin ng munting prinsipe na ito ay masyadong lulong at lunod sa sarili niyang kagandahan
at itsura, kaya di nagtagal ay napagod na ang prinsipe at nagpatuloy na naman sa kanyang
paglalakbay.

3.) Pagkatapos ay napadpad naman siya sa isang planeta na may isang tao na lasing na lasing at
nakasubsob ang mukha sa lamesa. Hindi nagtagal ay nainis na ang prinsipe at nagpatuloy na
naman sa kanyang paglalakbay, dahil noong tinanong niya ang lasing, ang sabi lang nito ay
pagod na pagod na siya katotohanan na palagi lang siyang naglalasing.

4.) May nakadaupang-palad din siya na isang tao na masyadong abala sa kanyang trabaho. Ito
ay nagbibilang lang ng bituin na tanang buhay niya, at halos wala nang oras sa kanyang paligid.
Di nagtagal ay nagsawa na ang prinsipe at nagpatuloy na naman sa kanyang paglalakbay.

II. Magbigay ng Halimbawa ng pangyayari sa buhay mo na magpapaliwanag


sa mga Kaisipan mula sa Nobela.
1)Maglakbay ka hanggat kaya mo pa dahil hindi mo malalaman kung kailan ang araw
na mawawala ka.

2)Pakisamahan ang isang tao kung gusto mo itong maging malapit na


kaibigan.

You might also like