Bryson

You might also like

You are on page 1of 1

Pandemiyang Karanasan

Ang pandaidigang Pandemiya na kinajkaharap natin sa kasalukuyan ay nagdulot ng ibat-ibang


damdamin sa atin. Kadalasan sa atin nalunod sa pag-alala, pagkabagabag, pagkalungkot, at maraming
pang ibang damdaming idinulot ng pandemiya. Nais kung ibahagi ang aking mga di malilimutang
karanasan sa panahon Pandemiya. Marami sa atin na nagsasabi na ito’y isang masamang karanasan
ngunit para sa akin itong karansan ito ay nagbigay ng panahon upang mas magkaroon kami ng
mahabang panahon bilang isang pamilya.

Dahil sa mga ipinapatupad na mga health protocols tayo ay inaasahang manatili lamang sa loob
ng ating mga kabahayan. Dahil sa mga pagkakataong ito marami akong mga bagay na natutunan dahil
habang walang pasok sa trabaho ang aking mga magulang mas nagkaroon sila ng mahabang panahon sa
amin. Isa sa mga pinagkaabalahan naming ay ang paghahalaaman, pag-aalaga ng mga hayop at pag-
eenjoy sa piling ng isa- isa kahit hindi man kami makapunta sa ibang lugar. Nagkaroon kami ng mas
mahabang panahon na mag-usap, maglaro at ibat-ibang gawaing bahay. Tinuruan din ako ng aking ama
na gumawa ng saranggola at tuwang-tuwa ako habang ito ay aming ipinapalipad sa likod bahay ito din
daw ang kanilang laro noong kanyang kabataan.

Sadyang ang sitwasyon ng Pandemiya ay walang may gusto, walang gusto manatili sa loob ng
mahabang panahon sa loob ng mga kabahayan na tila nakakulong. Ngunit masasabi ko rin sa aking sarili
na dahil sa panahong ito ay naging masaya at makulay ang mga karanasan na aking natutunan kasama
aking mga magulang. Ibinahagi at itinuro nila sa amin kung paano ang mamuhay ng simple ngunit
masaya kahit hindi makapagbakasyon sa magagandang lugar bsata magkasama ang boung pamilya ay
higit pa sa anumang magarang bakasyon. At ito ang aking nais ibahgi na magandang karanasan sa
panahon ng pandemiya ang pagiging simple ngunit masaya.

You might also like