You are on page 1of 1

Noong January 6, 2021, inilabas ng CNN Philippines ang artikulong “Timeline: The Christine Dacera case”

na naglalahad ng mga pangyayari na humantong sa kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera.


Ayon sa CNN Philippines, noong Disyembre 31, 2020 ay nagpunta sa isang hotel sa Makati upang doon
magdiwang ng bagong taon ngunit kinabukasan nang madaling araw ay nawalan ng buhay si Christine.
Matapos ang otopsiyang isinagawa noong ika-2 hanggang ika- 3 ng Enero, ipinahayag ng pulisya na isang
“rape-slay_ case ang naganap at itinurong kasangkot ang mga kasama ni Christine na mariing itinanggi
ng mga suspek dahil mahal daw nila si Christine. Binatikos naman ang kapulisan dahil sa sinasabing mga
pagkakamali sa proseso ng otopsiya ni Christine dahil naembalsamo ang katawan bago isagawa ang
nasabing pagsusuri. Noong ika- 10 ng Enero ay inilibing na si Christine at kinabukasan ay sinabi ng
kapulisan na nahanap na ang iba pang suspek at nag-iimbestiga pa sila sa nangyari.

Pinagmulan: https://cnnphilippines.com/news/2021/1/6/Timeline-Christine-Dacera-case.html?
fbclid=IwAR3QnlSwcuQktQTPT3EVaG9msdMK3LHgvtGpG5oKhSAx2vJkyEVs-bZO6Fg

Nang malaman ko ang balita ay nalungkot ako dahil sa pagpanaw ng isang babae na sa aking pananaw ay
masayahin at mabait. Noong simula ay natakot rin ako dahil maaaring may masamang nangyari sa kanya
na nagdulot ng kanyang kamatayan.

Kung ako ang mabibigyan ng pagkakataong baguhin ang balitang ito, ilalagay ko ang mga totoong sinabi
ng mga nabanggit upang maging mas makatotohanan ang balita. Hindi ko rin gustong isama sa balita ang
mga personal na bagay tulad ng libing ni Christine Dacera bilang respeto sa kanyang pamilya. Para sa
akin, ang kaganapang ito ay walang koneksyon sa kaso kung kayat hindi na ito kailangang ibalita.

Sa aking palagay, ang aral na mapupulot sa balitang ito ay

You might also like