You are on page 1of 1

Bibigyan kayo ng pagkakataon na sumulat sa Panginoon,ito ang laman

pagpupuri,pagpapasalamat at paghiling
Impormal na liham 

Brgy. Bulalo, Sultan Kudarat


Maguindanao
Mayo 14, 2021

Mahal kong Panginoon,

Ikaw ang Ama na napakabuti at makapangyahiran sa lahat. Iginagalang at


sinasamba kita. Ikaw lang po ang karapat-dapat sa papuri dahil ginawa mo ang lahat
ng bagay, pati ako. Tunay na ikaw ay mapagmahal at mahabagin na Panginoon.
Maghari ka sa aking buhay at sakupin mo ako para sa ikakapayapa at ikaluluwalhati
ng ngalan mo.
Walang hanggang pasasalamat ay muli kong ipinaaabot sayo sapagkat
ipinagkaloob mo lahat ng aking pangangailangan. Sobra-sobra ang biyaya at
kagandahang loob na ibinigay po saakin na tila ito ay nag-uumapaw. Salamat sa
proteksyon na ipinapadama mo saakin sa tuwing takot na takot ako at may hinaharap
na problema. Binigyan mo ako ng malakas na pangangatawan, malinaw na kaisipan at
higit sa lahat inilayo mo ako sa anumang sakuna, karamdaman at kaguluhan sa isang
buong linggo.
Muli Panginoon, sa pagpasok ng bagong linggo na aking haharapin, ikaw po
ang aking maging ilaw, tanglaw, gabay, at liwanag upang maging mapayapa at ligtas
anuman po ang aking pagdadaanan. Ito po ang samo at hiling ko sa iyong katamis-
tamisang pangalan mahal kong Panginoon.

Nagmamahal,
Marielle

You might also like