You are on page 1of 2

Ang Ambag ng mga Makabagong Terminolohiya ng mga

Millenials sa Social Media tungo sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino

PANIMULA

Sa patuloy na pagunlad ng bansa ay patuloy rin ang pagbabago ng henerasyon, madami


na ang nabago sa paglipas ng panahon, lalong lalo na ang patungkol sa wika. Mula sa "jejemon"
hanggang sa "bekimon" na tinatwag ng mga millenial ay patuloy ang paglawak ng mga
makabagong teminolohiya. Sa kabila ng pag usbong ng mga makabagong salita ay nararapat pa
rin sa mga pang-akademikong institusyon ang pagtatakda ng nasyunal na pamantasan sa
pagtuturo upang maiwasan ang pagkakakawatak ng mga ideya at pananaw.

Mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid


ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo
sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng
Pilipinas.Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa ambag ng mga makabagong terminolohiya ng
mga millenials sa social media tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ang mga
mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o
estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa
mgasocial networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking
sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod
ngmodernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na
patuloyang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila
ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy


dinang pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-
ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino,
ilanghalimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit
ngmga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang
masmadaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na
ginagamit noong unang panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso
sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika
nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-
ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa
lipunan at ekonomiya.Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din
ang kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang
masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa modernisasyon ng
wika.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa ambag ng mga makabagong terminolohiya ng mga


millenials sa social media tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino

I. Pangunahing Suliranin

Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na sumibol sa aming isipan upang simulan
ang pananaliksik na ito.

1. Paano nakakaapekto ang modernisasyon tungo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?

2. Epekto ba ng modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at social media ang


tuluyang pagkalimot sa mga lumang salita?

3. Pag-uugali o asal ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino

You might also like