Professional Documents
Culture Documents
First Quarter Esp
First Quarter Esp
PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop nasagot at isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.
_____23. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito
ang pagkain nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
_____24. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa maling pagparada nang tama
ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayberay naroon sa tabi
niya ang kanyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis upang mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at pagsasabihan sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
_____25. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi
maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na
tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar sa binatilyong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyo habang naghihintay siya ng mauupuan.
_____26. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa
b. mas malalim na pagkakaintindihan
c. karunungan
d. wala sa nabanggit
_____27. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na pamanang
kanilang mga ninuno ay pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo c. Pagkamkam ng Lupa
b. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian
_____28. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay
a. diskriminasyon c. pang- aabuso
b. stereotyping d. wala sa nabanggit
_____29.Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____30. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan
na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____31. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____32.Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng
tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito
para sa kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga
ng kaniyang pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
_____33.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
_____ 34. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 35. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at
mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas
oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
_____ 36.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang
lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat- dapat na
mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin
nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 37. Hindi makakalahok si James saBrigada Eskwela ng kanilang paaralandahil kinakailangan niyang alagaan
ang kanyang lola na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako
na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
_____ 38. Ang pagiging makatao ay:
a. ang pagsaklolo sa iba c. pagpanig sa tao
b. ang pagiging matulungin sa kapwa d. pagsunod sa utos ng Diyos
_____ 39. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
_____ 40. Piliin sa mga sumusunod ang hindiayon sa likas na batas moral:
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa.
b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor.
c. Pangungulit sa bata na maligo.
d. Pagpipilit sa mga tao na magsimba
_____ 41.Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng mabuti batay
sapanahon, kasaysayan at sitwasyon.
_____ 42.Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
a. Upang hindi ituring na hayop.
b. Upang ingatan at payabungin ang tao.
c. Upang mapakinabangan ang tao.
d. Upang ituring na pinakamataas ang tao.
_____ 43.Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba. c. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
b. Huwag manakit at makasakit. d. Gawin ang tama at nararapat.
_____ 44. Alin ang hindihalimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
a. Police brutality c. Human Trafficking
b. Land Grabbing d. Gender Equality
_____45. Ang karapatan ang may kaakibat na____.
a. tungkulin c.dignidad
b.konsensya d.kilos-loob
_____46. Ang ____ ang magbubukas sa isang malayang pagpili kung ano ang makakabuti sa kanya.
a. karapatan c. dignidad
b.katalinuhan d. katwiran
_____47. Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang
pantao. Ngunit may mga____ na kinakailangang sundin sa lipunan.
a. batas c. aspeto
b.pagpapahalaga d. wala sa nabanggit
_____48. Ang tao ay may malalim na____ at pinagmulan.
a. Karapatan c. Dignidad
b.Kahulugan d. Konsensya
_____49. Ito ay itinaguyod ng ibat ibang indibidwal mula sa ibat ibang panig ng mundo dahil sa mapait
na karanasang dulot ng World War II.
a. Universal Declaration of Human Rights c. Gabriela
b. United Nation General Assembly d. wala sa nabanggit
_____50. Ang simulain o ugat ng mga karapatang pantao ay masusumpungan o makikita sa____na taglay ng bawat tao
a. Dignidad c. Pananagutan
b. Konsensya d. Katwiran
“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.”
(Anonymous)
Prepared by:
CAMILLE A. GASPAR
Subject Teacher
Checked by: