You are on page 1of 2

Birhen at Duktor ng Simbahan

Kapanganakan : 2 Enero 1873 (Alençon, Pransiya)


Kamatayan : 30 Setyembre 1897 (edad 24)Lisieux, Pransiya

Pinipintuho sa: Simbahang Romano Katoliko


:
Beatipikasyon: 29 Abril 1923 ni Papa Pio XI
Kanonisasyon : 17 Mayo 1925 ni Papa Pio XI

Pangunahing dambana: Basilika ni Santa Teresa[1], Lisieux, Pransiya


Dambana ng Diyosesis at Parokya ni Santa Teresa ng Batang Hesus,
Lungsod ng Antipolo, Rizal, Pilipinas.
Patronato : Mga may karamdamang AIDS; Anchorage, Alaska; Australia;

mga abyador; mga karamdaman ng katawan; Cheyenne, Wyoming; Fairbanks,


Alaska; Fresno, California; Juneau, Alaska; Pueblo, Colorado; mga nag-
Teresa ng Lisieux aalaga ng bulaklak; Pransiya; karamdaman; Kisumu, Kenya; pagkawala ng
mga magulang; misyonero; Rusya; tuberkulosis; Witbank, Timog Aprika,
Lungsod ng Pasay, Lungsod ng Antipolo, Pilipinas.

Teresa ng Lisieux
Si Santa Teresa ng Lisieux (Pranses: Saint Thérèse de Lisieux) o mas nararapat
bilang Santa Teresita ng Batang si Hesus at ng Banal na Mukha. Ipinanganak
bilang Marie-Françoise-Thérèse Martin, ay isang madreng Romano Katoliko ng mga
Karmelita na nagdaan sa kanonisasyon ng pagka-santa, at kinikilala bilang
isang Duktor ng Simbahan, isa lamang sa tatlong mga kababaihang nakatanggap ng
ganitong karangalan. Tinatagurian din siya ng karamihan bilang Ang Munting
Bulaklak ni Hesus.

Talambuhay
Isinilang si Santa Teresa ng Lisieux sa Alençon, Pransiya, babaeng anak nina
Louis Martin, isang magrerelo, at Zélie-Marie Guérin isang taga-tahi ng mga
puntas o tiras (lacemaker). Kapwa makapananampalataya ang kaniyang mga
magulang. Tinangka ni Louis Martin na maging isang monghe, ngunit tinanggihan
sapagkat hindi siya maalam sa wikang Latin. Tinanggihan naman si Zélie-Marie
Guérin sa pagkamadre dahil itinuring siyang walang bokasyon; sa halip,
hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng maraming mga anak at bayaan silang
maging mga tanging-alay para sa Diyos. Nagkita sina Louis at Zélie noong 1858
at nagkaisang-dibdib tatlong buwan lamang pagkaraan. Nagkaroon sila ng siyam
na mga anak, lima ang mga kababaihan rito - sina Marie, Pauline, Léonie,
Céline at Thérèse — at lahat umaabot sa pagiging taong nasa hustong edad. Si
Thérèse - o Teresa - ang kanilang pinakabunso. Namatay siya noong Setyembre
1897, sa gulang na 24.

Bilang madre
Sa edad na 15, pumasok sa kumbento ng mga Karmelita si Teresa at naging isang
kasaping madre, sa Lisieux, Pransiya. Sa pagtanggap ng relihiyosang pangalang
Madre Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha, namuhay siya sa nakakubling
buhay ng pagdarasal. Nabiyayaan siya ng marangal na pagkakalapit sa Diyos.
Bagaman dumaan sa pagkakaroon ng karamdaman at kadiliman sa buhay, nanatili
siyang may pananalig na naka-ugat sa makapangyarihang pagmamahal ng Diyos.

You might also like