You are on page 1of 5

A.

Ang Pelikulang Panlipunan


1. Kahulugan

Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng
libangan. Isa rin ito sa mga pinagkukunan ng Trabaho ng mga 260,000 naPilipino. Kumikita ito ng 1.5 na
Bilyong Piso taun taon.

Kilala rin bilang SINE at PINILAKANG TABING.Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw
na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.Tinatawag ding
Dulang Pampelikula, Motion Picture, Theaterical Film, o PhotoplayIto ay sining na may ilusyong
optikal para sa mga manonood

Gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan

Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pkasaysayanl

Isang anyo ito ng sining .

Tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.

Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao.

Bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun.

B. Panahon ng Pagsulpot ng Pelikulang Panlipunan

Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para
gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang
dokomentaryo tulad ng:

1. Panorama de Manila o ang lupain ng Maynila,


2. Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo
3. Puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at
4. La Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye.
C. Unang Mga Pelikulang Pilipino

Dalagang Bukid- kauna-unahang pelikula na nagawa sa Pilipinas noong 1919.

Sa Direksyon ni Jose Nepomuceno

Ito ay base sa Zarzuela ni Hermogenes Ilagan na isang highly acclaimed na Melodrama

Si Leon Ignacio naman ang unang tagagawa ng pelikula na gumaya sa Hollywood kung hindi man ay sa
mga aklat. Si Carmen Concha ang unang babaeng direktor sa Pilipinas ay gumawa din ng mga ilang.
Pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone
Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.

Ito ang ilang Sikat na mga Artista bago ang Digmaan: Fernando Poe Sr., Ben Rubio ,Monang Carvajal,
Alfonso Carvaja

Mga Teoryang Pampanitikan


T E O R Y A - pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.

TEORYANG PAMPANITIKAN – Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na


naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.

MGA URI ng DULOG/TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Klasismo

V Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang IImahism

V Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga
imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang RRealism

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-efektibo ng kanyang sinulat

Teoryang FFeminism

V Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamamayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda
ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.

Teoryang Formalistiko Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

Teoryang Sikolohikal
V Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa
pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Teoryang Romantisismo

V Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin
at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.

Teoryang Marxismo

V Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.

Teoryang Sosyolohikal

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang


kinabibilangan ng may-akda.

Teoryang Moralistiko

V Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao
– ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling
sabi,ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

V Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.


Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang QQuee

V Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual. Kung
ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Teoryang Historikal

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ang bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural
V Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi
ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga susunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Marxismo

V Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Teoryang DDekonstruksyo

V Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagkatao at ng mundo.

Genre Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang
mga ito dahil sa: Sentral na kwento o Emosyong ipinapadama, at Mga kaisipang pinapairal sa bawat
palabas.

1. Romansa/Pag-ibig – umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.


2. Komedya – pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. Ang komedya ay maaari ding
walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig kundi
sa pagkilos ng katawan.
3. Musikal – pelikula kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-awitan. Ang isang
musikal na pelikula ay matatawag din kung ang mga bida ay nagsisipagsayawan sa maka-klasikong
kaugalian man o makabagong panahon sa tunog at indak ng musika.
4. Pakikipagsapalaran – pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa iba’t ibang lugar at
tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kwento ng
pelikula.
5. Aksyon – pelikula kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na mga
pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na pakikipatunggali at mga masasalimuot na
paglalabanan.
6. Pantalambuhay – pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao
na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.
7. Krimen – pelikula kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog mula sa tunay na
buhay ng mga kriminal hanggang sa mga nilikhang karakter na may napakasamang katauhan
8. Drama – pelikula kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong karakter
na tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng pagkalango sa alak, pagtataksil, diskriminasyon,
sekswalidad, kahirapan, karahasan o korapsyon.
9. Epiko – pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang
tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.
10. Pantasya – pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang
pangyayari o mga kakaibang nilalang.
11. Katatakutan – pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood
sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng pelikulang
ito ang mga manonood.
12. Science Fiction – pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng
mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

Mga Dapat bigyan ng tuon sa panonood ng pelikula(Elemento)

1. Kuwento - Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Makatotohanang
paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino.
Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood.
2. Tema - Ito ang paksa ng kuwento. Ito rin ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
3. Pamagat - Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring
panghatak ng pelikula.
4. Tauhan - Ito ang karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula. Pagsusuri sa
katangian ng tauhan, ito man ay protagonist (bida) o antagonist (kontrabida).
5. Diyalogo  Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.  Sa pagsusuri ng
pelikula ay dapat isaalang-alang ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento.
6. Sinematograpiya  Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.  Matagumpay nitong
naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng:
1. Pag-iilaw
2. Komposisyon
3. Galaw  at ibang kaugnay na teknik ng kamera
7. Iba pang aspetong teknikal  Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng
eksena, special effects, at editing.

Tunog - naisalin nang buhay na buhay –ang diyalogo at musika – epektibong tunog at
katahimikan  Naisaayos ang lahat na ito sa malikhaing paraan

Musika - pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin 

- Pinatitingkad ang atmospera at damdamin


- Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula

Direksyon - matagumpay ang direktor sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula


Nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing
pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula

Editing - malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang: - Oras – Kalawakan – Galaw


Disenyong Pamproduksyon - naisakatuparan sa malikhaing paraan ang:

- Pook – Tagpuan – Make- up – Kasuotan – Kagamitan

You might also like