You are on page 1of 1

Denice Jhan F.

Magote

MM1-3

1. Basahin ang WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOLOHIYA ni Bayani S. Abadilla.


2. Ano ang nilalaman ng Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya ni Abadilla? Talakayin.
Ayon kay Abadilla ang edukasyon ay paglinang ng talino ito ay proseso ng Pedagohiya,
Nakaprograma sa paaralan ang paglinang sa Talino, Agham at Sining bilang gabay ng pagtuturo na
nakatuon sa pag-iisip. Ang katotohanan ay naghahayag ng ideya o pangyayari na may mga
katunayan. Ang Katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan,
katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas din ng salitang totoo ang
terminong matimyas. Ito ang kabaligtaran ng katagang kasinungalingan. Ang kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na
katutubong wika. Hangga't itinatadhana ng batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging
wikang opisyal. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Ang Siyensya/Karunungan ay hindi karunungan sapagkat Ito ay kaalaman lamang. Ang


katotohanan naman ay mga pangyayari na nagaganap sa kasalukuyan at kung paano ito
tinatanggap Ng bawat Isa. Tulad ng kultura at wika ay magkaugnay din ang katotohanan at
karunungan sapagkat nakapaloob sa karunungan ang karanasan ang magsisilbing katotohanan.
Ang katuturan ng karunungan sa buhay ay natututunan natin ang mga nakapaloob dito ay kung
paano tayo humaharap at magdedesisyon sa bawat problema na makakasulbong natin tulad ng
Talino, ito rin ay nahuhubog sa pamamagitan ng karanasan. May dalawang pangunahing saklaw
ang karunungan.1) Karunungan tungkol sa Tao at 2) Karunungan tungkol sa natural na kalikasan.)
Parehong may iba't ibang sangay ang Sensya/Karunungan. Sa siyensya, ang Talino ang gumagawa
ng karunungan at Ang mga nalilikhang karunungan ay pawang nanggaling lahat sa karanasan.

You might also like