You are on page 1of 6

Ano ang imperyalismo?

Ang Pilipinas ay kontrolado ng imperyalismong US, kasabwat ang lokal na mga naghaharing uri

— ang malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa. Kinakatawan ng mga ito ang

paghahari ng tatlong salot na pahirap sa sambayanang Pilipino: ang imperyalismong US, pyudalismo at

burukratang kapitalismo (MKLRP, Ikatlong Edisyon). Dahilan upang ang mga napapasailalim dito ay

mag-aklas at nagiging resulta ng pagkapit ng armas upang labanan ang supresyong nangyayari sa ating

bansa. Sapagkat,ang imperyalismong US ang pangunahing nakikinabang at pinakamapagpasyang

pwersang nagtataguyod sakasalukuyang naghaharing sistema sa Pilipinas.

Ang imperyalismo ay ang monopolyong yugto ng kapitalismo. Lumitaw ito nang makontrol ng

mga monopolyong kapitalista ang ekonomya, pulitika at kultura ng mga pinakaabanteng kapitalistang

bayan. Bago lumitaw ang imperyalismo, ang mga kapitalista sa mauunlad na bayan ay libreng

nagkukumpitensyahan sa pamumuhunan, produksyon, pagbebenta at paggamit sa pautang. Sa panahon ng

imperyalismo, nakonsentra sa kamay ng iilang malaking kapitalista ang puhunan sa industriya at bangko

na kanilang pinagsanib. Sa gayon, nakokontrol nila ang buu-buong mga industriya at nakapagdidikta sila

ng laki ng produksyon, presyuhan at pagpapautang. Hawak ng mga monopolyong kapitalista ang mga

pamilihan, pinagmumulan ng hilaw na materyales, modernong teknolohiya at bihasang paggawa (skilled

labor). Pati ang kapalaran ng mas maliliit na kapitalista ay mapagpasyang naiimpluwensyahan nila. Mga

halimbawa ng mga monopolyong kapitalista sa US sina Rockefeller at Getty na makapangyarihan sa

industriya ng langis, ang grupong Morgan na makapangyarihan sa pagbabangko at ang grupong Ford at

Du Pont sa pagmamanupaktura ng mga sasakyan. Ang US ang pinakamalaking imperyalistang

kapangyarihan sa buong daigdig sa kasalukuyan. Mga imperyalistang bayan din ang Japan, Germany,

France at Great Britain. Imperyalistang bayan na rin ang Rusya at Tsina.

Subalit, bakit nga ba katangian ng imperyalismong pananakop at pagkontrol sa astrasadong bayan

gaya na lang sa mga katutubong Lumad na naging resulta ng masaker sa mga inosenteng katutubo na

ipinaglaban lamang naman ang karapatan nila sa kanilang paaralan at mga pang-ninunong lupain?
Kailangang-kailangan ng mga imperyalistang bayan ang mga kolonya at malakolonya. Ang mga

bayang ito ang pinagkukunan ng murang hilaw na materyales, pinagtatambakan ng mga produktong yari

sa imperyalistang bayan at pinagdadalhan ng sobrang kapital. Mula sa pamumuhunan, kalakalan at

pagpapautang sa mga atrasadong bayan, nagkakamal ang mga imperyalista ng supertubo (MKLRP, Ika-

unang Edisyon).

Kung wala ang mga kolonya at malakolonya, hindi mapapanatili ng mga imperyalistang bayan

ang mabilis na pagpapalawak sa produksyon at kalakalan at ang pagkakamal ng supertubo sa

pamumuhunan. Kung hindi mapapanatili ang mga ito, matatalo sila sa pakikipagkumpitensya sa ibang

imperyalistang bayan at babagsak ang negosyo nila.

Nangingibabaw ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa sa kanayunan. Kontrolado nila

ang reaksyunaryong gubyerno sa mga probinsya at bayan. May sarili silang kinatawan at kuneksyon sa

mga nasa poder sa pambansang gubyerno. Ginagamit nila ang kapangyarihang ito at ang kanilang

kayamanan para gipitin at agawan ng lupa ang mga magsasakang nag-aari ng maliliit na parsela ng lupa.

Kunwa’y bibilhin nila ang lupa ng mga magsasaka pero ito naman ay sa napakamurang halaga o kaya’y

idinadaan sa pekeng mga papeles at kaakibat na utos ng hukuman na nagliligalisa sa pang-aagaw. Mas

madalas, tahasang ginagamitan ng dahas at pananakot ang pang-aagaw nila sa lupa ng mga magsasaka.

Ano ang mga patakaran at kontra-insurhensyang programa nito na pumapatay sa mga katutubong

Lumad?

Ang mga patakarang nagsisimula sa mga kaisipang walang sapat na kaalaman kung ano nga dapat

ang tuwirang implementasyon na nagiging dahilan ng pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan pati na din

ang ating mga katutubong Lumad.


Ayon sa mga ulat ng NNRA YOUTH noong nakaraan lamang na 2019 na ang pag-implementa ng

E.O 701 ay resulta ng martial law sa mga bayan na nagiging hindi tuwirang ang pag-sakal sa karapatang

pantao sa kanila na dahilan din ng pagpaslang ng karumaldumal sa ating mga katutubong Lumad. Sapat

ang mga akda, kwento at mga larawan na naibahagi sa mga henerasyon sa nakalipas na dekada patungkol

sa malagim na karanasan ng binaba Martial Law ng Diktador 2 na si Marcos noong ika- 21 Setyembre

1972. Sa kabila ng sabwatan ng mga nagdaang rehimen para pagtakpan ito, kasabay pa ng mga hakbang

ng pamilyang Marcos na baguhin ang mga karumal-dumal na kaganapan noong Martial Law, hindi

maikukubli ang kasayasayan ng paglabag sa karapatang pantao noong dekada ’70 at maagang bahagi ng

dekada ’80. Ang malaking bilang ng mga tinortyur, dinukot, at ikinulong ay buhay na buhay sa alaala ng

mga biktima nito. Bagama’t ang ilan sa kanila ay pumanaw na, hindi nila nakamit ang hustisya. Walang

kapaguran nilang ibinabahagi ang mapait na karanasan ng kanilang buhay sa mga bagong henerasyon sa

iba’t ibang porma. Sapat para pag-aralan at unawain ng mga kabataan 3 ang mapait na karanasan noong

panahong iyon. Nakikiisa ang malawak na hanay ng kabataan para alalahanin ang malagim na

kaganapang ito, 47 taon man na ang nakalilipas, at tanganan ang tapang ng Kabataang Makabayan noong

Martial Law para harapin at labanan ang tuloy-tuloy na atake ng pasismo ng estado sa mamamayan.

1
Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.).
https://www.officialgazette.gov.ph/2018/12/04/executive-order-no-70-s-2018/.

2
Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.).
https://www.officialgazette.gov.ph/featured/deklarasyon-ng-batas-militar/.

3
Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.).
https://www.officialgazette.gov.ph/edsa/the-ph-protest-appendix/.
Ang madilim na bahagi ng kasaysayan ay muling naulit sa ilang lugar sa bansa. Naging daan ng

gobyerno ang diumanong paglaganap ng ISIS sa Marawi 4 upang ipatupad ang Martial Law sa lugar. Ang

Martial Law na ipinatupad ay hindi lamang naging laban sa ISIS 5, kundi pati na rin sa mga lokal ng

Marawi na nasawi, nawalan ng kabuhayan, at nawalan din ng tirahan. Malaking parte ng Marawi ang

hindi na matirhan matapos ang ilang taong giyera at pag-iral ng Martial Law sa lugar na naging mitsa ng

pagdami ng mariing tumututol sa pagpapatuloy ng batas militar sa Mindanao. Sa kabila ng kakapusan nito

ng batayan, lumusot at nakapasok pa rin ito sa kongreso at ang ekstensyon 6 nito kung saan inaprubahan

mismo ni Duterte. Sa udyok ng militaristang paksyon ng rehimeng Duterte, pinagtibay nito ang

implimentasyon at pinalapad ang saklaw ng Martial Law sa Mindanao na lalong kumitil sa karapatang

pantao at nagtaguyod ng mga interes ng naghaharing uri sa lugar. Naging protektor ng mga mapanirang

minahan ang miiltar at lahat ng alagad ng batas. Itinaguyod ang mga plantasyon at hinayaang makapasok

at mag-operate ang mga minahan sa lupang ninuno ng mga Lumad. Naging kasangkapan din ang mga

militar upang tuloy-tuloy na takutin, harasin at palayasin ang mga katutubo. Sila rin mismo ang

nagpatupad sa pagpapasara at pagbomba sa paaralan ng mga Lumad at binanasagang ito na paaralan ng

mga NPA. Walang suporta ang gobyerno sa edukasyon ng mga katutubo, at ngayong nagkaroon sila ng

sarili nilang paaralan, sinisira naman ito ng estado. Lumaganap ang pagpatay sa mga kilalang aktibista at

4
Beech, H., & Gutierrez, J. (2019, March 9). How ISIS Is Rising in the Philippines as It
Dwindles in the Middle East. The New York Times.
https://www.nytimes.com/2019/03/09/world/asia/isis-philippines-jolo.html.

5
Ortiz, E. (2017, May 27). Why Duterte Declared Martial Law in Southern Philippines
Over ISIS-Linked Group. NBCNews.com. https://www.nbcnews.com/storyline/isis-
terror/why-duterte-declared-martial-law-southern-philippines-over-isis-linked-n764546.

6
Thomson Reuters. (2018, December 12). Philippine Congress extends Mindanao martial
law until end-2019. Reuters. https://www.reuters.com/article/us-philippines-security-
idUSKBN1OB0IR.
tumindi ang panghaharas sa mga progresibong grupo. Inaresto ang ilang indibidwal sa gawa-gawang kaso

at lumabag ng maraming karapatan ng mamamayan ng Mindanao lalo na sa hanay uring magsasaka –

lahat ng ito ay epekto ng pagpapatupad ng batas militar sa lugar.

Nagimbal ang mamamayan sa pagbaba ng Memo 32 sa Negros, Samar at Bicol kasabay ang

counter-in- surgency program na Oplan Kapayapaan 7, ngayo’y Oplan Kapanatagan8, sa udyok ng

militaristang paksyon. Bagamat walang direktang deklarasyon ng Martial Law ay ginambala ang

samabayanang Pilipino sa sunod-sunod na pagpatay sa mga magbubukid, lider magsasaka, human rights

defenders, barangay officials, at maging ang mga peasant advocates. Bago ang deklarasyon ng

Memorandum Order No. 329, damang-dama na ng mamamayan ng Negros ang atake sa mga magsasaka

na pinatingkad ng tuloy-tuloy at maramihang pagdedeploy ng mga militar at pulis sa rehiyon. Ang

pagbuhos ng bata-batalyong sundalo at pulis sa rehiyon ay nagresulta sa mas maraming kaso ng paglabag

sa karapatang pantao, paghuli, at pamamaslang - lalo na sa hanay ng mga magbubukid. Ang Executive

Order No. 70 na itinaguriang “whole of nation approach” ng rehimeng Duterte na ang layunin ay para

wakasan ang armadong tunggalian sa pagitan CPP-NPA-NDF, ngunit sa aktwal ay para ito sa panunupil

sa mga kritiko ng gobyerno. Malinaw na sa pagpapatupad nito ay inaabuso ng estado ang kanilang

kapangyarihan pampulitika para lamang sa pagpapanatili ng mga anti-mamamayang polisiya. Noong

7
Priam Nepomuceno April 23, 2018. (n.d.). AFP to counter terror, insurgency threats thru
'Oplan Kapayapaan'. Philippine News Agency RSS.
https://www.pna.gov.ph/articles/1032863.

8
AFP-PNP Joint Campaign Plan "Kapanatagan" 2018-2022. Liberation. (n.d.).
https://liberation.ndfp.org/tag/afp-pnp-joint-campaign-plan-kapanatagan-2018-2022/.

9
Ranada, P. (2018, November 23). Duterte orders more soldiers, cops in Bicol, Samar,
Negros Island. Rappler. https://www.rappler.com/nation/duterte-orders-more-military-
police-troops-samar-bicol-negros-island.
magsimula ang EO 70, mas maraming paglabag sa karapatang pantao ang naitala sa buong bansa. Ilan sa

mga halimbawa ng panghaharas ay mga pagbabanta sa selpon, text at tawag, at pagpapakalat ng mga

malisyosong bintang na miyembro o suporter ng NPA ang mga aktibista at mga progresibong

organisasyon. Bagamat walang pormal na deklarasyon ng Martial Law sa buong bansa, ito ay nararanasan

na ng mga mamamayan llalo na sa kanayunan --- ang mga sangkot sa mga harassment na ito ay ang mga

pulis at militar.

Ang hanay ng kabataan noong dekada ’70 sa pangunguna ng Kabataang Makabayan ay walang

takot na hinarap ang atake ng diktadurang Marcos sa kabila ng pagdedeklara ng Martial Law. Ang buhay

na karanasan ng katapangan at kagitingan noong First Quarter Storm ay nananalaytay sa diwa ng mga

makabayang kabataan sa kasalukuyang henerasyon. Ang mga kabataan ay mulat sa mga pangyayari

noong dekada ’70 – dekada ’80, alam nila kung paano hinarap ng kabataan noon ang madilim na

kasaysayan at paano ito pinagtagumpayan hanggang tuluyan mapatalsik ang diktador na si Marcos.

Ngayon, patuloy pa rin ang kabataan, kasama ang iba’t ibang sektor, sa paglaban sa diktador at pasistang

rehimeng Duterte. Hindi malilinlang ang hanay ng kabataan sa mga tangkang pagbabago ng kasaysayan

at pagtakip sa mga pangunahing isyu ng mamamayan. Tangan ng kasalukuyang henerasyon ng kabataan

ang responsibilidad na paglingkuran ang sambayanan. Isulong ang pambansang demokrasya at

ipagtanggol ang soberanya ng bansa!

HUSTISYA SA MGA BIKTIMA NG MARTIAL LAW NOON AT NGAYON!

You might also like