You are on page 1of 2

Rommel G.

Reyes

Grade 12 San Pedro Calungsod

Timpalak sa muling pagsasalysay ng mga kuwentong-bayan gamit ang wikang


katutubo.
Balikan muna natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kuwentong bayan?
“Ang kuwentong-bayan o folklore sa salitang Ingles ay mga salaysay hinggil sa mga
likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Katulad ng
matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang
bansa o lupain.”
Malaki ang ginagampanang papel ng kuwentong bayan sa mayamang panitikan nating
mga Pilipino. Dahil ang mga ito ay tumutukoy sa ating kaugalian at tradisyon.
Masasalamin rin rito ang ating pananampalataya at mga problemang madalas nating
kinakaharap.
Mula sa pangalan nito ang kuwentong bayan ay madalas na tumutukoy sa kasaysayan
ng isang lugar. Kung paano at saan nagsimula ang pangalan nito. Ganoon rin sa ilan sa
mga bagay na nakikita natin ngayon, tulad ng bakit pula ang palong ng tandang at bakit
maraming mata ang prutas na pinya.

Ang Batik Ng Buwan


mula sa Bayan ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto
ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga
ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na
init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit.
Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang
mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood
ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis
na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang
madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang
asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit
kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak.
Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa. “Niyakap mo sila? Huwag kang
magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong
saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang
tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit
na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at
dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan
ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol
pa rin ng buwan ang araw.

You might also like