You are on page 1of 1

ONLINE CLASS KASAGUTAN NGA BA?

Taong 2020 buwan nang Agusto at Setyembre nang mag simula ang distance learning process o
mas kilala sa tawag na “ONLINE CLASS”. Paraan na naisip nang gobyerno upang matulungan ang
Kagawaran nang Edukasyon sa problema nang patuturo, sa kadahilanan na ipinag babawal ang pag labas
at pagtipon tipon nang mga tao. Ito nga ba ay epektibo? Ano ano ang hadlang sa ganitong paraan nang
patuturo?

Umpisa palang nang ginawang hakbang nang gobyerno ay kaliwat kanan na ang batikos at puna
sa paraan na ito. Sa kadahilanan na hindi naman lahat ay may komportable at maasahang koneksyon sa
internet,dagdag pa ang kahirapan na syang nag sisilbing sagabal sa pag-aaral ibang mga magulang na
nahihirapan na bumili nang bagong gadget tulad nang cellphone, Laptop, o kaya’y tablet.Ayon sa isang
balita mahigit 7.3 milyon na mag aaral ang hindi muna pumasok o nag enroll nang dahil sa kahirapan.

Halos kalahating taon na ang lumipas nang magsimula ang distance learning. Estudyante na
lubos na nahihirapan ang lubos nan a apektohan paghahanap nang magandang signal, dag dag pa ang
pag hahanap nang pang load sa ginagamit na gadget sa online class, ilang guro na walang konsiderasyon
sa kanilang mga estudyate. Mga dahilan kung bakit ilan sa mga mag aaral ay nagkaroon nang depresyon
na nagging sanhi nang pagkamatay nang iba.

Sa ngayon ay lahat naman ay gumagawa nang paraan upang makapag adjust sa sistema nang
pag aaral ngayon. Mga mag aaral na nagiging mas pasensyoso na at mga guro na nag aadjust na sa kung
papano ang tamang paraan nang pagtuturo.

You might also like