You are on page 1of 2

Marie Antonette M.

Espina Ika-04 ng Pebrero 2021


12-Euler Gng. Erika C. Macabudbud

“Patugtugin ang musika at


huwag pansinin ang Mundo”

Ang musika ay isang instrumentong hindi nakikita, pero naririnig at nadadama. Ang
musika ay isang wikang hindi man nasasalita at naiintindihan ng lahat subalit minamahal ng
lubos-lubusan ng karamihan. Mayroong musika na umaakit sa mga umiibig at sa sawi sa pag-
ibig. Para sa iba naman ang musika ang nagiging daan nila upang magkaisa sa isang layunin.
Ang musika ay isang bagay na nasisiyahan nating lahat sa isang punto ng ating buhay.

Mayroong iba't ibang mga uri ng mga instrumento, na nakaklikha ng musika. Mga
instrumento na nakakalikha ng iba’t ibang genre ng musika gaya ng pop, rock, metal, hip-hip at
iba pa. Ang musika ay may kapangyarihang iparamdam sa atin ang saya at kapaayapaan.
Ang musika ay may mahusay na katangian ng pagpapagaling sa isang tao emosyonal at
sap ag-iisip. Ang musika ay isang uri ng pagmumuni-muni. Habang bumubuo o nakikinig ng
mga musika may mga sandali na makakalimutan ang lahat ng kanyang mga alalahanin,
kalungkutan at sakit.

Sinabi nila na ang musika ay isang pandaigdigang wika, nangangahulugang hindi mo


kinakailangang maunawaan ang mga salita sa isang kanta upang masiyahan sa musika. May
kapangyarihan ang musika na pag-isahin ang mga tao, ipadama sa atin ang kapayapaan,
iparamdam sa atin na naiintindihan tayo; ito ay isang bagay upang sumayaw, magsama, at
making kahit ikaw ay mag-isa. Ang musika ay hindi lamang tunog, ito ay sarili nitong wika at
naghahatid it ng mensahe kahit saan pa man; ito ay isang napakamagandang obra maestra.

You might also like