You are on page 1of 1

Headline HIV & AIDS policy law, kayang pigilan ang pataas na kaso ng HIV sa bansa

MediaTitle Abante Online (www.abante.com.ph)


Date 22 Jun 2019
Section NEWS
Order Rank 2
Language English
Journalist N/A
Frequency Daily

HIV & AIDS policy law, kayang pigilan ang pataas na kaso ng HIV sa bansa
Tinatayang 38 na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitatala kada-araw ng Department
of Health (DOH) sa buong bansa ngayong 2019. Higit na mas mataas ito kumpara sa 32 na kaso kada-
araw noong nakaraang taon.
Inulat ng DOH na nitong Marso lamang ay may 1,172 na mga bagong kaso ng HIV at 215 sa mga ito
ay nasa advanced stage na ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Marami ring nagulat sa
ulat ng DOH nitong linggo na may bagong 136 na kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa Bulacan mula
Enero hanggang Marso lamang ng taong ito. Ang Bulacan ang may pinakamataas na kaso ng HIV/AIDS

sa buong Central Luzon.


Talagang nakakabahala ang pataas na kaso ng HIV/AIDS sa bansa lalo na at pabata nang pabata ang
nabibiktima ng sakit na ito. Ito ang dahilan kung bakit ipinasa natin sa 17th Congress at ngayon ay batas

na ang Republic Act 1166 o mas kilala bilang “Philippine HIV and AIDS Policy Law.”
Bilang pangunahing may-akda at co-sponsor ng batas na ito, mayroon na tayo ngayong isang modernong
polisiya na pipigil sa patuloy na pagtaas ng insidente ng HIV at AIDS sa Pilipinas. Ang Philippine HIV
and AIDS Policy Law ay isang human rights-based approach sa pagtalakay at pagresolba ng mga kaso
ng HIV at AIDS sa ating bansa. Inabot tayo ng humigit-kumulang sampung taon bago nakapagpasa ng
panibagong batas upang magkaroon ng komprehensibong polisiya para sa HIV-AIDS sa Pilipinas.
Ang Philippine HIV and AIDS Policy Law ay nagbibigay ng pag-asa para sa kinabukasan ng mga
susunod pang mga henerasyon. Bilang nag-iisang bansa sa Southeast Asia na patuloy na pataas ang kaso
ng nabibiktima ng sakit na ito, ang bagong batas ay magbibigay sa kabataang Pilipino ng tama at
modernong impormasyon, kasama na ang pagpapahalaga sa kalusugan, at ito ang tinatayang
magpoprotekta sa kanila laban sa pagkakaroon nito.
Ang batas na ito ang magiging kaagapay ng ating mga kababayang may HIV/AIDS at ito rin ang
tutulong sa ating mga health professionals upang masugpo ang pagdami ng kaso ng sakit na ito.
Upang mapigil ang pagdami ng kaso ng HIV/AIDS, kailangan ang sapat na tulong medikal para sa ating
mga kababayang maysakit, pati na rin ang tamang impormasyon upang hindi lang ma-educate ang mga
kababayan natin kung hindi upang matuldukan na rin ang diskriminasyon sa mga pasyente at
makapamuhay sila ng payapa at may dignidad.

You might also like