You are on page 1of 1

Title of the photo essay : MAG-AARAL: DEDIKASYON AT INSPIRASYON

Schools Division Office : Bacoor


District : 3
School : Molino Elementary School
Name of School Head : Leonora M. Pantorgo
Name of Author / participant : Glenmar S. Fortiza

MAG-AARAL: INSPIRASYON SA SINUMPAANG PROPESYON


“Walang permanente sa mundong ito maliban sa pagbabago” – gasgas man pero taglay nito ang
katotohanang transpormasyon ng mga gurong Filipino mula sa pagiging tradisyunal na guro tungo sa
makabagong guro. “NGUNIT IKA NGA, MABAGO MAN ANG SISTEMA NG EDUKASYON, HINDI
MAGBABAGO ANG DEDIKASYON NG BAWAT ISANG GURO, DAHIL MAY MGA MAG-AARAL NA
NAGSISILBING INSPIRASYON SA SINUMPAANG PROPESYON.“
Para sa pagtugon sa hamon at sa patuloy na pagtupad ng sinumpaang tungkulin at layunin
hindi inurungan ng mga gurong Molineño ang hamon ng Early Language Literacy and Numeracy Digital
Course at SLAC on Differentiated Instruction integrating ICT and community linkages in teaching modular
printed/digitized and online distance learning delivery upang matugunan ang dekalidad na pagkatuto ng
mga mag-aaral. Ayon sa punongguro ng Paaralang Elementarya ng Molino Dr. Leonora M. Pantorgo,
“Kung may sapat na kaalaman sa teknolohiya, magagamit ito ng mga guro sa pagtuturo, blended o
modyular man yan”. Dagdag pa niya, tinuruan ang mga guro kung paano lalong mapaganda ang Power
Point Presentation para sa video assisted lesson, tinuro din kung paano gumawa ng google forms, online
attendance at ibat-ibang quiz format tulad ng kahoot at quizziz.com na malaking tulong sa mga guro para
lubos na makuha ang interes ang mga mag-aaral. Hindi nagging balakid ang edad para sa
transpormasyon mula sa pagiging isang tradisyunal na guro tungo sa isang makabagong guro.
Kababakasan mula sa mga larawan ang proseso ng isinagawang pagsasanay o School Learning
Action Cells ng mga gurong Molineño. Nagkaroon ng pagpaplano base sa kung ano ang
pangangailangan ng mga guro sa new normal, implementasyon nito at ebalwasyon para sa tuloy-tuloy na
pag-unlad ng programa. Ani ni G. Jimmy Narcise, Learning and Development Koordineytor, “kahit nasa
bagong sistema tayo ng edukasyon ay hindi nito mababawasan ang aming dedikasyon sa pagtuturo dahil
ang bawat mag-aaral ay nagsisilbing inspirasyon sa sinumpaang propesyon”.

You might also like