You are on page 1of 28
Leveled Reader Si Maya sa Himpapawid = ay A gaat Kuwento ni Sierra Mae Paraan Guhit ni Rea Diwata Mendoza ‘Ss USAID a HEY) snows avencanron PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI. Leveled Reader in Filipino Si Maya sa Himpapawid Si Maya sa Davao Stories by Sierra Mae Paraan Illustrations by Rea Diwata Mendoza Reviewed by Angelika Jabines (DepEd Bureau of Learning Delivery), Paolo Ven Paculan, and Jomar Empaynado 2016 by U.S.Agency for International Development (USAID) Produced for the Department of Education under the Basa Pilipinas Program Basa Pilipinas is USAID/Philippines’ flagship basic education project in support of the Philippine Government's early grade reading program. Implemented in close collaboration with the Department of Education (DepEd), Basa Pilipinas aims to improve the reading skills for at least one million early grade students in Filipino, English, and selected Mother Tongues. This will be achieved by improving reading instruction, reading delivery systems, and access to quality reading materials. References Si Maya sa Himpapawid Geography of the Philippines (web page). (n.d.) Retrieved from http://en.wikipedia.org/ wiki/Geography_of_the_Philippines Geography of the Philippines (web page). (n.d.) Retrieved from http://wwwasianinfo.org/ asianinfo/philippines/pro-geography.htm Si Maya sa Davao Blog featuring Davao City. (n.d.) Retrieved from http://ww.davaotourism.com/ Davao City. (n.d.) Retrieved from http://itsmorefuninthephilippines.com/davao-city/ All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, or any information storage and retrieval system without permission from the publisher. (USAID ARPS’ cron THE AMERICAN PEOPLE Pee GOVERNMENT PROPERTY. NOT FOR SALE. This publication was produced with the generous support of the American people through the United States Agency for International Development (USAID) under the Basa Pilipinas Project and the Department of Education. Unang Bahagi Itinaas ni Maya ang zipper ng jacket. lkinuskos niya ang nanginginig na mga palad at isinuksok sa bulsa ng pantalon. Ito ang unang beses ni Maya na sumakay ng eroplano. Blag! Blag! Blag! ang sabi ng kaniyang dibdib. “Huwag kang matakot,” paalala ni Nanay Mameng. “Marami kang makikita habang nasa himpapawid. Maaaliw ka sa mga ulap na paiba-iba ng kulay at hugis.” Naramdaman ni Maya ang dahan-dahang pagtaas ng eroplano mula sa lupa. Nagsimula ang agwat sa isang dipa, limang dipa, hanggang sa lumipad ito pataas at palayo. “Hayun, tingnan mo ang mga bahay!” turo ni Nanay. “Sobrang liit nila ‘Nay. Pati ‘yung mall na pinupuntahan natin o! Sinlaki na lang ng langgam!” Pilit na hinanap ni Maya ang paaralan niya, ang malalaking gusali na opisina ng kaniyang nanay at tatay, ang kanilang city hall. Lumiit nang lumiit ang mga gusali hanggang sa umangat palayo ang eroplano. 2 DEPED copy. slectronie oF mec Blag! Blag! Blag! Pinakiramdaman ni Maya ang dibdib niya. Biglang nagsalita si Nanay Mameng. “Alam mo ba ang ginagawa ko para hindi mainip o matakot tuwing nakasakay sa eroplano2” tanong ni Nanay. “Ano po@" tanong ni Maya. “Tinitingnan ko ang mga bagay-bagay sa labas. Halimbawa iyon, nakikita mo ba ang natutulog na higante?” nguso ng kaniyang ina. “Nasaan po?" napalakas ang tanong ni Maya. “Shhh. Wag kang maingay, baka magising siya.” Tiningnan ni Maya ang labas ng eroplano. Wala siyang makita kundi mga ulap na mistulang bulak at cotton candy. Halos natatakpan nito ang isang... ang isang... “Nakita ko na!” sabik na sabi ni Maya. Napansin ni Maya ang tumpok ng lupa na nakahimlay patagilid. “Bulubundukin ang tawag diyan, anak. Bulubundukin ang tawag sa magkakadikit na bundok. Sa lugar ni Tita Baby, magkakaroon ka ng pagkakataong umakyat ng bundok.” “ ‘Nay, saan po ba nakatira sina Tita Baby?” usisa ni Maya. “Sa Davao nakatira ang Tita mo. Doon din matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Bundok Apo ang tawag dito,” paliwanag ni Nanay. “Tlang oras po ang aabutin sa pag-akyat ng tuktok n’un, ‘Nay?” “Naku, anak. Dalawa hanggang tatlong araw ang aabutin para maabot ang tuktok ng Bundok Apo. Pero sabi naman ng mga nakaakyat na roon, gaya ng Tita Baby mo, sulit daw ang pagod. Punong-puno ng halaman, puno, at hayop ang bundok. Sa katunayan, nakita pa nila ang agila.” “Agila...” ulit ni Maya na namamangha. No part ofthis 4 DEPED COPY. All eletronic oF mechan Skill Builder 1 |. Pagsasanay Basahin ang mga pangungusap at punan ang patlang ng panghalip na ako, ikaw, o siya: . “Sino ang maglilinis ng pisara?" tanong ni Bb. Azor. " na lang po,” prisinta ni Ana habang nakataas ang kanang kamay. ot naman ang magpunas ng mesa,” sabi ni Ana sa katabi niyang si Pura. . “Sino naman ang magwawalis sa labas?" tanong Uli ni Bb. Azor. “Si Ruben na lang po,” sabi ni Pura sabay turo kay Ruben. “ naman po ang mahilig lumabas.” 2 ay natutuwa aft lahat kayo ay gustong tumulong,” sabi ng guro. Il. Mga Salitang Magkasingkahulugan Isulat ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang sagot mula sa mga salita sa kahon: pinakamataas na bahagi nakahiga magkakatabi himpapawid parang, kamukha . Pinanood namin ang eroplano na lumilipad sa kalawakan. . Ang mga ulap ay mistulang cotton candy. . Ang tumpok na lupa ay nakahimlay patagilid. . llang araw bago maakyat ang tuktok ng bundok? . Magkakadikit ang mga bundok. Ill. Sumulat ng tig-dalawang pangungusap gamit ang panghalip na ako, ikaw, at siya. Basahin ang sinulat na pangungusap sa klase para makapagsanay sa wastong gamit nito. DEPED COPY. Alright reserved, No part of ths material may be reproduced or transmitted in any form or by any means-— ‘electronic or mechanical including photocopying-without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016 Ikalawang Bahagi “Puwede rin ba akong mag-swimming sa bundok?” Natawa si Nanay sa tanong ni Maya. “Aba, puwedeng-puwede iha, kung may malapit na tubig doon. Ang mga bundok kasi ay matatarik na lupa na madalas puno ng kagubatan. Minsan may mga talon sa loob ng bundok.” Nanlaki ang mga mata ni Maya, “Talon? Wow, ibig sabihin, hindi lang ako sa dagat makakalangoy?” Naalala ni Maya ang turo ng kaniyang guro. Ang talon ay isang anyong-tubig na bumabagsak mula sa isang mataas na lugar. Blag! Blag! Blag! nakaramdam ng galak si Maya. Pangarap niyang makapaligo at makalangoy sa talon. “ ‘Nay, nakita mo ba ‘yung ahas?” Inilapit ni Nanay ang mga mata sa bintana. Kitang-kita niya ang pagkahaba-habang ahas—kumanan, kumaliwa hanggang sa matakpan ng ulap. “Ang galing ng mga mata mo a!” “Kaya lang ‘Nay, di ko malaman kung saan ang simula at dulo.” Tinapik ni Nanay ang anak. “Okey lang ‘yan. Mahirap talagang malaman ang puno't dulo ng ahas, este ilog dahil sumasalubong ito sa dagat. Kung minsan, dumidiretso ito sa talon.” DEPED COPY. Alright reserved, No part of ths material may be reproduced or transmitted in any form or by any means-— ‘electronic or mechanical including photocopying-without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016 Nag-anunsiyo ang eroplano na malapit na sila sa Davao. Nahawi na ang makakapal na vlap sa bintana ni Maya. “O, may nakita ka ba ulit?” bati ni Nanay. Tinuro ni Maya ang ibong lumilipad sa di kalayuan, “Agila po kaya ‘yon2” “Puwede,” sagot sa kaniya. “Puwede ring hindi. Sa kagubatan madalas nakatira ang mga agila. Baka ibang klase ng ibon iyon. Marami rin kasing naglalagi sa kapatagan.” Malapit nang makarating ang eroplano. Limang dipa, isang dipa, hanggang sa naramdaman ni Maya ang paggulong sa semento. Blag! Blag! Blag! May muling naramdaman si Maya sa loob niya. Hindi siya makahintay na bumaba. “O, kinakabahan ka pa rin ba, ‘nak? Nasa Davao na tayo.” “Ay, hindi na po. ‘Di ko na rin namalayan ang oras sa dami ng kuwento n'yo. ‘Nay, sasakay pa rin tayo sa eroplano pabalik sa ‘tin, ‘di ba?” tanong ni Maya habang pinaplano ang mga tatanawin mula sa bintana. Napangiti si Nanay sa narinig. DEPED copy. ved. No part of his material ma WELCOME TO DAVAO “Welcome to Davao!” bungad ni Tita Baby. “Marami kang puwedeng gawin dito.” “Opo, Tita. Gusto ko nang umakyat ng Bundok Apo, maligo sa talon, at humanap ng Haring Agila.” “Marami yata kayong napag-usapan sa eroplano,” sabi ni Tita Baby sabay tingin kay Nanay Mameng. “Huwag kang mag-alala. Tingnan natin kung mapapasyalan natin ang mga lugar na gusto mo.” Blag! Blag! Blag! Malakas ang talon ni Maya, sabik sa mga lugar na papasyalan niya. 10 DEPED coPY. lectronic or mech Skill Builder 2 I. Mga Elemento ng Kuwento Kompletuhin ang talahanayan ayon sa mga detalyeng nabasa ninyo sa aklat na “Si Maya sa Himpapawid.” Tagpuvan Saan nangyari ang kuwento? Mga Tavhan Sino-sino ang tauhan? Banghay ng Kuwento . Sumakay sina Nanay Ano-ano ang nangyari Mameng at Maya sa sa kuwento? eroplano. . Nakita ni Maya ang bulubundukin. : Sinalubong sila ni Tita Baby pagdating sa Davao. Il. Paghanap ng mga Salitang May Gitling Lagyan ng salungguhit ang mga salitang gumagamit ng gitling. Ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga salitang ito? . Nakakita si Maya ng ilog na pagkahaba-haba. . Kitang-kita niya ang mga kalabaw sa kapatagan. . Puwedeng-puwede kang lumangoy sa talon. . Tumalon-talon ang dibdib ni Maya. . Ano-ano ang mga bagay-bagay na nakita mo? DEPED COPY. Alright reserved, No part of ths material may be reproduced or transmitted in any form or by any means clectronie ot mechanical including photocopying without writen permission from the DepEd Central Offie, Second Edion, 2016 Unang Bahagi - Si Maya sa Davao RE RES Ost Binilang ni Nanay Mameng ang mga bag. “Okey, naka-empake na ang mga damit at baon. Meron pa ba akong nakalimutan?” Nagbigay ng thumbs up si Tita Baby. Tiningnan ni Maya ang mga supot ng pagkain. Bigla namang lumabas si Jun-Jun mula sa kusina, may dalang supot ng kendi. “Ma, isama natin ‘tong durian candy please.” Nakangiting tinago ni Tita Baby ang supot habang tumatawa naman si Nanay Mameng. ‘Di naitago ni Maya ang pagrolyo ng mata, “Hanggang sa beach, may durian pa rine” 12°: Samal Island daw ang papasyalan nila. Para makapunta sa isla, kailangang sumakay ng barko. Medyo malaki ang barkong sinakyan nila Maya. Napansin ni Maya na pinapatakbo ito ng motor, “ ‘Nay, aalis na ba tayo ng Davao? Hindi na tayo sasakay ng eroplano?” Hinaplos ni Nanay Mameng ang nagtatakang anak. “Bahagi pa rin ng Davao ang Samal, ‘nak. Itong iskang pupuntahan natin, medyo maliit at napapaligiran ng tubig. Ganun naman talaga ang mga isla ‘di ba?” Dagdag ni Tita Baby, “May malalaking isla gaya ng Luzon. Meron ding malliliit gaya ng Bohol. May sikat na isla din sa inyo, Maya. Dinadayo rin ng mga bakasyunista.” “Ang Panglao!” nakangiti niyang sagot. “Sa amin po sa Bohol, puwedeng magpakain ng mga isda at mag-swimming sa dagat.” DEPED copy. ved. No part of his material ma “Nakapunta ka na ba sa Samal Island?” tanong ni Maya sa tahimik na si Jun-Jun. “Isang beses lang,” mahinang sagot ni Jun-Jun sabay yuko ng Ulo. “Ano pa'ng puwedeng gawin doon bukod sa mag-swimming2” dagdag ni Maya. “Paborito ko kasing mag-swimming. Meron bang talon doon? Grabe, pangarap kong lumangoy sa talon! Kapag nag-swimming tayo, may kasama kaya tayong mga isda?” Ngiti lang ang naisagot ni Jun-Jun sa sunod-sunod na tanong ni Maya. “Alam mo ba gusto ko rin mag-swimming kasama sila. Ginagawa ko ‘yun sa ‘min sa Bohol. Puwede kang magpakain ng isda!" patuloy ni Maya. “Jun-Jun, gusto mo rin bang magpakain ng isda2” Hindi sigurado si Maya pero sa unang pagkakataon, parang ngumiti si Jun-Jun sa kaniya. 14: Mula sa barko, natanaw nila _ <= Maya na malapit na sila sa isla. — ~~ “O, mag-iingat kayo ha. Huwag masyadong lalayo,” bilin ni Nanay Mameng. Mula sa kanilang puwesto, kitang-kita nila Maya at Jun-Jun ang mga isda sa dagat. May kulay kahel, pula, puti, pilak, at meron ding malaki at malliit. Binuksan ni Maya ang isang supot ng baon, “Alin kaya dito ang puwedeng ipakain2” “Baka ‘yung pandesal, okey na,” nahihiyang sagot ni Jun-Jun. “Alam ko nal Itong durian candy kaya?” biro ni Maya. Naging simangot ang ngiti ni Jun-Jun. “Joke lang, ikaw naman, " sabi ni Maya sabay tapon ng unang piraso sa tubig. Nagsalitan ang dalawa sa pagpapakain habang pinapanood ang mga isda. “Alam mo kung saan pa mas marami at makukulay ang isda?" tanong ni Jun-Jun sa nagkibit balikat na si Maya. “Nakakita ka na ba ng bakawan, Maya?” Skill Builder 3 Pagsulat ng Brochure Ang brochure ay isang materyal na nagbibigay impormasyon. Madalas, gumagawa ng brochure upang magbigay impormasyon tungkol sa magagandang lugar at tanawin katulad ng Samal Island. Nais nina Jun-Jun at Maya na hikayatin ang mga turista na pumunta sa Samal Island. Gagawa sila ng brochure. Tulungan ninyo sila. Magaring punan ang brochure sa ibaba o gumawa ng sarili ninyong brochure. Tayo nang mamasyal sa Samal Island. Matatagpuan ito sa Maaaring sumakay sa papunta dito. Maraming puwedeng gawin sa Samal island, DEPED COPY. Allright reserved, No part ofthis material may be reproduced or transmitzed in any form or by any means— lectronic or mechanical including photocopying-—without written permission from the DepEd Central Offs. Second Edition, 2016 Ikalawang Bahagi Hindi pa rin nakakakita ng bakawan si Jun-Jun, pero ito ang pangarap niya. “Isipin mo, nabubuhay lang ang mga punong ‘yun sa magkahalong tubig asin at tubig tabang. Ang galing!” “E bakit maraming isda doon?” tanong ni Maya. “Doon gumagawa ng tirahan ang maraming isda at ibon. Sa mga bakawan din sila nakahahanap ng pagkain.” Dagdag pa ni Jun-Jun, “Maraming silbi sa atin ang bakawan. Puwede silang gawing uling at gamot. Nakakainis nga at maraming bakawan ang nasisira.” “Wow, ang dami mong alam sa mga puno,” tukso ni Maya. Namula si Jun-Jun at muling yumuko. DEPED COPY. All electronic oF mechan 14 oF transmitted in any form or by ary means— -om the DepEd Central Office. Second Edition, 2016 Pagdaong ng barko sa Samal Island, tumalon agad sa dagat ang dalawang mag-aaral. Lumangoy, kumain, gumawa ng kastilyong buhangin. Paulit-ulit ang ginawa nila Maya at Jun-Jun. “Gutom na ba kayong dalawa?” bati ni Tita Baby sa may buhanginan. “Ahon na kayo riyan,” dagdag ni Nanay Mameng. “ ‘Nay, puwede ba tayong pumunta doon,” tinuro ni Maya ang isang mataas na bukana. Paliwanag ni Nanay Mameng, “Kuweba ‘yan anak. Tingnan natin kung puwedeng bisitahin.” “May bakawan kaya roon? Gusto kasi ni Jun-Jun ng bakawan.” Natawa na lang si Nanay Mameng sa anak. 18 DEPED coPY. lectronic or mech “Alam mo ba kung sino'ng mahilig umakyat sa kung saan-saan? Ang Tita Baby mo!” kuwento ni Nanay Mameng habang sila ay kumakain. “Ay, paborito ko ang mga bulkan, iha,” hindi naitago ni Tita Baby ang tuwa. “Hindi ko makakalimutan ang pag-akyat ko sa Bulkang Mayon. Hay, nakapaligo pa ako sa bukal! Maligamgam ‘yung tubig at napakalinis!” “Sa bulkan po?” bilib na bilib si Maya sa narinig. “Hindi po ba delikado?” “Hindi naman lahat ng bulkan ay aktibo,” paliwanag ni Tita Baby. “Pero tama ka, dapat siguraduhin munang ligtas ang pupuntahan. Si Jun-Jun, lagi ko ‘yang sinasama sa mga hiking ko.” “Kaya ka siguro mahilig sa mga puno,”" sabi ni Maya at muling yumuko si Jun-Jun sa hiya. soe 19 Kinabukasan, maagang gumising sina Maya at Jun-Jun, sabik sa kanilang pupuntahan. Matagal-tagal silang naglakad bago nakapunta sa kuweba. “Medyo madilim dito,” naisip ni Maya. “Ingat sa paglakad, ha,” bilin ni Nanay Mameng. Tinitigan ni Maya ang mga batong tumubo sa kisame at sahig. “Stalactite ang tawag kapag sa taas tumubo ang bato. Stalagmife naman kapag nasa baba ito,” paliwanag ni Tita Baby. “S-sta-lac..” ulit ni Maya. “Stalactite at stalagmite,” diin ni Jun-Jun. Muling iniyuko ni Jun-Jun ang ulo, may dalawang paniki kasing lumipad malapit sa kaniyang buhok. 20 DEPED coPY. lectronic or mech served, No part ofthis mi lding photocopying—with ansmitted in any form or by “O, pagod na ba kayo?” tanong ni Tita Baby pagkatapos ng tour nila sa loob ng kuweba. “Handa na po kami sa susunod! Saan na po tayo ngayon?” abot-tenga ang ngiti ni Maya. Biglang may kumalam sa kaniyang sikmura. Natigilan ang lahat at napatingin sa kaniya. “Ay, pasensiya ‘nak, wala akong naihandang pagkain,” nakangiting paliwanag ni Nanay Mameng. “Meron akong durian candy,” alok ni Jun-Jun sabay abot sa buong supot. Kumuha si Maya ng isang piraso at pinindot ang ilong bago isinubo. “aoe DY] Skill Builder 4 |. Talasalitaan Punan ang patlang sa bawat pangungusap ng salitang napag-aralan. Piliin ang sagot sa mga salita sa loob ng kahon: maligamgam bukana bukal tubig-tabang kumalam ang sikmura . Maingat kaming pumasok sa madilim na ng kuweba. . ang tubig sa bukal kaya hindi ka giginawin sa paliligo roon. . Hindi maalat ang tubig sa ilog kasi ito. . Hindi nawawalan ng tubig sa . Galing sa ilalim ng lupa ang tubig dito. . Naalala kong hindi pala ako naghapunan kagabi nang ko. Il. Paggawa ng Ulat Maraming naibahagi si Jun-Jun tungkol sa bakawan. Magsulat ng talata na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa bakawan. Pagkatapos isulat ang talata, tingnan kung: * tama ang baybay ng mga salita, * may angkop na bantas sa hulihan ng mga pangungusap, nag-uumpisa sa malaking titik ang bawat pangungusap. Ang Bakawan DEPED COPY. Al rights reserved, No part of thi material may be reproduced or transmitted in any form or by any means slectronie oF mechaniea! Including photocopying —withoue writen permission from the DepEd Central Oe, Second Eton, 2016 BLO TU fea 3 Ill. Pagsulat ng Pakiusap Maraming silbi ang puno ng bakawan ngunit maraming pumuputol nito. Magsulat ng pakiusap upang mahinto ang pagputol ng puno ng bakawan. Pakiusap DEPED COPY. Al rights reserved. No part of ths material may be reproduced or transmitted in any form or by any means-— electronic or mechanical ining photocopying—without written permission from the DepEd Central Ofc. Second Esition, 2016 Skill Builder 5 Pakikipagtalastasan |. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbiyahe gamit ang barko o eroplano, alin ang pipiliin mo? Bakit ito ang iyong napili? ll. Kung bibisita ang iyong pamilya sa isang isla, ano-ano ang plano mong gawin? |paliwanag ang iyong sagot. DEPED COPY. Al rights reserved, No part of thi material may be reproduced or transmitted in any form or by any means slectronie oF mechaniea! Including photocopying —withoue writen permission from the DepEd Central Oe, Second Eton, 2016 DEPED-USAID’S BASA PILIPINAS Leveled Reader sa Filipino FROM THE AMERICAN PEOPLE (USAID

You might also like