You are on page 1of 3

MA. HANNA D.

BORAGAY

Bible Verse:

“For you were called to freedom, brothers. Only do not use your freedom as an opportunity for the
flesh, but through love serve one another.

- Galatians 5:13

Sa panahon ngayon, higit na kinakailangan ng mga kabataan ang pagtanggap mula sa mga taong
nakapaligid sa kanila. Laging hanap ang paglaya na magdududulot ng saya. Ngunit katulad ng paaalala ng
bersong aking napili, nangangailangan na ang paglayang hinahanap natin ay hindi magdadala sa atin sa
kasalanan. Ang kalayaan ay may katumbas na responsibilidad na dapat nating panagutan. Kung kaya,
marapat lamang na pag isipan ang bawat desisyon at aksyon na ating gagawin.

Ayon sa liham na isinulat ni Pope Francis para sa mga kabataan “Young people need to have freedom
respected yet they also need to be accompanied.” Kailangan ng mga kabataan ang gabay mula sa
komunidad lalo’t higit sa kanilang pamilya. Bilang isang kabataan na lumaki sa pangangalaga ng mga
Salesyano, masasabi ko na parte na ang simbahan ng aking pamilya. Sila ay may malaking ambag hindi
lamang sa pag hubog ng aming pagkatao kundi pati na rin sa aming paniniwala. Sa tulong ng simbahan
kami ay nakadama ng saya, pagtanggap, at pagmamahal na naglalayo sa amin sa ano mang
kapahamakan. Ang poster na aking ginawa ay naghahatid ng isang paalaala, na hindi masamang makinig
sa paaalala at tagu-bilin ng mga taong nakapaligid sa atin. Marahil and kanilang mga salita at advice ay
paraan nila upang hayaan tayong matamasa ang kalayaan na makapili ng mas makabubuti saatin.
ANGELICA SALVADOR

PSALM 23:4 

Even though I walk through the darkest valley, I will no fear no evil, for you are with me; your rod and
your staff, they comfort me. 

EXPLANATION (POSTER) : 

Ipinapahiwatig ng aking poster ang isang madilim na lugar at isang daan. Daang patungo sa tamang
paroroonan, ngunit kahit na ito ang tamang daan hindi ibig sabihin wala kang madadaanang pagsubok at
magagawang kamalian. 

Inirerepresenta ng tungkod ang daaranan ng mga manlalakbay, ang tungkod na ito ang gagabay at
magpoprotekta sa mga taong nais maglakbay patungo sa kapayapaan ng Diyos. Ito ang magsisilbi nilang
sandata panlaban sa kahit anong panlilinlang ng demonyo.

Ang madilim na lugar na ito ay naglalaman ng mga pagsubok at ang mga kasalanan. Mga paanyaya ng
demonyo sa sinumang manlalakbay. Ngunit kung kanilang susundan ang daang ibinigay ng Diyos at
ginamit ang kaniyang tungkod, makakayanan nilang lagpasan ang lahat ng ito at makakamit nila ang
kanilang minimithing kapayapaan.
KANE LANDRAY OTERO

BIBLE VERSE: PSALM 199-190


Salita mo'y ilawan sa aking paa, at liwanag sa aking landas

Paliwanag:
Ang salita ng Diyos ay gabay patungo sa magandang kinabukasan at kapayapaan ng mundo. Pinagkakaisa
tayo ng salita ng Diyos.

TOGETHER WITH THE LORD, WE LIVE IN PEACE AND BETTER WORLD .

You might also like