You are on page 1of 5

Nagmahal, nagturo.

Nagsilbing inspirasyon,
Mga responsableng tao’y kanyang nabuo…

Dahil siya’y isang guro, sa mga mag-aaral ay may


malaking puso
Tumayong ina at Guidance Counselor ang guro
Buong buhay nito iniukol sa pagtuturo.
Tumandang dalaga ang guro.

Kaya’t sa araw ng mga Puso, walang kaparis ang puso


ng guro.
Nagpasyang magliwaliw sa Mall na bagong patayo.
Naglakad-lakad at biglang may nabunggo,
Isang lalaking matipuno at bihis-edukado.
Nagulat, lumingon at biglang yumakap sa guro.
Nagpakilalang dating estudyante nito at isa nang
Inhinyero.
Natuwa ang guro at nagpasyang makipagkuwentuhan
sa inhinyero.
Kakain sa isang resto at nag-order ng pansit at puto.
Dumating ang order ng inhinyero at ng guro
Iniabot ito ng nakangiting may-ari ng resto
Humalik sa guro at nakipagkamay sa inhinyero
Nagpakilala at sinabing “Mam, agriculturist na po
ako.”

Nagkuwento at sinabing pagmamay-ari ng


agriculturist ang resto
At ang pagkaing iniabot sa guro at inhinyero ay bunga
ng pagpupunyagi nito.
Natuwa ang guro sa tagumpay ng agriculturist na
kaharap nito
Nakiupo ang agriculturist at nakipagkuwentuhan din
sa mga ito.

Sa lakas ng boses at kasabikan ng mga agriculturist,


inhinyero at guro
Tumayo ang isang kustomer sa katabing mesa ng mga
ito
Lumapit sa agriculturist, inhinyero at guro
Agad ding nagpakilala at sinabing estudyante rin siya
ng guro
At sinabing “Salamat din po mam, Accountant na rin
po ako.
At ang lahat ay dahil po sa inyo, aming inspirasyong
guro.”

Lumingon ang accountant at tinawag ang kasama


nito
Ngiting-ngiti rin ang tumayo at lumapit sa
kinaroroonan ng mga ito
Halatang-halata na ang papalapit ay isang doktor,
dahil sa suot na puti nito
Agad yumakap at humalik sa guro.
Nang biglang nagkagulo sa resto
Hinimatay ang babae at isang lalaki ang sumalo
Ang doktor at ang agriculturist ay agad sumaklolo
Nagpag-alamang buntis pala ito at ang lalaking
sumalo ay asawa nito
Tumulong na rin ang accountant at ang inhinyero.
Salamat naman at nahimasmasan na rin ito.
Binalikan ng accountant, agriculturist, doktor at
inhinyero
Ang matamang nagmamasid na nagpupunyaging
dating guro
`Tuwang-tuwa ito dahil kabahagi siya sa pagkakabuo
ng mga ito
Dating estudyante lamang ngunit ngayo’y ganap na
mga ehemplo.

Sabay-sabay na lumapit ang accountant, agriculturist,


doktor at inhinyero
Sa kanilang guro ay humarap at nagsabing,
“Mahal naming guro, kami ngayo’y isang ganap na
doktor, agriculturist, accountant at inhinyero
Dahil kayo ang dahilan ng lahat ng ito
Kayo na tumayong pangalawang magulang na totoo
Hindi lang kayo isang ordinaryong guro
Kundi isang inspirayong bumuo sa aming buong
pagkatao.
Salamat po Mahal naming guro.”

You might also like