Professional Documents
Culture Documents
gagandahan. Ang kanilang mga kanayon ay lubhang nagtataka kung bakit mamula-mula
ang kutis nga magkakapatid at manilaw-nilaw naman ang mahahaba nilang buhok, gayong
mula pagkabata ay katulong na sila sa mga gawaing bukid ng kanilang ama na si Ramon.
Hindi iniinda ng magkakapatid na Lala, Dada at Sasa ang nakapapasong init ng araw
sapagkat ito ay nagpapakinis pa nga ng kanilang kutis.
Namamangha at nananaghili sa ganda ng magkakapatid ang mga dalaga sa kanilang
nayon. Humahanga at lihim namang umiibig ang maraming kabinataan sa tatlong dalaga.
Ang kabaitan at kasipagan ng mga anak nina Tarcila at Ramon ay puring-puri ng mga
kanayon, at dahil sila’y anak ng magbubukid kaya binansagan nila ang magkakapatid ng
“mga dalagang-bukid”.
Kung mababatid lang ng mga tagaroon ang katotohanan, marahil hindi na sila magtataka
kung bakit namumukod-tangi ang kagandahan nina Lala, Dada at Sasa. Lingid sa lahat, si
Tarcila ay isang diwata. Nang umibig siya sa taga-lupang si Ramon, ang kanyang pagka-
diwata’y tinalikdan niyang lubos upang mamuhay bilang ganap na tao. Bagama’t nawalan
ng kapangyarihan ay naging maligaya naman ito sa piling ni Ramon at ng kanilang mga
anak.
Subalit ang mapayapa at matiwasay na pamumuhay ng mga taga-nayon ay biglang
binulabog ng masasamang-loob. Nahintakutan ang lahat at hindi magawang lumaban sa
magbabagsik na tulisang-dagat. Nilimas ang kanilang kabuhayan at sapilitang dinala sa
tabing dagat ang kadalagahang napili. Kabilang na roon sina Lala, Dada at Sasa. Habang
hinihintay ang bangkang sasakyan ng mga bihag upang makarating sa sasakyang-dagat na
nasa laot ay walang tigil ang pag-iiyakan at pagmamakaawa ng mga ina.
Tanging si Tarcila lang ang walang imik ngunit malalim ang iniisip. Bagama’t walang
kapangyarihan ay nagsikap pa rin itong makipag-ugnayan sa dati niyang daigdig…
sukdulang hininga niya ay mapatid, mailigtas lamang ang mga mahal na anak gayundin ang
nayon na kanya ngayong tahanan! Hindi naman nabigo ang dating diwata sapagkat ang
nawalang kapangyarihan ay muling ibinalik sa kanya.
Sa pamamagitan ng isip ay pinaglagablab ni Tarcila ang barko ng mga pirata. Sa bilis ng
pangyayari, ang mga tulisan naman ngayon ang nasindak at sa pagsabog ng mga bala na
nakasabit sa kanilang katawan, sila ay naubos nang wala namang kalaban. Ngunit isang
sugatang pirata ang nagkaroon pa ng pagkakataong mamaril bago ito binawian ng buhay.
Sa kasawiang-palad ay tinamaan ang magkakapatid at agaw-buhay na bumagsak sa tubig.
Napasigaw ang naghihnagpis na ina! Hindi nito maatim ang nakikitang paghihingalo ng mga
anak. Bilang diwata ay wala siyang kapangyarihang magdugtong ng buhay, datapuwa ang
magbigay ng panibagong buhay sa bagong anyo ay kanyang magagawa. Tumingin muna si
Tarcila sa asawa at…
Ito ang dahilan kung bakit nasa dagat ang mga “dalagang-bukid”.