You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Nueva Ecija


Bayan ng Santa Rosa
Barangay Aguinaldo

BARANGAY ORDINANSA BILANG _____________ SERYE ____________

KAUTUSANG MAGKAROON NG CURFEW FOR MINORS SA NASASAKUPAN NG BARANGAY


AGUINALDO

DITO ITINATAG NG SANGGUNIANG BARANGAY AGUINALDO


Seksiyon 1. Sa lahat ng mga batang edad 18 taong gulang pababa ay pinagbabawal ng makita sa
langsangan sa oras na 10:00 PM to 4:00 AM.

Seksiyon 2. Bawal narin ang minors sa computer shop simulan alas 9:00 ng gabi.
Seksiyon 3. Ang lahat ng minor de edad ay inuutusang igalang nasabing kautusan upang
maiwasang ang kaparusahang maaaring maipataw sa kanila.

Seksiyon 4. Sa mga nahuling minor de edad ay maaaring ipatawag ang mga magulang upang
maipagbigay alam sa kanila na may ipanapatupad ang Sanguniang Baranggay na Kautusang Curfew for
Minors.

MGA PAGLABAG:
Una: Kakausapin ang mga magulang.
Pangalawa: Dalhin sa Barangay Hall ang bata kasama ng magulang upang magkaroon ng “short
counselling”.
Pangatlo: Ipadala sa Police Station.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Nueva Ecija
Bayan ng Santa Rosa
Barangay Aguinaldo

BARANGAY ORDINANSA BILANG _____________ SERYE ____________

KAUTUSANG BAWALIN ANG MAIINGAY NA MUFFLER O TAMBUTSO NG MOTORSIKLO

DITO ITINATAG NG SANGGUNIANG BARANGAY AGUINALDO


Seksiyon 1. Ang lahat ng uri motorsiklo ay ipinag-uutos sa bawalin kung ito ay may maingay na
muffler o tambutso.
Seksyon 2. Sa sinumang lumabag sa nasabing kautusan at mahuli ay agad kumpiskahin at
baklasin ang tambutso ng kanyang motorsiklo.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Nueva Ecija
Bayan ng Santa Rosa
Barangay Aguinaldo

BARANGAY ORDINANSA BILANG _____________ SERYE ____________

KAUTUSANG PAGBABAWAL SA MGA ALPAS NA ASO O ANUMANG HAYOP

DITO ITINATAG NG SANGGUNIANG BARANGAY AGUINALDO


Seksiyon 1. Sa mga mahuhuling di tumutupad sa nasabing kautusan ay maaaring kausapin at
italakay ang ipinapatupad na kautusan.
Seksiyon 2. At kung mangyaring makakakagat ang mga alagang Aso o anumang hayop ay
tungkulin na may-ari ang pagpapagamot sa naging biktima ng kanilang mga alaga.
Seksiyon 3. Sa mga Aso o anumang hayop na makitaan damputin upang maiwasang makapang-
biktima ng mamamayan ng ating Barangay

MGA PAGLABAG:
Una: Pakiusapan ang may-ari ng aso na “Aso mo itali mo”
Pangalawa: Penalty of P500.00
Pangatlo: Penalty of P1000.00
Pangapat: Kumpiskahin ang hayop o aso
.

You might also like