You are on page 1of 11

NEW BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

New Bataan,
Davao de Oro
Junior High
School
Department

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


(Grade 8)

I. Layunin

Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

a. matutukoy ang mga mahalagang kontribusiyon ng Kabihasnang India;


b. maipaliwanag at maiugnay ang kahalagahan ng bawat kontribusyon sa pag-
unlad;
c. magbigay pagpapahalaga sa pag-aaral sa mga sinaunang pangyayari.

II. Paksang Aralin

Paksa: Kabihasnan sa India

Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig


Augusto V. de Viana (pahina)

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Markers, at Manila Paper

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga kontribusiyon ng sinaunang kabihasnang


India sa kaunlaran ng kasalukuyan.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Bata

“Magandang umaga po ma’am.”


“Magandang umaga sa lahat.”

“Magsitayo tayong lahat para sa NBNHS Prayer


panalangin.” (Pipili ng isang mag-aaral
para manguna sa panalangin) “Our Great and Almighty Father, we thank
you so much for the gift of life in which we
have enjoyed. The good health and even
for our presence here in school. Lord, we
pray that you will bless everyone of us.
Give us heavenly wisdom and open minds
to understand our lessons. And help us to
be participative and cooperative to the
activity presented by our teachers to
enhance learning. And bless also our dear
teachers who desired to be a channel in
molding our young minds and hearts to
have a bright future. This all we ask with
so much gratitude in our hearts. In the
name of Jesus, our Lord and Savior.
Amen.”

“Bago kayo umupo sa inyong mga upuan,


pakisuyong ayusin ito at pulutin ang mga
ano mang basura na inyong makita.”

Suriin ang pagdalo ng mga mag-aaral.

Repasohin ang nakaraang aralin.

“Bilang pagsisimula ng ating klase “Kahapon po ay tinalakay natin ang


ngayong umaga, magrepaso muna tayo. tungkol sa kabihasnan sa Mesopotamia.”
Patungkol saan ang ating tinalakay
kahapon?”

“Oo, ano ba ang meron sa kabihasnan sa “Ang mesopotamia po ay nagmula sa


Mesopotamia?” salitang Griyego na ang kahulugan ay
lupain sa pagitan ng mga ilog.”

“Tama, Magaling! Base sa inyong “Ang kauna – unahang sistema ng


natutunan, ano ang mahalagang pagsulat po.”
kontribusiyon ng Mesopotamia?”

“Mahusay, ano naman ang tawag sa “Cunieform po.”


sistemang ito?”

“Mahusay!”

B. Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng Bata

“Ngayon may ipapakita akong larawan sa


inyo. Ito ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin ngayon.”

“Mapa at ilog po ma’am”


“Ano ang inyong nakita sa mga larawan?
Itaas ang kamay sa gustong sumagot.”

“Okay salamat. Sa inyong pananaw, “Opo!”


mayroon bang malaking kahalagahan ang
ilog satin?”
“Dahil ito ay nagsilsilbing patubig sa
“Bakit mahalaga ang ilog?” mga pananim.”

“Karamihan din sa mga tao po ay dito


naglalaba at naliligo.”

“Mahusay! Lahat kayo ay tama, mahalaga


ang ilog sapagkat simula pa noong unang
panahon, ang ilog ang nagsisilbing
pangunahing pinagkukunan ng
pangangailangan ng mga tao.”

“Ngayon ang tutungo na tayo sa ating


bagong tatalakayin.”

C. Paglalahad/Talakayan

Gawain ng Guro Gawain ng Bata

Gawain:
“Ngayon sa pagsisimula na atong bagong
talakayan, hatiin natin ang buong klase sa
apat na grupo.”
(presentasyon ng mga mag-aaral)
“Makinig ng mabuti sa panuto. Ang bawat
grupo ay magpepresenta ng kahit anong
gawain na inyong naoserba sa inyong
komunidad kung saan ipinapakita ang
kahalagahan ng ilog sa tao. Bibigyan ko
kayo ng limang (5) minuto para
maghanda.”

Pagsusuri:
“Nakakatuwa po dahil lahat kami ay
“Ano ang inyong masasabi sa ginawa nakilahok.”
ninyong presentasyon?”

“Mabuti! Ngunit ano naman sa tingin niyo “Sa tingin ko po ay tatalakayin natin
ang koneksiyon ng ginawa niyong ang mga kahalagahang ginampanan
aktibidad sa tatalakayin natin ngayon?” ng ilog mula pa noong sinaunang
panahon.”
“Oo maari rin. Maraming salamat sa
inyong mga sagot. Ngayon ay
magpatuloy na tayo sa ating talakayan.”

Abstraksyon:

Kabihasnan sa India

“Ngayon tatalakayin natin ang


kabihasanan sa India.”

- Sa hilagang bahagi ng sub-


kontinente ng India sumibol ang
isang kabihasnan na matatagpuan
sa lambak-ilog ng Indus.

“Para sa inyo, ano ba ang ibig sabihin “Sa aking palagay po ang kabihasnan
kabihasnan?” ay tumutukoy sa isang maunlad na
lugar.”
“Tama! Salamat sa mahusay na sagot.
Meron pa bang ibang ideya?” “Para din po sa akin ito ay tumutukoy
sa proseso ng pag unlad.”
“Oo tama, salamat sa inyong mga
mahuhusay na sagot. Ang
salitang kabihasnan ay ang proseso kung
saan ang isang lipunan o lugar ay umabot
sa isang advanced na yugto ng pag-unlad “Opo ma’am”
at organisasyon ng lipunan at kultura.
Ang ibig sabihin nito ay may mga batas,
kultura, isang regular na paraan ng
pagkuha ng pagkain at pagprotekta sa
mga tao.  Ang isang lugar ay nagsasalita
sila ng isang karaniwang wika, at
kadalasan ay may isang uri ng relihiyon.
Itinuturo nila sa kanilang kabataan ang
kaalaman na kailangan nila. Naintindihan
ba ang ibig sabihin ng kabihasnan?”

- Sa hilaga ng lambak-ilog ay
nakapaligid ang bulubundukin ng
Hindu Kush, Karakoram, at
Himalayas na pinagmumulan ng
tubig ng ilog.

Hindu Kush
Karakoram

Himalayas

Noong 2500 BC, naglatag naman ang


mga taga-Indus ng mga lungsod na gawa
sa laryo. Tinatayag umabot sa mahigit
100 mga lungsod ang matatagpuan sa
pampang in ilog. Ang mgapinakamalaking
lungsod ay ang Kalibangan, Mojendo-
Daro, at Harappa.

Kalibangan

Mojendo-Daro
Harappa

Nakasalaysay sa agrikultura ang


kabuhayan ng mga tao. Ang mga
pangunahin nilang produkto ay trigo,
barley, palay, at bulak. Nag-aalaga rin sila
ng mga kambing, tupa, kalabaw, at
elepante. Mayroon ding naganap na
kalakalan sa pagitan ng mga taga-Indus
at ng taga-Mesopotamia na ikinakalakal
ang mga metal at brilyante kapalit ang
mga ivory at ibang mga kasangkapan na
mula sa Indus.
“Opo”
“Sa kasalukuyan ba ay makikita pa natin
ang ganitong sistema?”
“katulad dati, ngayon meron paring
“Sa inyong sariling opinyon, sa anong sistema ng pangangalakal kung saan
paraan ang ganitong sistema ipinagpapalit ang ating produkto sa
nakakatulong sa pag-unlad sa ibang bansa at nagkakaroon ng
kasalukuyan?” malaking kita ang isang bansa.”

“Tama, Mahusay!”

Trigo
Barley

Bulak

Ang katangi-tangi sa kabihasnan ng mga


taga-Indus ay ang pagsasaayos ng
kanilang lungsod. Nakalatag ang kanilang
mga gusali sa planong grid system
kungsaan nahahti ng mga kalsada ang
buong lungsod at nagkakaroon ng mga
bloke ng lupain na pagtatayuan ng mga
tahanan at ibang estruktura. Ang mga
tahanan ay may pare-parehong sukat at
may taas na isang palapag lamang.
Walang bintanang nakaharap sa kalsada
bagkus ay may courtyard sa loob ng mga
tahanan.

Grid System

Itinuturing na nauna ang mga taga-Indus


sa paglikha ng sistema ng maayos ng
mga daluyan at kanal na naglalabas ng
maruming tubig mula sa mga tahanan.
Patunay lamang na mayroong isang
matatag at sentralisadong pamahalaan
ang mga taga-Indus na makapagplano at
makapagpatupad ng isang lungsod na
pinahahalagahan ang kalinisan.

“Hanggang sa kasalukuyan ba ay “Opo”


napakikinabangan natin ang sistemang
ito?”
“Sa inyong palagay, bakit masasabing “Dahil patunay lamang po ito na may
maunlad ang isang lugar kapag may maayos na pamamahala sa isang
maayos na daluyan ng tubig ang isa lugar.”
lugar?”

“Oo tama, Magaling!”

“Halimbawa, sa kasalukuyan, kung wala “Posible pong magkaroon ng pollution


tayong maayos na daluyan ng tubig, ano sa tubig.”
ang mangyayari?”

“Oo tama. Kaya ano ang konklusiyon “Mahalaga para sa isang lugar na
natin dito?” magkaroon ng maayos na plano para
sa lungsod kung saan dapat ang
bawat bahay ang dapat mag maayos
na daluyan ng tubig o kanal po.”
“Oo tama, mahusay!”

Ang mga Aryano ang nagpasimula ng


sistemang kasta (Caste System) na ang
layunin ay ihiwalay ang mapuputi at
matatangkad na Aryano sa mga nasakop
nilang Drabidyano na maiitim ang kulay.
Sa simula, nahati lamang sa tatlo ang uri
ng mga tao sa lipunang Aryano: ang mga
Brahmin, na binubuo ng kaparian; ang
mga Kshatriyas, na binubuo ng pinuno at
mandirigma; at ang mga Vaishyas, na
binubuo ng mga mangangalakal at
magsasaka. Kalaunan, nabuo ang
ikapapat na antas ng lipunan na
tinatawag ng mga Shudras. Kabilang sa
pagkat na ito ang mga lshing hindi
Aryano.

Samantala, itinuring namang hindi


kabilang sa kasta ang mga dalit o
tinatawag na mga untouchable. Kabilang
dito ang mga mamamayan na mayroong
hindi malinis na trabaho tulad ng pagiging
matador, basurero, at sepulturero.

“Ano sa tingin niyo ang epekto ng “Maari pong magkakaroon ng


ganitong sistema sa ating lipunan?” diskriminasyon sa isang lipunan.”

“Tama. Sa inyong palagay, may mabuti “Sa aking tingin po ay mas mabigat
ba itong naidudulot sa komunidad o ang hindi magandang naidudulot nito
lipunan?” dahil pwedeng magiging bababa ang
tingin ng isang tao sa kanyang sarili.”
“Okay, salamat sa inyong mga sagot at
opinyon.”

Aplikasyon:

Gawain: (By group)

“Pumunta kayo sa inyong mga kagrupo,


bawat grupo ay dapat na magkasundo sa
pagpili ng isang kontribusiyon ng
Kabihasnan ng India at ipresenta ito sa
pamamgitan ng pagguhit. Bawat
myembro ng grupo ay dapat tumulong sa
paggawa ng konsepto. Pumili ng isa o
dalawang represetante ng grupo na
magpapaliwanag sa kanilang output. Sa
pagpapaliwanag, dapat ikonsidera ang
kahalagahan ng kontribusiyon sa pag-
unlad ng komunidad sa sinaunang
panahon at sa kasalukuyan. Bibigyan ang (Presentasyon ng mga mag-aaral)
bawat grupo ng sampung minuto (10)
para sa preparasyon.”

Rubriks:

Nilalaman/Mensahe – 30 puntos
Pagkamalikhain – 10 puntos
Partsipasyon at pagkakaisa – 10 puntos

Kabuuan = 50 puntos

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
kalahating papel (1/2 sheet of paper).

1.) Ano ang naging kontribusiyon ng Kabihasnang India sa larangan ng


agrikultura? Ipaliwanag.
2.) Paano naging katangi-tangi ang pagpaplano ng mga lungsod sa Indus?
3.) Ibigay ang mga antas ng tao sa lipunan na binuo ng mga Aryano at
ipaliwanag kung ano ang epekto nito sa lipunan.
4.) Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalaga ang pag-aralan ang kasaysayan?

V. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa Relihiyon at mga Imperyo sa kabihasnang India. Isulat


ang sagot sa isang buong papel (1whole sheet of paper).

Prepared by:

Jelie B. Sumampong
BSEd Social Studies III

You might also like