You are on page 1of 44

BANAL NA MI SA AT

RITO NG PAGBUBUKAS NG
PINTUAN NG JUBILEO
PAROKYA NG SAN ILDEFONSO NG TOLEDO
Poblacion, Guiguinto, Bulacan

Mayo 29, 2021 (Sabado) | 8:00 n.u.

Punong Tagapagdiwang:
REBERENDO PADRE RUFINO SULIT
Bikaryo Foraneo, Bikarya ng Santiago Apostol-Plaridel
RITO NG MARINGAL NA PAGBUBUKAS NG
PINTUAN NG HUBILEO
Ang Banal na Pintuan ay mapapalamutian ng mga bulaklak at maaaring pahiran ng pabango sa
paligid nito.

Ang Tagapagdiwang, mga pari at diyakono ay magsusuot ng kulay puti na kasuotan at tutungo sa
lugar kung saan natitipon ang mga tao. Sa halip na kasulya, ang Tagapagdiwang ay maaring
magsuot ng kapa na tatanggalin niya pagdating sa harapan ng dambana.

Habang tumutungo ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod sa lugar na inihanda para sa


kanila aawit ng isang angkop na awitin.

Haharap sa mga tao ang Tagapagdiwang at ihahayag:

Tagapagdiwang: Sa Ngalan ng Ama  at ng Anak


at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Babatiin niya ang mga tao sa ganitong paraan:

Tagapagdiwang: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Aanyayahan ng Tagapagdiwang ang mga tao na papurihan ang Diyos:

Tagapagdiwang: Papuri sa iyo,


Amang tumawag sa amin
mula sa kadiliman
tungo sa kaliwanagan.
Bayan: Ang iyong pagmamahal, kailanma’y nananatili.
Tagapagdiwang: Papuri sa iyo,
Panginoong makapangyarihan,
dakila at banal,
nararapat na purihin,
gawa mo’y kahanga-hanga.
Bayan: Ang iyong pagmamahal, kailanma’y nananatili.

Tagapagdiwang: Papuri sa iyo, Panginoon,


maibiging Ama ng lahat,
sakop mo ang lahat
at ika’y sumasalahat.
Bayan: Ang iyong pagmamahal, kailanma’y nananatili.

PANANALITA
Tagapagdiwang:

Minamahal kong mga kapatid,


taglay ang mga matang nakatuon kay Hesus na muling nabuhay
ang dakila at totoong tanda
ng pagmamahal ng Ama para sa atin,
sinisimulan natin ang Taon ng Hubileo
ng ika-limandaang (500) Taon ng Kristiyanismo sa ating bansa.

Bilang pakikiisa sa iba pang Simbahan sa ating bansa,


ang ating pagtitipon
ay tanda ng maringal na pagsisimula ng Taon ng Hubileo
sa ating lokal na Simbahan;
simula ito nang mas malalim na karanasan
ng biyaya at pakikipagkasundo
na magiging katangian ng taong ito.
May kagalakan tayong makikinig sa Ebanghelyo ng kaligtasan
na patuloy na inihahayag ng Panginoong Hesukristo sa mundo,
siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
nag-aanyaya sa ating magalak sa kanyang pag-ibig:
ang pag-ibig na muli't muling inihahayag
sa bawat nilalang sa daigdig.

Pagkatapos ng pananalita, ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong makibahagi kami
sa hiwaga ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng iyong anak.
Pinalakas ng pagiging inampong-anak,
lagi nawa kaming tumahak
sa pinanibagong buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
MABUTING BALITA Mateo 28:18-20

Diyakono: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Diyakono: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon

Noong panahong iyon,


ang labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea,
sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus.
Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila,
bagamat may ilang nag-alinlangan.
Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila,
“Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
Kaya, humayo kayo at gawin ninyo alagad ko ang lahat ng bansa.
Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak
at ng Espiritu Santo,
at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.
Tandaan ninyo:
ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

Matapos ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, magkakaroon ng maikling katahimikan.


PAGBASA NG DEKRETO NG PAGHIRANG
BILANG SIMBAHANG PANGHUBILEO
Isusunod ang pagpapahayag ng Dekreto na humihirang sa Simbahan ni San Ildefonso ng Toledo
bilang Simbahang Panghubileo.

DEKRETO NG PAGHIRANG BILANG SIMBAHANG PANGHUBILEO


Pagpapasinaya sa mga Panandang Pangkasaysayan:
I. Paglulunsad at Pamparokyang Pagdiriwang ng Ikalimandaang Taon ng
Pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas
Pagpapasinaya sa mga Panandang Pangkasaysayan:
II. PORTA SANCTA: Taon ng Jubileo sa Ikalimandaang Taon ng
Pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas
PAGPASOK SA SIMBAHAN NG HUBILEO
Ang Tagapagdiwang ay lalapit sa harapan ng pintuan at ipapahayag:

Tagapagdiwang:
Ang mga pintuan ng banal na templo’y
inyo ngayong buksan,
ako ay papasok,
at itong Panginoon ay papupurihan.
Bubuksan ng Tagapagdiwang ang mga pintuan, matapos ay kanyang ipapahayag:

Ito yaong pintong pasukan ng Panginoon:


halina’t dito’y tumuloy
nang magkamit ng awa at kaligtasan.
Luluhod ang Tagapagdiwang sa bukana nito upang tahimik na manalangin.

PAGTAWID SA BANAL NA PINTUAN


Hawak ang Aklat ng Mabuting Balita tatawid ang Tagapagdiwang sa Banal na Pintuan at
paroroon sa itinakdang lugar upang maghanda para sa Banal na Misa.

PAGPAPATUNOG NG MGA KAMPANA


Habang tumatawid ang Tagapagdiwang sa Banal na Pintuan patutunugin ang mga kampana
hudyat at paanyaya sa lahat na pumasok na sa Simbahang PangHubileo habang inaawit ang
Himno para 500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Hanay ng Prusisyon papasok sa Simbahan:


1. Kinatawan mula sa Pamahalaang Bayan at mga Panauhing Pandangal
2. Kinatawan mula sa Sangguniang Pastoral ng Parokya
3. Mga Tagapaglingkod sa Altar
4. Mga Pari
5. Punong Tagapagdiwang
“LIVE CHRIST, SHARE CHRIST”
(Theme Song for the 500 years of Christianity in the Philippines)
Music by: Ryan Cayabyab and Lyrics by: Archbishop Socrates Villegas

We are blessed
Blessed a hundred fold!
The cross of Jesus Christ in our holy shores
is now five hundred years!
Awesome to behold!
He has made us all new, we belong to his fold!

The gospel is our blessing but also our mission


to the poor and the children we bring his salvation
to the rest of the world his message of compassion
to all of humanity his challenge of conversion

We are blessed, we are loved


We are called, we are sent
We will teach, we will serve
We are Christ's, we are Church!

Five hundred years of jubilee


Five hundred years of blessings
Five hundred years of graces unto life everlasting!

San Lorenzo Ruiz, San Pedro Calungsod


All holy Filipinos bring to the Good Lord
our praise and gratitude, our offering of love,
our pledge to be faithful to the last drop of blood.

We are blessed, we are loved


We are called, we are sent
We will teach, we will serve
We are Christ's, we are Church!

Five hundred years of jubilee


Five hundred years of blessings
Five hundred years of graces unto life everlasting!

Pagsapit ng Obispo sa dambana, magbibigay-galang siya sa dambana, iinsensuhan ito at ang


krusipiho, at paroroon sa kanyang upuan. Itutuloy ang Misa sa bahagi ng Papuri sa Diyos.
PAPURI SA DIYOS

Pari: Gloria in excelsis Deo...


Aawitin ang Papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri Ka namin,
dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka namin
pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa Ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang O Hesukristo, ang Kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
Pambungad: Mga Gawa 1, 14 Ngayon ay kaisa natin
mga alagad na giliw
mat’yagang dumadalangin
Mahal na Birhe’y kapiling
sa pagdalanging taimtim.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo.


sandaling katahimikan

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang nagdudulot ng tanang pagdamay at kasiyahan.
Ang Anak mong nakabayubay noon sa krus na banal
ay nagbigay ng kanyang Ina upang maging Ina naming tanan.
Ipagkaloob mo pakundangan sa Inang mapagmahal
na ang iyong Sambayanan ay magalak araw-araw
sa ibayong kabanalang kinakamit ng mga kaanib mong isinilang
upang sa kandungan nito ay maakit ang sangkatauhan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Pahayag 11, 19a; 12, 1-6a. 10ab


Lumitaw sa langit ang isang
kagila-gilalas na tanda.

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Pahayag.

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng


Tipan. Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na
tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang
ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na
siyang manganak kaya’t napapasigaw siya sa matinding sakit at hirap.

Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na


napakalaki. Ito’y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang
bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga
bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo
siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang
sanggol sa sandaling ito’y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol
na lalaki. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos sa kanyang
trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa
pamamagitan ng kamay na bakaI. Ang babae naman ay tumakas patungo
sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na


nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya
ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang
kanyang karapatan!”

Ang Salita ng Diyos.

-Salamat sa Diyos
SALMONG TUGUNAN 1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd
(Tugon: 1a)

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas,


pinupuri kitang wagas.

Pinupuri ko kayo, Poon,


dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,


at pinalalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman
ay nagpapaupa para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak.

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang


magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin.
Maaari ring ibaba o itaas.

ALELUYA Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Lucas 1, 26-38
Ikaw ay maglilihi at manganganak ng lalaki.

Diyakono: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At Sumaiyo rin.

Diyakono: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.


Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon

Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa


Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y
nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David.
Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa
ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang
Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip
niyang Mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng
anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng
Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at
siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak
ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng
kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob
magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”
“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka
ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo
at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamaganak na
si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng
kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang
pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”
Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin
ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

HOMILIYA
PAGSARIWA
SA MGA PANGAKO SA PAGBIBINYAG
PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA PAGBIBINYAG
Ang lahat ng mga tao ay tatayo at gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag.

Tagapagdiwang:

Mga Kapatid,
Pinasasalamatan natin ang Panginoon
sa kaloob na pananampalataya sa mamamayan ng ating bansa.
Nililingon natin nang may pasasalamat
ang pagpupunla ng pananampalataya sa ating lupain,
limandaang taon na ang nakalilipas.
Ipagdasal nating lumago ito
hanggang maabot natin kung ano ang nararapat
sa kaluwalhatian ng Diyos.

Sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay ni Kristo,


tayo’y nalibing kasama Niya noong tayo’y binyagan
upang kasama rin Niya tayo’y makabangon
at makapagbagong-buhay,
kaya’t sariwain natin ngayon ang ating pangako
sa pagbibinyag.

Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.


Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos
bilang mga maaasahang kaanib
ng Kanyang banal na Simbahang Katolika.

Kung kayo’y makapangangakong tatalikod


sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos
upang kayo’y makapamuhay
bilang matapat at maasahang kaanib ng kanyang angkan,
pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.
Tagapagdiwang: Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Tagapagdiwang: Ang mga gawain ni Satanas


ay itinatakwil ba ninyo?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Tagapagdiwang: Ang mga pang-akit ni Satanas


upang sumuway ang tao sa Diyos
ay itinatakwil ba ninyo?
Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Tagapagdiwang: Ngayon nama’y ating harapin


ang ating pananampalataya.

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat


at lumikha ng langit at lupa,
kayo ba ay sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang: Sa iisang Anak ng Diyos,


ang ating Panginoong Hesukristo,
na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama,
kayo ba ay sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.
Tagapagdiwang: Sa Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan,
kayo ba ay sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang: Bunga ng pagmamahal ng Diyos


na makapangyarihang Ama
ng ating Panginoong Hesukristo,
tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.

Tulungan nawa Niya tayong mamalaging tapat


sa ating Panginoong Hesukristo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Dadalhin sa Tagapagdiwang ang lalagyan ng banal na tubig.

Wiwisikan ang mga tao habang inaawit ang Isang Pananampalataya.

Awit sa pagwiwisik: ISANG PANANAMPALATAYA


Koro: Isang Pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

Habilin ni Hesus, noong Siya’y lumisan


Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan

Ama, pakinggan Mo, ang aming panalangin


Dalisay na pag-ibig sa ami’y lumapit

Mga alagad ko, pa’no makikilala


Tapat nilang pag-ibig, wala nang iba pa.
PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang: Ang Panginoong Hesukristo,
bukal ng ating pag-asa,
ay ibinangon mula sa kamatayan.
Taglay ang papuri at pasasalamat,
Ihain natin ang ating mga kahilingan, ating isamo:
PANGINOON,
DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Diyakono: Para sa lahat ng mga bumangon kasama ni Kristo


sa sakramento ng binyag,
magalak nawa sila sa habag at pagmamahal ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Diyakono: Para sa natitipon ngayon at sa ating kababayan,


magbunyi nawa tayo sa tagumpay ng Diyos
laban sa kasalanan at kamatayan
sa sakramento ng binyag
at sa pananampalatayang natanim sa ating kapuluan
limandaang taon na ang nakalilipas.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Diyakono: Para sa ating lahat,


upang ang Taong ito ng Hubileo ay maging taon
ng biyaya at pagpapanibago sa pananampalataya.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.
Diyakono: Para sa lahat ng naglilingkod sa pamahalaan,
tumalima nawa sila sa panawagan ng Diyos
sa katarungan at kapayapaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Diyakono: Para sa mga nagdurusa sa katawan, isip at kaluluwa,


magdiwang nawa sila sa pagpapalaya ng Panginoon.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

Diyakono: Para sa lahat ng mga yumao,


magalak nawa sila sa kaloob ng Diyos
na buhay na walang hanggan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: PANGINOON, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

sandaling katahimikan

Tagapagdiwang:
Ama naming lubhang maawain,
ang iyong balak na pagliligtas
ay nagkaroon ng maluwalhating kaganapan
sa pagkabuhay ng iyong anak na si Hesukristo.
Dumaloy nawa ang iyong mapagligtas na kapangyarihan
sa aming buhay at sa aming daigdig
sa pagdiriwang na ito ng pagkabuhay at sa araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat
ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag


-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis ng bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.


Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang Pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng Pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at
muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa Iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buo Niyang sambayanang banal.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari:

Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang aming mga alay na nasa dambana
at gawin mong maging paghahain ng katubusang dakila
upang sa pag-ibig ni Mariang Birheng Ina ng Sambayanan
kami ay maalab na makapamuhay
at sa pakikipagkaisa sa pagtubos sa tanan
kami ay sa kanya makipagtulungan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen
PAGBUBUNYI O PREPASYO
Si Maria ay Larawan at Ina ng Sambayanan

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na Siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong pinararangalan namin
ang Mahal na Birhen.
Minarapat mong siya’y itampok
bilang Inang nagluwal sa pangakong Manunubos
at bilang unang kaanib sa sambayanan mong kinukupkop.
Sa krus, inihabilin ni Hesus kay Maria
ang sangkatauhang pinagmamalasakitan niya
upang magkamit ng muling pagsilang sa iyong pamilya.
Kapiling ng mga alagad na nilukuban ng Espiritu Santo
si Mariang nagdarasal ay huwaran
ng sambayanang dumadalangin sa iyo.
Iniakyat mo si Maria sa langit
tanda ng sambayanang sa iyo’y sasapit
kapag itinampok ng iyong Anak ang daigdig.
Kaya kaisa ng mga anghel,
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Aawitin ang Santo
IKALAWANG PANALANGIN NG
PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng Pari sa pagdarasal.
Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu
gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng Pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang Pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng Pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak
na buhay bilang Mesiyas
at nagbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
Ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Pari at nakikipagdiwang:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Nakikipagdiwang 1:

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni FRANCISCO, na aming Papa
at ni DENNIS, na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
Nakikipagdiwang 2:

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


lalu na sina Obispo Manuel, Obispo Cirilo at Obispo Jose,
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,


ang kanyang kabiyak ng puso si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Pari:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Pari nang may magkadaop na mga
kamay:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:
Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng Paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng Pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang Pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang Pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

Luluhod ang Pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t nakikinabang habang sinasbi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

Samantalang nakikinabang ang Pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng Pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.
Pakikinabang: Juan 2, 1.11 Sa Cana‘y mayro‘ng kasalan
si Maria‘y inanyayahan,
si Hesus kanyang hiningang
maghimala at dumamay
at s’ya’y sinamp’latayanan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pari: Manalangin tayo.

sandaling katahimikan

Ama naming mapagmahal,


kaming mga nakinabang sa dulot mong katubusan at buhay
ay dumadalanging sa tulong ni Mariang Ina at Birheng banal
ang Mabuting Balita ay mailaganap sa tanan
at ang Espiritu Santo ay lubos na manahan sa sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

Mauupo ang lahat.

PASASALAMAT
MARINGAL NA PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin

Pari: Pagpalain nawa kayo ng Diyos


na sa pagsilang ng Anak niya mula sa Mahal na Birhen
ay naghatid sa daigdig ng katubusang walang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Pasiglahin nawa kayo sa malasakit ng Mahal na Birhen


na siyang nagbigay sa inyo
ng Tagapaghatid ng buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Puspusin nawa ng kagalakan ng Espiritu Santo


ang mga nagdiriwang sa pagpaparangal
sa Mahal na Birheng Maria
upang sa ganitong diwa kayo ay sumapit sa kalangitan
na siyang tahanan ng tanan magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at ng Anak  at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan,


Upang ang Diyos ay mahalin at paglingkuran,
Bayan: Salamat sa Diyos, Aleluya, Aleluya
.
AWIT NG MISYON
"NARIRITO, HANDA KAMI, PANGINOON!"
Words and Music by: Fr. Carlo Magno Marcelo
Tagalog Translation: Msgr. Hernando Coronel at Fr. Carlo Magno Marcelo

Limang daang taong biyaya


Salamat Panginoon, sa 'Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon:
"Naririto, handa kami, Panginoon!"

Kami'y hahayo sa iba't ibang dako


Hatid ang iyong salita at paglilingkod.
Inang Maria ang s'yang gabay nami't
Lugod Lalaganap alab ng 'yong misyon!

Limang daang taong biyaya


Salamat Panginoon, sa 'Yong punla.
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog,
Laging tapat, at laging tugon:
"Naririto, handa kami, Panginoon!"

Ang mga kaloob na aming alay sa mundo:


Katarungan, Kabanalan, Kapayapaan.
Sa senyal na ito maniniwala ang mundo:
Pagmamahal namin sa bawa't tao!

Limang daang taong biyaya


Salamat! Salamat, Panginoon!

Limang daang taong biyaya


Salamat Panginoon, sa 'yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon:
"Naririto, handa kami, Panginoon!"
"Naririto, handa kami, Panginoon"

You might also like