You are on page 1of 5

OSIAS COLLEGES, INC.

F. Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City


(045) 982-0245, www.osiascolleges.edu.ph

Name: Ramos, Mhelrose

Subject: Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino (Filipino 1)

Section: BSEd - English

Pananaliksik sa Filipino 1

A. Magbigay ng lima o higit pang kahulugan ng wika (at kung kanino galing ang
kahulugan)

1. Ayon kay Alfred North Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles “Ang wika
ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika
ay salamin ng lahi.

2. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.

3. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng


simbolikong gawaing pantao.

4. Ayon kay Noah Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.

5. Malaking papel ang ginagampanan ng wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang ginagamit


para maging maayos ang paghahatid at pagtanggap ng mensahe upang maging ganap
ang komunikasyon. (Mangahis et al.,2005)
B. Mga Pitong Katangian ng Wika

1. Ang wika ay masistemang balangkas.


2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
4. Ang wika ay arbitraryo.
5. Ang wika ay ginagamit.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
7. Ang wika ay nagbabago.

C. Kahalagahan ng wika, bakit mahalaga ang wika (tatlo) ipaliwanag bawat-isa

Kahalagaan ng Wika
Isa sa mga mahalagang instrumento sa buhay ng bawat tao upang makipagtalastasan at
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao. Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang
pinakapangunahing kailangan upang maipahayag natin ang damdamin, saloobin, kaisipan at iba
pa.

Ang mga Kahalagaan ng Wika:

1. Instrumento ng Komunikasyon
- Wika at komunikasyon
- Ito ay nag-iingat at nagpapalawak ng kaalaman gamit ng pamamahagi o
pakikipagpalitan ng impormasyon sa anumang paraan.

2. Nagbubuklod ng Bansa
- wika, kapayapaan at pagkakaisa
- Ito ay nagbubuklod ng bansa, ang wika ay nagiging dahilan upang
magkaisa ang mga tao, umunlad at makamit ang Kalayaan.

3. Lumilinang ng malikhaing Pag-iisip


- wika, kultura at kasaysayan
- Ito ay nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at
leybel ng wika
D. Ang mga Barayti ng Wika

1. Idyotek
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may
istilo sa pamamahayag at pananalita.

2. Dayalek
Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit
ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan.

3. Sosyolek / Sosyalek
Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.

4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang
etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.

5. Ekolek
Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig
ng bata at matanda.

6. Pidgin
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa..

7. Creole
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa
naging personal na wika.

8. Register
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong
uri nito:

 Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito


 Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
 Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
E. Ang kahulugan ng teorya. Mga pangunahing teorya ng wika (teoryang biblikan,
teoryang siyentipiko)

Teorya
Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-
bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

Mga Pangunaging Teorya ng Wika:


● Teoryang Biblikal

1. Tore ng Babel
-Mula sa Aramaic, pinag-iba-iba ng ng Diyos ang wika dahil sa kanilang
kapangahasan.
2. Pentekostes
-Dahil sa Espiritu Santo, natuto ang mga apostol ng iba’t-ibang wika.

● Teoryang Siyentipiko

1. Teoryang Bow-wow
-Nag-mula ang wika sa pang-gagaya ng tao sa tunog ng kalikasan.

2. Teoryang Ding-dong
-Ang wika ay hango sa mga tunog ng mga bagay sa paligid.
3. Teoryang Pooh-Pooh
-Natutong magsalita ang mga tao dahil sa masidhing damdamin nito.

4. Teoryang Yo-He-Ho
-Natutong magsalita nag tao bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.

5. Teoryang Ta-Ta
-Sabay ang kumpas ng kamay sa galaw ng dila at doon nagsimula ang wika.
6. Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay
-Ang wika ay nag-ugat sa tunog na nilikha ng tao sa ritwal.

7. Teoryang Mama
-Nagmula ang wika sa pinakamadaling pantig ng mahalagang bagay.

8. Teoryang Coo-coo
-Ang wika ay nagmula sa tunog na nilikha ng sanggol.

9. Teoryang Babble Lucky


-Sinwerte na lamang ang tao at ang mga sinabi nito’y naging pangalan na sa mga
bagay.

10. Teoryang Eureka!


-Sinasabi dito na sadyang inimbento lang ang wika.

Mga pinag-mulan at pinagkuhanan ng reserts:


 https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika
 https://quizlet.com/526895621/module-1-wika-kahulugan-katangian-at-kahalagahan-flash-cards/
 https://www.nautinst.org/uploads/assets/uploaded/2dc099aa-f89b-4fad-85c1e4d0ab674028.pdf
 https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/
 https://philnews.ph/2019/06/25/teorya-ng-wika-pinagmumulan-ng-wika/
 https://prezi.com/mcv8kzenzuu1/teoryang-biblikal/

You might also like