You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Davao Oriental State College of Science and Technology


INSTITUTE OF EDUCATION AND TEACHER TRAINING
Guang-guang, Dahican, City of Mati, Davao Oriental, 8200

PANGALAWANG GAWAIN : TULA DATE SUBMITTED : JULY 1, 2020

Ang Bayan Kong Nagdurusa


Isinulat ni Gina G. Bayate

Ang mahal kong bayan, ngayon ay nagdurusa


Hindi sa pagsakop, ng mga banyaga
Bayan ay ngdurusa, sa isang pandemya
Malala na virus, sa bansa’y tumama

Mga Pilipino, hindi nakaiwas


Sa virus na ito, buhay ay nalagas
Mahirap, mayaman, hindi pinalampas
Sila’y nahawaan, buhay ay nagwakas

Ang mahal kong bayan, ngayo’y nagdurusa


Sa isang pandemya, mula ibang bansa
Ang virus na ito’y hindi nakikita
Kahit na malinaw ang ‘yong mga mata

Mga Pilipino, ay naninibago


Hindi makalabas, walang salo-salo
Dapat sumunod ang mga Pilipino
Bilang pagmamahal sa ‘yong kapwa tao
Ang mahal kong bayan ating alagaan
Ang pandemyang ito ay ating wakasan
Sabay sabay tayo tatayo’t lalaban
Sa pagtutulungan, buhay ay gagaan

Ang sakit na ito’y ating lalabanan


Nurse at mga doctor, ang ating sandigan
Handang aalalay, sa ‘ting mamamayan
Hindi susukuan, ang ating lipunan

Ang ating gobyerno ay nakasubaybay


Hiling sa atin magpermi sa bahay
Huwag kaligtaan maghugas ng kamay
At higit sa lahat sundin mga gabay

Dasal ko sa lahat ng aking kababayan


Nawa’y maging ligtas, hindi mahawaan
Pagtaas ng bilang , hindi madagdagan
At ang pagkasawi ay maiiwasan

Ang mahal kong bayan, pilit tumatayo


Mga Pilipino ay nagsusumamo
Tulong ng gobyerno at mga pangako
Ayudang pagkain, ibigay na ninyo

Ang tanging dasal ko, matapos na ito


Gamot ay dumating, sana’y maimbento
Bigyan ng talino ang mga eksperto
Upang magwakas na ang pandemya’ng ito
Ang lagi’ng hangad ko, ako’y makatulong
Sa mga may sakit, ngayo’y nakakulong
Dasal ay gumaling, ‘yan ay aking bulong
Bakit nangyayari? ‘yan ang aking tanong

Ang mga Pilipino ay hindi susuko


Ang mahal kong bayan, muling itatayo
Malusog, malakas, matibay na puso
Ang tangi’ng sandata sa pandemya’ng ito

You might also like