You are on page 1of 1

My Success Story

Ako po si Rodilyn Luad Saturinas ng mamayan ng Mandaluyong at isang kasapi ng


Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P’s). Noong sa kasalukuyang na hindi pa ako
kasapi ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P’s), kami po ay nagtitinda lamang ng
fishball, ballot at uling sa kalsada. Ako po at ang aking asawa ay magkatuwang kamung
naghahanap-buhay. Marami akong natututunan sa hirap ng buhay kung paano pahalagahan
ang bawa’t sentimo na kinikita naming mag-asawa.

Nang nagging kasapi ako sa Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P’s),


nakaluwag po kami sa mga pangangailangan ng aming mga anak. Nagagamit naming ng tama
at wasto at nabibigyan na rin namin ng halaga ang perang binibigay saamin. Marami akong
natututunan, napupulot na aral tuwing FDS at ito’y aking nagagamit sa aking sarili at sa aking
pamilya. Paano makihalubilo sa bawa’t nanay, makipag kwentuhan, making sa mga inuulat na
napupulutan ng aral sa aking sarili.

Ako’y nagpapasalamat ng marami na sa hanggang ngayon kami po ay patuloy na


tinutulungan ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P’s), patuloy na nagbibigay sa amin
ng suporta para sa aiming mga anak. Kayo po ay makaka-asa na ito’y aking papahalagahan at
gagamitin sa tama at sa mabuti para sa aking pamilya. Maraming, maraming Salamat po at isa
ako sa nagging kasapi ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4P’s).

Nagpapasalamat,
Rodilyn Saturinas

You might also like