You are on page 1of 2

Ang Visayas o Kabisayaan ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas

kabilang ang Luzon at Mindanao. Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang
Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang
Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang
Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Masinop, matapat, magiliw, matiyaga at relihiyoso ang
mga tao sa Visayas. Pangunahing hanap-buhay sa rehiyong ito ang pagsasaka at pangingisda. Mahilig
sa Festival ang mga Bisaya. Taon-taon ay may piyestang Sinulog, Sandugo, at Ati-Atihan. Ginaganap
ang Kanduguan sa Mactan Narito ang ilang kaugalian: Mamae - kinatawan ng magulang ng lalaki sa
pagtatalo Sagang – kinatawan ng magulang ng babae sa pagtatalo Pangangasawa - ang mga magulang
ng lalaki ang naglalahad ng magandang hangarin ng nanliligaw Mangluhod – paghingi ng kamay ng
babae Hukut – regalo ng babae sa kangyang mapapangasawa bilang tanda ng magandang kapalaran sa
kanya Likod-likod – handaan na ginaganap sa bisperas ng kasal Alap o Alussalus – paghahagis ng mga
barya sa plato/planggana habang ang bagong kasal ay nagsasayaw Putos – mga tirang pagkain na
pinauuwi sa mga bisita Hugas – pagtulong ng mga bisita sa bagong kasal sa paglilinis ng
bahay/pingakainan Pagtawag sa Herbolaryo Paghahanda bago at pagkatapos ng ani para sa bathala ng
magsasaka si Tagibanua.

You might also like