You are on page 1of 3

A1: BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

Pagbasa
 Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
 Kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon.
 Kailangan din dito ang imbak na kaalaman (stock knowledge).
 Ito ay nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad, at pagpipino ng
kasanayan. Kailangan ang malikhain at kritikal na pag-iisip sa pagbabasa.
-Wixson et. al. (1987) “New Directions in Statewide Reading Assessment”- “The Reading Teacher”
-Anderson et. A. (1985) Becoming a Nation of Readers
Kailangan ang mga sumusunod sa pagbasa:
1. Imbak na kaalaman
2. Impormasyon mula sa teksto
3. Sitwasyon habang nagbabasa

Asimilasyon
 Ang pagbabasa ay buhay.
 Ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya’y paglalapat ng natutuhan ng
nagbabasa.
 Nababago nito ang pagdanas at paghulma natin sa realidad.

Dalawang Kategorya ng Pagbasa


1. Intensibo
 Masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na konteksto.
 Pagsusuri ng kaanyuang gramatikal, panandang diskurso upang maunawaan ang literal na
kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
 Zoom lens strategy/Narrow reading-piling babasahin lamang tungkol sa isang paksa ang
pinagtutuunan ng pansin.
 Halimbawa: kontrata, liquidation report, affidavit, batas
- Douglas Brown (1994), “Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy

2. Ekstensibo
 Pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales batay sa kanyang interes.
 Layuning makuha ang pangkalahatang ideya ng teksto “gist” at hindi ang mga ispesipikong
detalye na nakapaloob dito.
 Halimbawa: nobela,sanaysay,talumpati,magasin
- Douglas Brown (1994), “Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy

Dalawang Uri ng Pagbasa


1. Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon
na itinakda bago bumasa.
- Douglas Brown (1994), “Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy
2. Skimming
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, paano
inorganisa ang mga ideya, ano ang pananaw o layunin ng manunulat.
 Nabubuo dito ang inisyal na impresiyon sa akda.
 Ginagamit sa pagpili ng kaugnay na literatura at pag-aaral.
- Douglas Brown (1994), “Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy
Tanungan Session:
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang kapakinabangan ng pagbabasa sa iyo?
2. Bilang isang propesyonal sa hinaharap, ano ang kapakinabangan ng pagbabasa sa iyo?
3. Ano-ano ang mga senyales na ang isang tao ay may mahusay at makabuluhang kakayahan
sa pagbasa?
4. Ano-ano ang mga tatlong bagay na kailangang isaalang-alang upang maging epektibo ang
pagbasa?
5. Magbigay ng isang tunay na buhay na halimbawa ng asimilasyon.
6. Pag-ibahin ang intensibo at ekstensibong kategorya ng pagbasa. Magbigay ng isang
halimbawa.
7. Pag-ibahin ang scanning at skimming na uri ng pagbasa. Magbigay ng isang halimbawa.
A2: BATAYANG KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

Tatlong Bahagi ng Pagbasa


1. Bago Magbasa
 Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.
 Kinapapalooban ng previewing/surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang
pagtingin sa mga larawan at pamagat.
2. Habang Nagbabasa
 Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang
lubusang maunawaan ang teksto.
 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
 Pagsubaybay sa komprehensiyon
 Muling pagbasa
 Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
 Biswalisasyon ng binabasa
 Pagbuo ng koneksiyon
 Paghihinuha/predict
3. Pagkatapos Magbasa
 Pagtatasa ng komprehensiyon
 Pagbubuod
 Pagbuo ng sintesis
 Ebalwasyon

“Mababaw ang komprehensiyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa ang


natutunan nila.”
Pagkilala sa Katotohanan at Opinyon

Katotohanan
 Mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na
karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
Hal. Si Pangulong Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Opinyon
 Pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng
isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para
sa akin”, “gusto ko,” o “sa tingin ko.”
Hal. Para sa akin, si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kaisa-isang pangulo na sumugpo
sa korupsiyon sa gobyerno ng Pilipinas.

Pagtukoy Sa Layunin, Pananaw, At Damdamin


Layunin
 Ay tumutukoy sa nais na iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
 Maaaring magtaglay ng dalawa o higit pang layunin ang isang tektso/akda/sulatin.

Uri ng Sulatin/Teksto Layunin


Impormatibo magbigay ng balidong impormasyon
Deskriptibio magbigay ng paglalarawan
Naratibo magsalaysay/magkuwento
Persuweysibo manghikayat
Argumentatibo mangatuwiran/mangumbinsi
Prosidyural magturo ng mga hakbang

Pananaw
 Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto.
 Una, ikalawa at ikatlong panauhang pananaw.

Damdamin
 Pakiramdam ng manunulat sa teksto.

Tanungan Session:
1. Ibigay ang tatlong bahagi ng pagbasa at ipaliwanag ang bawat isa.
2. Paano ka makasisiguro na katotohanan ang iyong binabasa?
3. Paano mo malalaman na opinyon ang iyong nababasa?
4. Ano ang ibig sabihin ng layunin? Magbigay ng mga halimbawa nito.
5. Ano ang pananaw? Magbigay ng mga halimbawa nito.
6. Ano ang ibig sabihin ng damdamin. Magbigay ng mga halimbawa nito.
7. Magbigay ng isang halimbawa ng sulatin at ibigay ang layunin, pananaw, at damdamin.

You might also like