You are on page 1of 2

(Titulo/ Topiko ng Pananaliksik) Factors Affecting Acceptability of COVID-19 Vaccine among Pregnant

Women in a Tertiary Hospital in Baguio City (Mga Kadahilanang Nakakaapekto sa Pagtanggap ng mga
Nagdadalang-tao / Buntis sa Bakuna Kontra Covid19 sa mga Tertiary Hospital sa Lungsod ng Baguio)

Researcher/ Mananaliksik:
Andrienne E. Boado-Angiwan, RN, MD
Medical Officer III
Department of Obstetrics and Gynecology
Baguio General Hospital and Medical Center

Layunin at Pagsasagawa ng Pag-aaral

Magandang araw!

Ako si Dr. Andrienne E. Boado-Angiwan, isang 3 rd year resident in training sa ilalim ng


Department of Obstetrics and Gynecology at nais kong imbitahan kang makilahok / makisali sa aking
isinasagawang pananaliksik at pag-aaral na may layong/layuning alamin ang mga kadahilanang
nakakaapekto sa pagtanggap ng mga nagdadalangtao / buntis sa ating lokalidad sa Covid19 vaccines (sa
bakuna kontra Covid19). Ang mga datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay maaaring gamiting basehan
sa paggawa ng mga health information campaigns (kampanyang naglalayong palawakin ang kaalamang
pangkalusugan) para sa mga nagdadalang-tao / buntis, at maaari ring gamiting basehan para sa pagbuo
ng mga health policy development (polisiyang pangkalusugan) sa hinaharap.

Ang iyong paglahok sa pag-aaral na ito ay nababatay/naaayon sa iyong sariling


pagkukusa/desisyon. Makakaasa ka na patuloy ang aming pagbibigay-serbisyo at walang magbabago,
piliin mo man o hindi ang paglahok sa pag-aaral na ito. Kung sakali mang pillin mong sumali sa pag-
aaral, isang questionnaire ang iyong sasagutan para aming malaman ang (lawak ng) iyong kaalaman, ang
iyong saloobin at mga nakagawian (gawi) patungkol sa COVID-19.

Maraming salamat!

Uri ng Research Intervention

Isa itong survey gamit ang tatlong – pahinang questionnaire na sasagutan ng mga kalahok sa
pag-aaral.

Pagpili ng mga Kalahok

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga nagdadalang-tao /buntis na nakatira sa Baguio City, na
nabibilang sa viable pregnancy of COVID status.
Pagiging Kompidensiyal
(Makakaasa ka na) Walang panganib ang iyong paglahok sa pag-aaral na ito sapagkat ang iyong
mga personal na datos at mga kasagutan ay mananatiling kompidensiyal alinsunod sa alituntunin ng The
Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).

Paglahok ng Kusa / Boluntaryong Paglahok

Karapatan mong mamili / magdesisyon kung ikaw ay makikilahok o hindi sa pag-aaral na ito.
Lalahok ka man o hindi, (makakaasa ka na) patuloy mo pa ring matatanggap ang aming taos-pusong
pagbibigay-serbisyo/pagsisilbi.

Benepisyo

Ang iyong paglahok ay makakatulong sa aming layuning punan ang kakulangan sa kaalaman
patungkol sa bakuna kontra COVID-19. Ang mga datos na matitipon mula sa pag-aaral na ito ay maaari
ding makatulong sa pagbuo nga mga health policy development (polisiyang pangkalusugan) at
information campaigns (kampanya para pasa pagpapalawak ng kaalaman).

Pagiging Kompidensiyal

Makakaasa ka na ang mga personal na datos na aming nakalap sa pagsasagawa ng pag-aaral na


ito ay hindi maibabahagi o maipapamigay sa iba. Ang pagkakakilanlan ng mga kalahok ay mananatiling
kompidensiyal sakaling ang mga resulta sa pag-aaral na ito ay natalakay sa publiko o nalathala.

Pagkukusang-loob / Pagboboluntaryo

Ang iyong paglahok sa pag-aaral na ito ay nababatay/naaayon sa iyong sariling desisyon at


pagkukusa. Walang kaparusahan sakaling pillin mong hindi lumahok. Halimbawang sa una ay pumayag
kang lumahok sa pag-aaral ngunit kalaunan ay nais mong bawiin ang iyong desisyon, maari kang tumigil
sa paglahok anumang oras. Ang pakikitungo ng researcher (mananaliksik) at ng lahat ng mga health
care workers sa iyo sa institusyong ito ay hindi maapektuhan, piliin mo man o hindi ang makilahok sa
pag-aaral.

Taong Pwedeng Kontakin: Para sa mga katanungan at iba pang paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan
sa researcher (mananaliksik) sa 0917-3177-456.

Papel Pahintulot

Aking nabasa at naintindihan ang lahat ng mga impormasyong nakasaad sa sulating ito at ako
din ay binigyan ng pagkakataong magtanong at magkaroon ng kaliwanagan. Kusa at boluntaryo kong
ibinibigay ang aking pahintulot upang makilahok sa pag-aaral na ito.

__________________________________________ Marka ng kanang


Lagda ng pasyente sa ibabaw ng nakaprint na pangalan hinlalaki
(sakaling hindi
makapaglagda ang
pasyente)

You might also like