You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG ISABELA
BAYAN NG GAMU
BARANGAY___________________

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. _____T-20___

PAGBUO NG CONTACT TRACING TEAM (CTT) AT PAGTATALAGA NG MGA GAWAIN


NITO

SAPAGKAT, ang Batas bPambansa Blg. 11469 o kilala bilang “Bayanihan to Heal as One
Act” ay naglagay sa buong bansa sa State of National Emergency at nagpahayag ng agarang pagtugon ng
pamahalaang local upang labanan ang lumalaganap na COVID-19;

SAPAGKAT, sa DILG Memorandum No. 2020-073 ay inatasan ni DILG Secretary Eduardo M.


Año ang lahat ng pamahalaang local na bumuo ng Contact Tracing Team (CTT) na siyang tutkoy at
susubaybay sa mga hinihinalang taong may kilalang pagkakalantad at pakikipag-ugnayan sa
nakumpirmang kaso ng Covid-19 upang maba wasan ang posibilibid ad ng pagkahawa pa ng iba;

SAPAGKAT, mahalaga ang papel ng Contact Tracing Team (CTT) para tuluyan nang bumaba at
mapuksa na ang Covid-19 sa bansa.

DAHIL DITO, AKO, (pangalan ng Punong Barangay), Punong Barangay ng Barangay


______________________, Gamu, Isabela sa kapangyarihang iginawad sa akin ng Batas ng Republika
ng Pilipinas at Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ay nag-uutos ng mga sumusunod:

SEKSYON 1. PAGBUO NG CONTACT TRACING TEAM (CTT). Ang Contact Tracing


Team (CTT) ay bubuuin ng mga sumusunod:

Tagapanguna : Punong Barangay


Kapwa-Tagapanguna : Hepe, Barangay Tanod
Miyembro : (Lahat ng Kagawad, SK Chairman, Midfwife, BHW)

SEKSYON 2. GAWAIN NG CONTACT TRACING TEAM. Ang CTT ay may mga


sumusunod na tungkulin:

1. Tukuyin at paghiw alayion ang mga nakasalamuha ng hinihinalang may sakit na COVID-
19;
2. Tiyakin ang pagkakaroon ng maayos at mapapakinabang Ligtas Covid Center o
Community Quarantine Facility gayundin ang mga medical na tauhan, kagamitan
pasilidad at gamut;
3. Tiyakin ang kasiya-siyang kapaligir an para sap ag bawi Aat tuluyang paggaling ng
pasenyeng hnihinala o may sakit na COVID-19;
4. Magsumite ng ulat mng katayuan ng barangay tungkol sa mga sumusnod;
 Bilang ng KumPirmadong kaso ng COVID-19;
 Bilang ng bihasang sanayin para sa pagsubaybay at pakikipag ugnayan sa mga
taong may sintomas o Hinihinalang may COVID-19
 Dami ng pagsubaybay na ginawa sa mga hinihinala at nakasalamuha ng may
sakit
 Bilang ng PUI at PUM na natukoy, nakahiwalay, at nasubok
 Dami at lugar ng itinatag na COVID-19 Center
 Bilang ng magagamit na PPE at Reverse Transcript-Polymarase Chain Reaction
(RT-PCR) test kits
5. Gumawa ng iba pang tungkuling may kaugnayan sa pogsugpo ng COVID-19 at
pagtulong sa mga hinihinalang may sakit na COVID-19

SEKSYON 3. PONDONG GUGGULIN. Ang ponding gugugulin sa pagsasakatuparan ng mga


Gawain ng CTT ay magbubuhat sa alinmang ponding inilaan ng barangay sa pagsugpo sa COVID-19.

Nilagdaan ngayong ika- ____ ng Hunyo, 2020 sa _______________, Gamu, Isabela.

____________________________
Lagda ng Punong Barangay

You might also like