Kabanata V G2

You might also like

You are on page 1of 4

KABANATA V

LAGOM, REKOMENDASYON AT KONGKLUSYON

LAGOM

Sinimulan ng mga mag-aaral ng 11 HUMSS B ang pananaliksik upang


malaman at mabigyan ng kasagutan ang kanilang suliranin na umiikot sa kani-kanilang
mga isipan, at ito ay ang ano ang magiging tugon ng mga mag-aaral na 11 HUMSS
tungkol sa "Muling pagmulat ng mga nasa kasalukuyan sa wika at kultura ng sarili
nating bayan", ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung paano
matutugunan ng mga mag-aaral ng 11 HUMSS ang pagsasawalang bahala ng
nakararami sa kultura at wikang Pilipino. Nais naming malaman kung mayroon bang
naiisip na solusyon ang nga na sa baitang 11 sa pangkat ng HUMSS sa suliranin na
kinahaharap ng wika't kultura natin sa panahon ngayon. Bago isagawa o ilapat sa papel
ng mananaliksik ang napiling usapin o suliranin, minabuti ng mga mananaliksik na
mangalap ng mga impormasyon at ideya sa tulong ng makabagong teknolohiya o
internet, para sa kanilang paksang "Muling pagmulat ng mga nasa kasalukuyan sa wika
at kultura ng sarili nating bayan", nang makita na may mga pag-aaral din na maaring
sumuporta sa isasagawang pananaliksik. Importante na alamin kung ano ang magiging
disenyo ng aming pananaliksik upang maging payak o diresto ang aming
isinasagawang pag-aaral kaya naman ito ay aming pinag-usapan at matalinong
inanalisa. Matapos maanalisa ang mga instrumento at disenyo na maaaring gamitin sa
pag-aaral, ito ay sinimulan na namin. Ang sunod na ginawa naming hakbang ay
naghanap pa kami ng mga dati nang pag-aaral upang mapagtibay at mapalawak namin
ang aming pananaliksik. Sa sumunod na kabanata, binigyang linaw namin ang mga
ginawa naming proseso sa pagsasagawa at pagpapatuloy ng aming pag-aaral. Nang
matapos ay nagsagawa kami ng kasulatan para sa namumuno ng aming eskwelahan
na humihingi ng pagpayag sa ang aming isasagawang pakikipanayam o pagsasagawa
ng sarbey sa aming mga respondente gamit ang "google form" na makakapagbigay
linaw sa aming pananaliksik. Nang maaprubahan ng aming guro ang aming sulat,
agaran kaming naghanap ng mga makapagbibigay ng partisipasyon sa aming pag-
aaral, napili naming kapanayamin ang mga na sa labing-isang baitang na nasa Strand
na HUMSS o Humanities and Social Sciences, binuo ito ng dalawampu't anim na tao.
Nang masagot na ang aming mga katanungan ng mga napili naming kapanayamin,
sinimulan na namin ang pag-aanalisa ng mga datos. Sa aming pag-aaral, nakita namin
na ang mga mag-aaral sa baitang 11 ay mayroon pa ring pag-asa na magkakaroon muli
ng buhay at sigla ang wika at kulturang Pilipino. Sa aming pananaliksik, nasagot ang
mga katanungan na namumuo sa isipan ng bawat isa sa aming mga myembro ng pag-
aaral na ito.

REKOMENDASYON

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga rekomendasyon based sa mga


kasagutan at konklusyong nahinuha.

A. Magulang

Para sa magulang, labis na inererekomenda ang pananaliksik na ito, maaaring


maging instrumento o magsilbing gabay sa kanilang mga anak ang nasabing pag-aaral.
Sila rin ay magkakaroon ng karagdagang kaalaman sa kung papaano nila maimumulat
ang kanilang mga anak sa wika at kultura ng sariling bayan. Maaari rin silang maging
magandang halimbawa o ihemplo sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng kanilang natuklasan tulong ng pananaliksik na ito.

B. Mag-aaral

Para sa mga mag-aaral, makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas lalong
malaman ng mga mag-aaral ang importansya ng ating wika at kultura na makakatulong
sa kanila sa pang araw-araw na pagkatuto. Dapat nating mahalin ang wika at mas
palawigin pa ang kultura nito, wag din nating isabahala ang wika noon at marapat na
bigyang pansin ito upang lalo itong umusbong at hindi makalimutan. Sa pagpapaunlad
ng ating wika ay dapat tandaan na iwasan ang paggamit ng balbal, upang kapag tayo
ay nakikipag usap o sumasagot sa ating guro ay maging pormal ito at maipakita ang
pagiging isang mabuting mag-aaral. Kahit nasan man tayo dapat nating mahalin at
ipagmalaki ang sariling wika at kultura, dahil bukod sa ito ang ating kinagisnan at
pagkakakilanlan ito din ay magiging daan natin upang tayo ay magtagumpay sa
hinaharap. Laging sana nating tatandaan ang sinabi ni Jose Rizal na ‘ang hindi
magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.’
C. Susunod na henerasyon

Para sa mga susunod na henerasyon, marapat lang na mapanatili ang paggamit


ng ating Wika sa pamamagitan ng pananalita nito sa araw-araw, sa ating mga
nakakausap at nakakasalamuha na ating kapwa Pilipino, huwag din kalilimutan ang
paggamit ng “po” at “opo” sa mga mas nakakatanda sa atin upang magpakita ng
kagalangan. Sa Kultura naman ay marapat na ipagpatuloy ang pagbabasa at
pagtangkilik sa ating mga Panatikang Filipino, amin din nirerekomenda na ipakilala ito
sa mga bata upang mas lalong magyabong ang sarili nating mga literatura. Pati na rin
ang mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian na atin nang nakasanayan noon pa man ay
mahalagang maipreserba. Nasaan man naroroon ang mga taong nasa hinaharap/mga
susunod pang henerasyon, ang mga bagay na ito ang magpapaisa at magpapakilala sa
kanila bilang isang mamamayang Pilipino.

KONGKLUSYON

Mula sa mga datos at resulta na nakalap ay nakabuo ang mga mananaliksik ng


sumusunod na kongklusyon.

Nararapat na pahalagahan natin ang sarili natin na wika at kultura sapagkat ito
ang nagsisilbing ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal sa bansa. Mahalaga rin
ang ating wika sapagkat ito ang nagiging instrumento upang magkaroon tayo ng
pagkakaunawaan.

Ang sanhi kung bakit sa paglipas ng panahon ay naisasantabi ng mga Pilipino


ang wika at kultura ng bansa ay ang mas higit na pinagtutuunan ang pagtangkilik ng
gawain ng mga banyaga. Kung saan, karamihan sa mga kabataan ay pinag-aaralan pa
ang kanilang wika at kultura. Lumilipas man ang panahon, kinakailangan pa rin natin na
pag-igihan ang pag-aaral sa ating sariling wika at kultura upang maipreserba ang wika
at kultura. Ayon sa nga Pilipino, ito rin ang pamanang maibibigay o maituturo ng bawat
isa sa mga susunod na henerasyon.

Maipasa man natin ang wika at kultura sa susunod na henerasyon ay hindi


mapapanatili ang kinagisnan. Maaarin na may magbago sa ating wika at kultura
sapagkat hindi natin maiiwasan ang pagbabago, lalo na tayo ay nasa makabagong
panahon na. Ngunit sa kabilang banda, may pagkakataon pa rin na mapahalagahan
ang wika at kultura sa paglipas ng panahon kung ngayon pa lamang ay mag pagtuunan
na ng pansin. Bilang Pilipino na mag-aaaral upang lalong mapatibay, mapaunlad at
mapangalagaan ang ating sariling wika at kultura ay makilahok sa mga gawaing
pangkultura at lalong pag-aralan ang ating wika.

You might also like