You are on page 1of 10

LA CONSOLACION COLLEGE - CALOOCAN

496 A. Mabini St., Caloocan City


PAASCU Accredited Level III (GS) / Level III (JHS)
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
SY 2020 – 2021

MULING PAGMULAT NG MGA NASA KASALUKUYAN SA WIKA AT


KULTURA NG SARILI NATING BAYAN

Pananaliksik na ipinasa kay


Bb. Daniella Aldefolio

Mga Miyembro:
Abiera, Thirdy
Adolfo, Jade
Agas, Armina
Escosio, Elsie
Evangelista, Abigail
Galea, Irish
Guilas, Irish Charity
Laudato, Eunice Arielle
Martinez, Karl Andrei
Medina, Harvie
Sosing, Kyle Andrea
Velasquez, Judith Ann

1
PANIMULA

A. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ngayong makabagong panahon na, iba-iba na ang paggamit natin sa


ating wika at kultura. Nang lumipas ang panahon, lalong naging matalino at
malikhain ang mga Pilipino sa paglikha ng makabagong wika at kultura. Ang
ating wikang Filipino ay tila dinamiko na patuloy ang pag-unlad at pagbabago
kung patuloy tayong magsasaliksik ukol dito. Ang wika at kultura na ginagamit
natin sa kasalukuyan ay nakatutulong na mas mapadali ang ating pagkaka-
intindihan. Ngunit, ano ba ang dapat na higit na mahalagang pagtuunan ng
pansin? Kasulukuyan na ginagalawan natin ngayon o ang kasaysayan na naging
pundasyon ng bawat kahapon, ngayon at sa susunod pa na panahon? Kung
kami ang mararapatin na tanungin, higit naming pahahalagahan ang kasaysayan
na nagging pundasyon ng lahat. Dahil sa kahit anong bagay naman ay lubhang
mahalaga ang pundasyon. Nagsimula ang lahat ng ito sa kasaysayan.

Sa pag-aaral na ito ay kinakailangan na panghawakan ng mga


Pilipino na napaka mahalaga ng kasaysayan patungkol sa ating wika at kultura.
Ninanais din ng aming pangkat na malaman ang opinyon ng bawat isa kung ano
ang mas mahalaga para sakanila. Hangad din ng mga mananaliksik na maituro
nang malalim ang kahalagahan ng kasaysayan ng wika at kultura bilang isang
Pilipino.

Sa panahon ngayon, araw-araw may na-iimbento na bagong


kaalaman ang mga tao sa ating bansa, nagkakaroon ng iba’t ibang bagong salita
at bagong pagkakaintindihan. Araw-araw lalong nadadagdagan ang bagong
kaalaman natin pag dating sa wika at kultura, mga bagong nauuso na pinag
kakasunduan ng lahat.

2
Maraming mga Pilipino ang nakaliligtaan na kung saan nag simula
ito, maraming nakalimot sa mga dating wika at kultura, lalo na kung pag-uusapan
natin ang mga ginagamit nating makabagong wika. Dahil sa mga nauusong
bagong salita. Sobrang laki ng impluwensya sa atin ng wikang Ingles, dahil
bawat pag bigkas natin ay hindi nawawala ang ilan sa mga wika na nanggaling
sa kanila pati ang mga galaw ay nagagaya na rin natin sa kanila. Iyon ay isa sa
mga hindi na natin kayang baguhin dahil ito ay nakasanayan na ng mga
nakararami.

Ang pagsakop ng mga dayuhan sa ating bansa upang ituro ang


kanilang kultura ay isang malaking epekto sa kasaysayan ng ating bansa. Bago
pa tayo sinakop ng mga dayuhan mayroon na tayong mga nasimulan na kultura
at pinaniniwalaan. Ngunit sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa, iba’t
ibang klase ng kultura ang kanilang naituro sa atin at ngayong kasulukuyan ay
patuloy nating ginagamit at pinaniniwalaan ang mga ito higit pa sa sariling atin.

Ang pagbawi na lang na ating magagawa ngayon ay ang


matutunan natin na pag aralan ang kasaysayan ng wika at kultura nang sa
ganoon tuwing may magtatanong sa atin, bukod sa alam natin ang sagot,
karapatan din natin malaman bilang Pilipino kung ano ang pinanggalingan ng
ating wika at kultura kung paano nag simula ang mga ito.

3
B. MAHALAGANG MGA TANONG

1. Bakit mahalaga mahalaga pag-aralan ang kasaysayan ng wika at kultura?


2. Ang pagdaan ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad
ng wika at kultura?

3. Paano naka-impluwensya ang kasaysayan ng wika at kultura sa wika at


kultura ngayon?

4. Ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng wika at kultura saating


pamumuhay ngayon?

5. Paano nagsimula ang wika sa kasaysayan?


6. Paano nagsimula ang kultura sa kasaysayan?

4
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay napakahalaga at lahat ng Pilipino ay


makikinabang dito, sapagkat ang mga ito ay sariling atin at tayo rin ang gagamit
ng mga ito. Kapag na preserba natin ang ating lengguwahe at mga kultura ay
tiyak na makikinabang nang malaki dito ang mga Pilipino sa susunod na
henerasyon nito. Sa pananaliksik din na ito ay makapagbibigay ng mga dahilan
upang mas lalo na’ting pahalagahan ang ating wika at kultura. Makatutulong ito
para mag silbing aral at maimulat ang ating mga mata sa mga bagay na
nararapat lamang na’ting pagtuunan ng pansin. Sa ating mga Pilipino mismo
nakasalalay ang ating pagkakakilanlan.

1. Kabataan

- Malaki ang magiging pakinabang ng mga Kabataan sa pananaliksik na


ito. Ito ay tulong upang mas mabigyan alam ang mga kabataan ukol sa yaman
ng ating bansa na wika at kultura. Maaari nila itong gawing gabay upang mas
mapagyabong ang ating kultura at patuloy na gamitin ang wikang Filipino. Isa pa
ay malaki din ang posibilidad na ito ay maging susi sa pagkakaroon ng unawaan
at magkaisa tayong lahat.

2. Mga Propesyunal

- Ang mga propesyon sa iba't ibang larangan ay mayroong malaking


ambag sa lipunan. Ang pagkakaroon nila ng kamalayan sa wika at kultura ng
ating bayan ay napakahalaga. Sa pananaliksik na ito'y maimumulat at
madagdagan ang kanilang kaalaman sa ating sariling pagkakakilanlan. Malaki
ang kontribusyon ng lahat ng manggagawa sa ating bansa, kung magkakaroon
sila ng pagmamahal sa ating salita at kultura maaari silang maging magandang
halimbawa para bawat isa, at iyon ang hangarin ng pananaliksik na ito. Gamitin
ang impluwensya na makakatulong sa pag reserba wika at kultura.

5
3. Sa mga susunod na henerasyon

- Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga susunod na henerasyon


dahil mas maipapakita nito kung gaano kahalaga sa atin ang pagpapalalim o
pagtanggap sa ating wika at kultura na hindi lang natin nakamit basta-basta at
dahil sa pananaliksik na ito mas makikita ng susunod na henerasyon o mas
malalaman nila kung paano pinahalagahan ng bawat ninuno natin hanggang sa
ating henerasyon ang ating wika at kultura para lang ito ay mapanatili sa ating
puso’t isipan upang ito ay maibahagi at mapanatili hanggang sa mga susunod
pang mga henerasyon.

6
D. BATAYANG TEORETIKAL

Ang kultura maging ang wikang sa atin ay dulot ng pinagsamang


impluwensya ng mga pananakop sa ating bansa at kultura ng mga katutubo
natin. Malaking kontribusyon na rito ang pagsakop ng mga kastila sa pamumuno
ng España ng mahigit na 333 na taon sa ating bansa, kung kaya't may mga
kinagawian na tayong galing sa mga sumakop sa bansa natin noon.

Ngunit, makikita ngayon na animo'y nawawala, napapalitan o


napauunlad ang wika maging ang kulturang pilipino. Ayon sa teoryang "A
Human Motivation" ni A.H. Maslow nagbabago ang hilig, pangangailangan pati
na ang gawi o nakasanayan ng isang tao base sa kagustuhan at
pangangailangan nito na nagdudulot naman sa pagbabago sa mga kulturang
mayroon tayo ngayon. Nagkakaroon ng paglago sa ating kultura at wika.
Nakatutuklas tayo ng mga bagay na dala ng ating malilikot na kaisipan at
kalaunan ay nakagagawian na natin sa paglipas ng panahon. At ang ating
nakasagawian ay patuloy na nagbabago, napapalitan at pinauunlad sa paglipas
ng panahon.

7
E. BATAYANG KONSEPTUWAL

Narito ang batayang konseptuwal na magpapakita ng daloy ng aming


pananaliksik:

E. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay ginawa para mabigyang halaga ang ating


wika. Ang saklaw nito ay mula sa panahon ng Español hanggang sa
kasalukuyang panahon. Mabibigyang pansin kung paano nagsimula ang ating
wika at mapapansin ang pagbabago sa nangyayari ngayon. pundasyon ng
lipunan ay atin lubusang maiintindihan at mabibigyang pansin ang mga
pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan. Pagdaan ng panahon ay makikita
natin sa pagbabagong nangyayari sa ating kapaligiran mula sa nakasanayan

8
hanggang sa mga bago natin mga natututunan. Mga pagbabagong nararanasan
sa ngayon ay bunga ng ating mga nagawa sa nakaraan.

Sa pinanggalingan ng ating mga nakasanayan ay mas lubos nating


makikita na mahalaga pala ang ating mga bagay na ginagamit ngayon. Di natin
makikita ang hinaharap pero maari nating mabago ang pwedeng mangyari o
bunga. Kultura na iningat-ingatan natin ay dapat pang mas lalong pag-ingatan.
Ang hinaharap na gusto ng lahat ay makakamit.

9
F. DEPINISYON NG MGA TERMINO

Henerasyon - Pangkat ng tao na ipininganak at nabuhay sa iisang


panahon.

Impluwensiya ay isang lakas, puwersa o kapangyarihan na nakapagpapabago


na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito.

Kamalayan - Kalagayan ng pagiging gising at alam ang nasa paligid.

Kasaysayan - Ang siyang pinagmumulan ng mga kaalaman o impormasyon at


nagsisilbing tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon tungkol sa nagdaang
panahon.

Kontribusyon - Pagbibigay ng salapi, oras, kaalaman, o tulong kasáma ng


ibang tao para sa kawanggawa.

Kultura - Ang kalinangan ay kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang


bayan. Ito ay paraan ng buhay.

Mapagyabong - Mapaunlad at masagana.

Pananaliksik - ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Wika -Ang ginagamit upang makabuo ng komunikasyon sa ibang tao

10

You might also like