You are on page 1of 2

RICA MAE GACUTAN

BSA191A

“Lagumang Pagsusulit”

Isa sa pinakamagandang tanawin ang Hagdan-hagdang Palayan o tinatawag na “Banaue


Rice Terraces”. Ang Banaue ay isa sa siyam na bayan ng probinsya ng Ifugao, na matatagpuan sa
Rehiyong Administratibo ng Kordilyera. Ito ay nasa hilaga ng Hungduan, silangan ng Sabangan,
Kanluran ng Mayoyao, at timog ng Bontoc at Barlic. Ang Hagdan-hagdang Palayan ay kinikilala
noon bilang isang Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.
Ayon sa DOT o Department of Tourism, tumataas ang dami ng toristang dumadalo sa
sikat na pasyalan sa Probinsiya ng Benguet. Sapagkat, nagkaroon naman ito ng problema dahil sa
unti-unting pagkasira bunsod ng mga malalakas na pag-ulan at paglindol. Bukod rito, nagkaroon
ng mga peste ang mga ugat ng palayan. Isa rin sa problemang kanilang kinalalagyan ay ang lokal
na pamahalaan ang mga bakanteng rice pads ay hindi natataniman dahil sa kakulangan ng mga
katutubong magsasaka. Kung kaya’t nasa listahan ito ng Endangered Heritage Site sa pamumuno
ng UNESCO. Maraming magsasaka ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang nararanasan
noon. Nang makalipas ang ilang taon naibalik na din sa dating porma ang hagdang palayan sa
pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na pamahalaan, Department of Agriculture at
UNESCO.
Tunay ngang napakahalaga ang mga magagandang tanawin na ating natatanaw, tulad
lamang ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue, isa sa tinaguriang Ikawalong Wonder ng
Mundo at maganda ang naidulot nito sa bansang Pilipinas. Maraming naitulong ang hagdan-
hagdang palayan sa mga magsasaka, dahilan ng matipid ito sa lupa at pinapabagal nito ang
agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok. Bukod dito, itp ang naging sandigan upang
mapigilan ang pagguho, at mga puno ng kagubatan sa tuktok ng mga bulubundukin ay sumasalo
ng ulan, upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng mga katutubo
ay mineralisado.
Bilang ito ay napasama sa mga magagandang tanawin sa buong mundo, ito ay isang
karangalan at maipagmamalaki ng mga Pilipino, kaya’t bigyang pansin at pahalagahan ito dahil
naging parte na ito ng ating kasaysayan. At hindi lang ito basta-bastang tanawin, sumisimbolo rin
ito sa sumasalamin sa pagkatao ng isang Pilipino, bilang isang matiyaga, malikhain, masipag at
matatag sa kabila ng anumang pagsubok na kinaroroonan at dagok ng buhay.

1. Akronim: DOT, UNESCO


2. Salitang magkasingkahulugan: Reflects Character – Sumasalamin sa pagkatao
3. Pagpapakahulugan: One of the most beautiful sights - Isa sa pinakamagandang tanawin
4. Matipid na paggamit ng salita: Pay attention and appreciate it – Bigyang-pansin at
pahalagahan ito
5. Kaisahan sa anyo: Kasaysayan
6. Panghihiram ng salita: Kasaysayan – History
7. Wikang Kasalukyan: Dagok ng buhay – Life challenges

You might also like