You are on page 1of 1

Panginoon po naming Diyos,

Salamat po ng napakarami,

Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa mga oras na ito.

Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi mabuti sa aming mga puso.

Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan.

Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan

Upang lalo naming maunawaan ang ituturo sa amin.

Lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro

Pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang pagmamalasakit sa amin

Maging masaya nawa siya sa kanyang pagtuturo at pagalingin mo po siya sa anumang karamdaman niya.

Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon.

Sa inyo po lahat ng kapurihan

Hinihingi po namin ang lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang Tapapagligtas.

Amen...

You might also like