You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN FIRST QUARTER REVIEWER

MODULE 1 – KONTEMPORARYONG ISYU


Sa kasalukuyan ang ating bansa ay maraming kinakaharap na mga suliranin.
Halos lahat ang ito ay maituturing na Kontemporaryong Isyu.
Ang kontemporaryo ay halaw sa salitang Medieval Latin na "comtemporarius",
na nangangahulugang "con" ay "together with" (pinagsama) at ang "tempus, tempor" ay
"time" (oras). Ang kontemporaryo ay ""kasalukuyan, o nabubuhay". Maaari ding
nangangahulugang "moderno, uso, o napapanahon.”
Ang “ISYU” ay nagsasaad ng mga paksa, tema, o suliraning may malaking
epekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging basehan ng pagtatalo, at may
malaking epekto sa pamumuhay ng mga mamamaya sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay
negatibo at nangyayaring problema; may ilang isyu rin na may positibong epekto at
nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan.
KONTEMPORARYONG ISYU ang tawag sa kaganapan o ilang problemang
nagbibiagay alalahanin o gumagambala at nagpapabago sa katayuan ng ating
pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU


1. Upang malaman nila o mamulat sila sa kasalukuyan at kinahaharap na
suliranin ng kanilang bansa.

2. Makabubuti rin sa mga mag-aaral na habang bata pa sila ay alam na nila kung
ano ang nagaganap sa kanilang bansa.

3. Sa Isyung Pangkapaligiran naman, napakahalaga na ang lahat ay mulat sa iba't


ibang paksa ukol dito sapagkat maaari silang maapektuhan ng mga kalamidad
sa kanilang pamayanan at maging sa kanilang mga pagpasok sa paaralan.

4. Hindi lang basta mauunawaan kung paano nangyayari ang mga ito kundi
makaiisip din ng mga posibleng pamamaraan kung paano makaiiwas o
makapag-iingat sa mga kalamidad at mga trahedya.

5. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu, mapapaunlad din


ng kabataan ang kanilang kakayahang mag-isip; lalo na tungkol sa kung
ano ang maaari nilang maiambag sa paglutas ng mga isyung kinahaharap
ng kanilang pamayanan o bansa.

MGA SAKLANG NG KOMTEPORARYONG ISYU


1. Isyung Pang-ekonomiya
2. Isyung Politikal at Kapayapaan
3. Isyu ng Karapatang Pantao
4. Isyung Pang-edukasyon
5. Isyung pansibiko at pagkamamamayan

MODYUL 2AB - MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN AT KONTEKSTO NG


SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Sa kasalukuyan ay malaking suliranin at hamong kinakaharap ng ating bansa
dahil sap ag-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kapaligiran. A ng mga kapabayaang ito
ay nagpapaalala sa mga atural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng bagyo,

1
pagguho ng lupa, at pagbaha. Ilan sa mga suliraning pangkapaligiran sa sariling
pamayanan ay ang mga sumusunod:
1. Polusyon
Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay
nagdudulot ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay polusyon sa tubig, sa
lupa, sa hangin at sa liwanag, na madalas ay dulot ng lubos na paggamit ng mga
tao sa kayamanan o kagamitan nang hindi inaayos ang pagtapon nito.

A. Polusyon sa Tubig
Ito ay dulot ng mga basurang hindi naitapon ng maayos mula sa mga
bahay, ospital, pabrika, planta at minahan na napupunta sa katawang tubig
gaya ng sapa, ilog,lawa, dagat, at karagatan. Nagbubunga ito ng pagkapatay
ng mga isda o organism na nakatira sa mga anyong tubig. Kung
,agpapatuloy ito, mawawalan tayo ng mga likas na yaman sa katubigan at
mawawalan rin tayo ng mapagkukunan ng malinis na tubig.

B. Polusyon sa Hangin
Ito ay ang pagbabago ng katayuan ng ating hangin. Ang mga sanhi
nito ay: usok mula sa mga sasakyan at pabrika, pagsusunog ng mga plastic,
pag-unlad ng mga komunidad gaya ng Metro Manila na sa pagdami ng tao
dumarami rin ang mga sasakyan na naglalabas ng carbon dioxide, mga
pabrika na gumagawa ng PVC, metal at mga plastic, at mga pesticide at
herbicide sa agrikultura.
Masama ang epekto nito hindi lang sa kalusugan ng tao kundi pati na
rin sa mga hayop at halaman dahil bumababa ang kalidad ng mga halaman.

2. Climate Change
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat at
tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas, ito ay lumalala.
Halimbawa ay ang pagkakaroon ng mainit na temperature sa buwan na dapat ay
malamig.

3. Global Warming
Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo. Kada
isang daang taon ay napansin ng mga ekperto na tumataas ang tipikal na
temperature ng mundo. Kapag ito ay nagpatuloy sa pagtaas, matutunaw ang
mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng mundo, tataas ang lebel ng tubig at
maaring magkaroon ang mga tao at hayop ng malalang sakit.
4. Suliranin sa Solid Waste
Ang problema sa solid waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos at
pagtapon ng mga basura. Hindi nahihiwa-hiwalay ang mga kagamitang pwede
pang gamitin at ang mga basura ay nakahalo sa isa't isa. Maaring magdulot ito
ng sakit at pagkabaha.
5. Deforestation
Ang deforestation ay ang suliraning pangkalikasan kung saan lumiliit ang
bilang mga puno o kagubatan. Nangyayari ito dahil sa hindi wastong pagputol ng
mga puno at hindi rin napapalitan ang mga napuputol na puno. Nasisira ang
kagubatan at mula dito, maaring magdulot ito ng pagkabaha at mawala ang
tirahan ng mga hayop.
6. Pagnipis ng Ozone Layer
Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labas na carbon dioxide sa ating
planeta. Kapag labis na naging manipis ang Ozone Layer, lalong tataas ang

2
temperature ng planeta, magiging mas mainit at maaring magkaroon ng sakit
ang mga tao at hayop at tumaas ang lebel ng tubig.
7. Pagkawala ng Biodiversity

Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraning


pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain at tirahan
ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop ang maging extinct o tuluyan nang
mawala sa mundo.

8. Pagkasira ng Lupa

Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa


polusyon at iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan
ang mga halaman at ang ecosystem.

9. Urbanisasyon

Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar


mula sa pagiging rural. Dahil dito, lumalaki ang populasyon, maaring lumaki din
ang lugar na nasasakupan nito kung saan maaring maapektuhan ang ating
kapaligiran. Mas pipiliin ng iba na tayuan ng mga gusali ang isang lugar kaysa sa
ipreserba at alagaan ang kapaligiran.

10. Kaingin System


Ang kaingin system o kaingin ay ang pagputol o pagsunong ng mga puno
at kagubatan. Ito ay may masamang epekto sa kapaligiran dahil pinipigilan nito
ang pagtubo at paglaki ng mga puno at ang usok ng pagkasunog ay
makakaapekto sa Ozone Layer.

Ang pangkalahatang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan


ng mga mamamayan lalo ng mga mahihirap na umaasa lamang sa likas na yaman. An
patuloy na pagkasira ng kagubatan, kalupaan, at katubigan ay unti-unting pagkawala ng
mapagkukunan nila ng pangkabuhayan.

Ayon sa ArtikuloII, Seksyon 16 ng Saligang Batas 1987, ”Dapat pangalagaan


at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa kanais-nais na ekolohiya na
tugma sa kalikasan.” Dahil sa nasasaad na batas sa ating konstitusyon na
pakahalagang magkaroon ng maraming batas na naglalayong panatilihin at
proteksyunan ang mga likas na yaman sa Pilipinas.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay ang
pangunahing ahensya na namamahala, nagangalaga sa pag-unlad at maayos na
paggamit sa kagubatan. Ang mga suliraning pangkapaligiran sa ating bansa ay
pinagtulungang solusyunan ng ating pamahalaan at ibat- ibang sector.

Mga Programa at Proyekto ng DENR:


 Luntiang Kapaligiran
Ang pangangasiwa ng yamanggubat para mapanatiliang wastong paglinang
ng yaman nito,pagtukoy ng mga bagong lupain upang taniman ng mga punong-
kahoy ,magpatupad ng mga batas na mangangalaga rito at pangangasiwa sa mga
watershed.
 Bughaw na Kapaligiran

3
Nangangalaga sa mga katubigan, pagsasaayos ng mga lugar
ng bakawan,at mga programa ng El Nino Phenomenom.
 Bantay Gubat
Pagbabantay sa pagpuputol ng mga puno ng walang awa at pahintulot sa
pamahalaan (illegal logger)
 Bantay Dagat
Nanghuhuli ng mga mangingisdang gumagamit ng lason at dinamita at iba
pang ilegal na gawain at nangangalaga sa mga yaman ng karagatan tulad ng perlas,
korales at iba pa.
 Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000
Upang magkaroon ng legal na batayan sa ibat- ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (OfficialGazette). Isa sa mga naging
resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF)--
kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin sa dumpsite.
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang solid
waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
 Mother Earth Foundation
Tumutulong sa pagtatayo ng MRF (Materials Recovery Facility) sa mga
barangay .
 Clean and Green Foundation
Kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift
of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life
Philippines(Kimpo, 2008).
 Bantay Kalikasan
Paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project.
 Philippine Clean Air Act o Batas Republika 8749
Naglalaman ng komprehensibong polisiya at mga programa para sa
pagpapanatili ng malinis na hangin para sa mga Pilipino.

 Greenpeace
Naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan.

Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga


suliraning pangkapaligiran. Sa kasalukuyan ang pinakamalaking hamon ay ang
pagpapatupad ng batas at ang pag-uugali ng mga Pilipino sa pangangalaga ng
kalikasan. Nangangailangan pa ng mas malawak na suporta at pagtutulungan ng ibat-
ibang sector upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning pangkapaligiran
na ating nararanasan.

Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.


Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang
paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at pangingisda.

4
Mahalaga din ang likas na yaman bilang isangkap sa paggawa ng produkto na
ginagamit sa iba’tibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga
computer, sasakyan, makina at pagkain ay na gagawa mula sa likas na yaman.
Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa
kasalukuyan, patuloy nanasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas, dahil sa
mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi
epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa
kalikasan at mga natural na kalamidad.
Ano ba ang kalagayan ng ating likas na yaman sa bansa?
a) Kagubatan/ Yamang Gubat
Mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 milyong ektarya noong
1934 ay naging 6.34 milyong ektarya noong 2003.
b) Yamang Tubig
Ang pagbaba ng kabuuang timbang ng nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw
mula sa dating 10 kilo bawat araw.
c) Yamang Lupa
Pagkasira ng halos 50 % ng matabang lupain sa huling sampung taon

7,107 ISLANDS

5
Modyul 3 - Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran at Mga Hakbang sa
Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRR)

Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRR)


Ito ang sangay na nagmomonitor sa iba't ibang komunidad sa tuwing
magkakaroon ng sakuna. Sa tulong ng CBDRM, nababawasan ang mga casualties sa
isang sakuna. Naagapan ang anumang pinsalang madudulot ng mga sakuna.
Nabibigyan din ng agarang tulong ang mga biktima ng kalamidad o sakuna.

Disaster Management Plan


Tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t
ibang suliraning pangkapaligiran.
Apat na Yugto ng Disaster Management Plan
1. Disaster Prevention and Mitigation
Prevention – pagpigil o pag-iwas
Mitigation – pagbawas ng panganib
 Hazard Assessment

Hazard – banta na maaring idulot ng kalikasan o gawa ng tao

Ito ay tumutukoy sa pagsusuri, sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna
o kalamidad sa isang partikular na panahon. May dalawang katangian ito:

1. Pisikal na Katangian

a. Pagkakakilanlan

Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at


kung paano ito umusbong sa isang lugar.

b. Katangian
Pag-alam sa uri ng hazard

c. Intensity
Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.

d. Lawak
Pag-aaral tungkol sa sakop at tagl ng epekto ng hazard.

e. Saklaw
Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan
ng hazard.

f. Predictability
Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang
hazard.

6
g. Manageability
Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala.
2. Temporal na Katangian
a. Frequency
Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard
ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o
sampung taon o kaya ay biglaan lamang.

b. Duration
Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.

c. Speed of Onset
Bilis ng pagtama ng isang hazard.

d. Forewarning
Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng
pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang
panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras
ng pagtama nito sa isang kalamidad.

e. Force
Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin,
tubig, lupa, apoy,seismic, gawa ng tao tulad ng conflict,
industrial/technological, taggutom, tagtuyot, at pagsalakay
ng peste sa mga pananim.

 Vulnerability Assessment
Vulnerability – mga bagay na may mas mataas na posibilidad na
maaapektuhan ng hazard.
Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.

 Risk Assessment
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o
mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Kahalagahan ng Risk Assessment
o Naging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa
kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring epekto ng hazard
sa kanilang komunidad.

o Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and


management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa,
proyekto, at istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap
sa iba’t ibang hazard.

o Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano


at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa
mga hazard.

7
o Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga
hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o
higit na atensiyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing Risk.

 Capacity Assessment - upang matukoy ang kakayahan ng isang


komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.

2. Disaster Preparedness
Disaster – panganib o sakuna
Preparedness - kahandaan
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.

3. Disaster Response
Response - tugon
 Damage Assessment
Tumutukoy sa bahagyang pangkalahatang pagkasira ng mga ariarian
dulot ng kalamidad.
 Needs Assessment
Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
 Loss Assessment
Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksiyon.

4. Disaster Rehabilitation and Recovery


Rehabilitation – pagsasaayos at pagbangon
Ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang
pasilidad at istruktura at mga naantalang serbisyo upang manumbalik sa dating
kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
 Panunumbalik ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon
 Panunumbalik ng supply ng tubig at kuryente
 Pagkumpuni ng bahay
 Sapat na suplay ng pagkain, gamot, at damit

8
Modyul 5AB - Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan

Community Based-Disaster and Risk Management


Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging
handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
-- Abarquez at Zubair (2004)

Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa


pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management.
Disaster Management
Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. -- Carter (1992)
Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at
magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Malinaw na sinasabi dito
na hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng
disaster management plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang pampribado
at pampublikong sektor.

Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk


Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008).
1. Hazard
Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng
tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard - ito ay tumutukoy sa
mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
1.2 Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng
kalikasan.
2. Disaster
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa
tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural
gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at
polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng
kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.

3. Vulnerability
Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad
na maapektuhan ng mga hazard.
Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang
heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na
gawa sa hindi matibay na materyales.

9
4. Risk
Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang
may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng
hazard o kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may
mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard
o kalamidad.

5. Resilience
Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient
ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali
upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay
maging ligtas sa panahon ng kalamidad.

Gabay sa Panahon ng Kalamidad


Ang anumang klase ng kalamidad ay maaaring umatake kahit kailan. Ang iba’t-
ibang kalamidad na ating nararanasan sa paligid dulot ng kalikasan ay ang pagbaha,
landslide o pagguho, lindol, at buhawi sa iba’t-ibang dako ng mundo at ang terorismo na
likha ng tao. May mga sari-saring impormasyon na ikinakalat ang magkakaibang
sangay ng pamahalaan mula sa iba’t ibang dako ng mundo ukol sa mga paghahanda
kung may kalamidad. Ang mga sumusunod ang mga dapat nating tandaan at
paghandaan sa panahon ng kalamidad:

Emergency Kit
Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa ganitong panahon na may
kalamidad. Ang mga mahalagang utilities tulad ng tubig, kuryente at telepono ay
maaaring pansamantalang maputolang serbisyo o di kaya naman ang tulong o aid na
hindi makararating agad. Ito ang iba’t-ibang sitwasyon na maaaring mangyari kaya’t
marapat lang na mayroon kang laging bitbit na emergency disaster kit.

First Aid Kit


Sa bawat tahanan, kailangang may nakahandang first aid kit. Ang first aid kit ay
naglalaman ng gamot o pangunahing lunas na ginagamit kapag may nasusugatan, o
kung may nararamdaman na kinakailangan agad ng atensiyon. Ang ilan sa mga ito ay
lagnat, pagtatae, pagsusuka, at pagkahilo.

Due to its geographic location as well as its socio-economic conditions, the


Philippines is one of the most disaster-prone countries in the world and ranks
third out of 171 countries in the World Risk Report 2016 (Welle & Birkmann,
2016, p. 49)

10
Mga Yugto sa Pagbuo ng Mga Gawain o Hakbang na
CBDRRM Plan isinasagawa (Pagtataya)
I. Unang Yugto: Disaster Prevention a. Hazard Assessment
and Mitigation Ang Hazard Assessment ay
tumutukoy sa pagsusuri sa lawak,
Sa bahaging ito ng disaster sakop, at pinsala na maaaring
management plan, tinataya ang mga danasin ng isang lugar kung ito ay
hazard at kakayahan ng pamayanan mahaharap sa isang sakuna o
sa pagharap sa iba’t ibang suliraning kalamidad sa isang partikular na
pangkapaligiran. panahon.

Bakit kailangang mauna ang b. Vulnerability Assessment


pagsasagawa ng pagtataya sa yugto Tinataya ang kahinaan o
ng Prevention and Mitigation? Ito ay kakulangan ng isang tahanan o
dahil kailangang maunawaan ng mga komunidad na harapin o bumangon
babalangkas ng plano kung ano-ano mula sa pinsalang dulot ng hazard.
ang mga hazard, mga risk, at sino at
ano ang maaaring maapektuhan at c. Capacity Assessment
masalanta ng kalamidad. Tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang
iba’t ibang uri ng hazard.
II. Ikalawang Yugto: Disaster Ito ay may tatlong pangunahing
Preparedness layunin:

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang 1. To inform – magbigay kaalaman


o dapat gawin bago at sa panahon ng tungkol sa mga hazard, risk,
pagtama ng kalamidad, sakuna o capability, at pisikal na
hazard. Mahalagang malaman ng mga katangian ng komunidad.
miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan sa komunidad, at maging 2. To advise – magbigay ng
ng mga kawani ng pamahalaan ang impormasyon tungkol sa mga gawain
mga dapat gawin sa panahon ng para sa proteksiyon, paghahanda, at
sakuna o kalamidad. pag-iwas sa mga sakuna,
kalamidad, at hazard.

3. To instruct – magbigay ng mga


hakbang na dapat gawin, mga ligtas
na lugar na dapat puntahan, mga
opisyales na dapat hingan ng tulong
sa oras ng sakuna, kalamidad, at
hazard.
III.Ikatlong Yugto: Disaster Nakapaloob sa Disaster Response
Response ang tatlong uri ng pagtataya:

Sa pagkakataong ito ay tinataya 1. Needs Assessment - ay


kung gaano kalawak ang pinsalang tumutukoy sa mga pangunahing
dulot ng isang kalamidad. Mahalaga pangangailangan ng mga biktima ng
ang impormasyong makukuha mula sa kalamidad tulad ng pagkain,
gawaing ito dahil magsisilbi itong tahanan, damit, at gamot.
batayan upang maging epektibo ang
pagtugon sa mga pangangailangan ng 2. Damage Assessment - ay
isang pamayanan na nakaranas ng tumutukoy sa bahagya o
kalamidad. pangkalahatang pagkasira
ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.

3. Loss Assessment - ay tumutukoy


sa pansamantalang pagkawala ng
serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala
ng produksyon.

11
IV. Ikaapat na Yugto: Disaster Halimbawa nito ay ang
Rehabilitation and Recovery pagpapanumbalik ng sistema ng
komunikasyon at
Sa yugtong ito ang mga hakbang at transportasyon, suplay ng tubig at
gawain ay nakatuon sa pagsasaayos kuryente, pagkukumpuni ng bahay,
ng mga nasirang pasilidad at istruktura sapat na suplay ng pagkain, damit, at
at mga naantalang pangunahing gamot. Kabilang din dito ang
serbisyo upang manumbalik sa dating pagbabantay sa presyo ng mga
kaayusan at normal na daloy ang pangunahing bilihin at pagkakaloob
pamumuhay ng isang nasalantang ng psychosocial services upang
komunidad. madaling malampasan ng mga
biktima ang kanilang dinanas na
trahedya.

Sa isang ulat ng WHO (1989) mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng


sektor ng pamayanan upang:
(1) mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;
(2) maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may
maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng
tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at
(3) ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng
karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong
plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad.
Naging malinaw din sa iyo ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga
mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng DRRM plan. Samakatuwid
dapat na maging aktibo kang kabahagi ng pagbubuo ng plano sa inyong lugar upang
maging handa ang inyong pamayanan sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad.

ANO ANG KAHALAGAHAN NG COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK


MANAGEMENT?
1. Maging handa ang mga mamamayan sa pagtukoy sa mga banta at kalamidad sa
pamamagitan ng pakikilahok sa pagtukoy,pagsuri, pagtugon, pagsusubaybay at
pagtataya ng mga risk na maari nilang maranasan.
2. Dahil sa CBDRM nagiging handa ang komunidad na maiwasan ang malawakang
pinsala sa buhay at ari-arian.
3. Dahil bahagi ang mamamayan sa pagpaplano at pagbuo ng desisyon sila rin ay
kasapi sa implementasyon sa mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk
management. Sila ay nagiging isang matalinong mamamayan sa pagsugpo ng
maaaring mangyaring sakuna at maiwasan ito kung nararapat.
4. Sa pamamagitan ng CBDRM binibigyan ang tao ng kapangyarihan na alamin at
suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad.

12

You might also like