You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

Periodical Test in
LEARNING STRAND I- FILIPINO
Pangalan: _____________________________ Petsa: ________________ MARKA

Kurso/Program: ___________________ Guro: __________________


Panuto: Bilugan ang titik na may tamang sagot.
1. Pangaral ng aking lola na hindi lahat ng tao ay maganda ang pakikitungo sa iyo. Ang ilan ay BUWAYANG
LUBOG lamang. Ang mga ito ay ______________.
a. manloloko b. mapagkunwari c. taksil sa kapwa d. mapanlamang sa kapwa
2. Nakangiting pinagmamasdan ni Lucila ang kanyang KAPILAS NG BUHAY habang ito ay nagpapakain ng mga
alagang manok. Ang tinutukoy ni Lucila ay ang kanyang __________.
a. kaibigan b. kapatid c. kakambal d. asawa
3. Iyak ng iyak si Anna ng umuwi sa kanyang mga magulang. Idinaing niyang hirap na hirap dahil sa maagang pag-
aasawa. Anong salawikain ang angkop dito?
a. Ang pagsasama ng matapat, pagsasama ng maluwat
b. Ang pag-aasawa’y di biro, kanin bagang isusubo’t iluluwa kung mapaso
c. Minsan, kailangang maghintay upang makamit ang tagumpay
d. Kung isang malaking mali ang pagdating ng isang tao sa buhay mo, matuto kang pakawalan ito
4. Pinagmamasdan ko ang aking titsir sa elementarya habang kami ay kumakain sa isang restoran. Napansin kong
ALOG NA ANG KANYANG BABA. Siya ay ___________.
a. matanda na b. hulas na ang ganda c. bumabata siya d. nakakabighani ang ganda
5. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan sa ibaba?

a. natatakot dahil gabi na


b. mabilis magtrabaho kaya natapos agad ang mga gawain
c. natataranta dahil hindi pa tapos ang mga gawain ay malapit na ang uwian
d. malungkot dahil siya ay pagod na

6. Maraming kaibigan si Maymay (1) dahil lagi (2) mong maasahan (3) ang tulong (4) niya. Alin sa may bilang sa
unahan ng salita ang tumutukoy sa pangatning?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
7. Karamihan sa mga mag-aaral ay nangangamba tuwing sila ay pinasusulat ng tula ng kanilang guro. Alin sa mga
salita sa ibaba ang panghalip?
a. Karamihan b. mga c. tuwing d. kanilang
Para sa bilang 8, basahin ang pahayag at sagutin ang kasunod na tanong.
Si Angelo ay masunuring bata. Si Mark ay masipag. Sila ay pinalaki ng maayos ng kanilang magulang gaya ng
kaibigan mong sina Bryan at Art.
8. Ang panghalip na SILA sa pangalawang pangungusap ay tumutukoy kina ___________.
a. Angelo at Bryan b. Mark at Art c. Angelo at Mark d. Mark at Bryan
9. Kung ang kawikaang di-mahulugang karayom ay maraming tao o matao, ang di-maliparang uwak ay _________.
a. Maraming uwak b. maraming panauhin c. malawak d. malapad
10. Kung ang naniningalang pugad ay nangangahulugang nanliligaw, ang nagbibilang ng poste ay ____________.
a. walang magawa b. naghahanap ng trabaho c. marming pera d. hindi makabuluhan
11. Masdan mo si Maria. Di madapuang langaw ang kanyang suot na kimono. Ang kahulugan ng “di madapuang
langaw” ay _____________.
a. mamahalin b. malinis c. mahaba d. maikli
12. Ang pusong mamon ay nangangahulugan ng maawain, ang bakal na puso ay nangangahulugang _____________.
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

a. mabait b. masama c. matapang d. matigas ang kalooban


13. Kung ang kabungguang balikat ay nangangahulugang kaibigan, ang kasaulian ng kandila ay nangangahulugan ng
____________.
a. karamay b. kasangga c. kaaway d. kakampi
14. Araw-araw ay nagdarasal si Juana na siya ay magkaroon ng trabaho ngunit hindi naman siya naghahanap. Anong
salawikain ang nababgay sa sitwasyong ito?
a. daig ng maagap ang masipag
b. kapag may tiyaga, may nilaga
c. matalino man ang matsing, napaglalamangan din
d. nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa
Para sa Bilang 15-19, basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong.
“Ang Guryon”
ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas


at sa papawiri’y bayang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayin mo, anak,
at baka lagutin ang hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makigpagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’t dumagit, saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

15. Saan inihambing ang guryon?


a. pagsubok b. pag-ibig c. buhay d. kabataan
16. Sa tula, ang pisi ay ginamit upang magbigay pakahulugan sa ____________
a. katatagan b. kalooban c. pasensya d. desisyon
17. Anong damdamin ng tagpagsalita ang ibinatid ng tula?
a. Pag-unawa b. pagmamalasakit c. pagkakaisa d. pagmamahal
18. Ano ang layunin ng may-akda?
a. Magbigay ng impormasyon sa may pinagdadaanang pagsubok sa buhay.
b. Magbigay aral at katatagan tungkol sa buhay nap uno ng pagsubok
c. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pagsubok sa buhay
d. Hikayatin ang mga tao na maging mapamaraan sa buhay
19. Ano ang angkop na larawan na namumuo sa inyong diwan a nagbibigay kahulugan sa guryon?
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

a. eroplano b. saranggola c. paying d. lobo


Para sa bilang 20-21, pag-aralan ang health advisory at sagutin ang kasunod na mga tanong.

20. Tungkol saan ang health advisory?


a. pag-iwas sa dengue
b. paalala sa sanhi ng dengue
c. pagsugpo sa dengue
d. pag-iingat sa dengue
21. Ano ang layuning nais ilahad ng health advisory
a. Manghikayat b. maglahad ng opinyon c. magdagdag ng impormasyon d. magpaliwanag
Para sa bilang 22-24, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong ukol dito.
[1] Ang saging ang pinakamasustansyang prutas na makaki ang maitutulong sa pagpapalaki ng katawan. [2] Marami ang
nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng berry. [3] Ang puno nito ay maituturing isang uri ng “herb”. [4]
Nagtataglay din ito ng sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng nasirang tisyu sa katawan.
22. Ano ang pangunahing kaisipan ng artikulo?
a. Ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng berry.
b. Ang punong saging ya maituturing na isang uri ng herb.
c. Ang saging ang pinkamasustansyang prutas.
d. Tumutulong ang saging upang mapabilis ang pagbuo ng mga nasirang tisyu sa katawan.
23. Anong bilang ng pangungusap ang napapatnubay na ang saging ang “pinakamasustansyang ” prutas?
a. 2 b. 4 c. 1 d. 3
24. Ano ang layunin ng binasang artikulo?
a. maglahad ng opinyon b. magpaliwanag c. magbigay ng impormasyon d. manghikayat
25. “Ang buhay ko ay isang bukas na aklat”, naiinis na sambit ni Monica sa mga kapit-bahay na nagkakalat ng tsismis
sa kanya. Ano ang ibig sabihin ng talinghagang ginamit?
a. Nais niyang ikuwento ang kanyang buhay.
b. Walang sekretong tinatago si Monica.
c. Bukas ang buhay niya para sa lahat.
d. Wala siyang pakialam sa mga kapit-bahay.
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

26. Si Bb. Reyes ay maagang pumapasok upang maghanda para sa kanyang klase. Matiyaga niyang tinuturuan ang
kanyang mga mag-aaral. Si Gng. Basilio na kanyang guro noong siya ay nasa high school ang kanyang iniidolo.
Siya ay huwarang guro para sa kanya. Ang salitang SIYA sa huling pangungusap ay patungkol kay ___________.
a. sa mga mag-aaral c. kay Bb. Reyes
b. kina Bb, Reyes at Gng. Basilio d. Kay Gng. Basilio
27. Nanood ng sine si Edna. Kasama niya si Fely. Kinabukasan, Nakita nila si Jerry at ikinuwento rito ang pelikulang
napanood. Ang salitang NILA ay tumutukoy kina ____________.
a. Edna at Fely b. Fely at Jerry c. Edna at Jerry d. Edna, Fely, at Jerry
Punan ang mga patlang sa Bilang 28 at 29.
28. Ang programang ito ay bahagi ng kampanya ________________ paggamit ___________ bawal na gamit.
a. Ukol sa, ito b. laban sa, para sa c. labag sa, para sa d. para sa, ng
29. Ang kalusugan at edukasyon ___________ kabataab ay ang prayoridad __________ pamahalaan.
a. nang, na b. sa, ng mga c. ng, ng d. ukol sa, ng
Para sa bilang 30-33, basahin ang artikulo at sagutin ang mga tanong.
Si Efren Geronimo Peñaflorida ay ipinanganak noong Marso 5, 1981. Ang kanyang ama ay isang traysikel
drayber at ang ina naman ay isang simpleng maybahay. Siya ay lumaki sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng
basura. Nagtapos si Efren ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarship at nagkamit ng mga parangal at Gawad
sa klase. Taong 2000, nagtapos si Efren ng Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas ng karangalan. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang kurso kung saan siya ay nakapagtapos bilang Cum Laude noong 2006 sa Kursong Mataas na
Edukasyon.
Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamix Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng
alternatibong edukasyon sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng paglalapit ng paaralan sa mga hindi karaniwang
lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura. Tinawag itong Klasrum Kariton. Noong Nobyembre 22, 2009,
itinampok si Peñaflorida bilang bayani ng taon ng CNN dahil sa kanyang kahanga hangang kontribusyon sa pagtulong sa
iba sa pamamagitan ng Klasrum Kariton.
30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa payak na pamumuhay ni Efren?
a. Siya ay isang iskolar.
b. Siya ay lumaki sa iskwater na malapit sa tambakan ng mga basura.
c. Siya ay anak ng isang tryasikel drayber at ng simpleng maybahay.
d. Siya ay tumutulong sa mga kabataan sa lansangan.
31. Sa anong paraan nakapagtapos ng pag-aaral?
a. Sa pamamagitan ng Klasrum Kariton
b. Sa pagtatrabaho sa maliit na pansitan ng pamilya.
c. Sa pamamagitan ng iskolarship at tulong pinansyal.
d. Sa kinita ng kanyang ama bilang traysikel drayber.
32. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Efren?
a. Simple, matapang at matalino.
b. Matapang, matiisin at matalino.
c. Mabait, matapang at matalino
d. Mabait, matalino at matulungin.
33. Anong sawikain ang angkop para sa buhay ni Efren?
a. Kapag may tiyaga, may nilaga
b. Hindi hadlang ang kahirapan sa karunungan.
c. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
d. Minsan kailangan maghintay upang makamit ang tagumpay.
Para sa bilang 34-38, basahin ang buod ng maikling kuwento at sagutin ang kaukulang tanong ukol dito.
Sandaang Damit
ni Fanny A. Garcia
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

May isang batang mahirap na tahimik lag isa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang
ang kanyang baon palagi. Ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit siya inaasar ng kanyang mga kaklase.
Naintindihan din naman ng bata ang sitwasyon ng kanyang pamilya.

Isang araw, biglang nagkatinig ang mga bata at ikinuwento niya na siya ay may isang daang damit. Ikinuwento
niya ang tungkol sa kaliit-liitang detalye ng kanyang mga damit. Simula noon ay malapit na siya sa kanyang mga kaklase.

Ngunit nang simulang lumiban ang bata sa klase, nagtaka ang kanyang guro at kaeskwela kaya pinuntahan nila
ang bata sa kanilang tahanan. Nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya agad ang kanilang hinanap kundi
ang sandaang damit ng bata. Nakita nila itong nakadikit sa dingding, isandaang damit na pawang drowing lamang pala.

34. Anong pag-uugali ang ipinakita ng bata sa unang bahagi ng kuwento?


a. maunawain b. masayahin c. mapagkunwari d. matapat
35. “Ang kanyang damit ay luma at tinapay lamang ang kanyang baon.” Ang pahayag ay sumusuporta sa kaisipan na
ang bata ay ______________.
a. mailap b. mahirap c. matipid d. mahiyain
36. Sinabi niyang mayroon siyang isandaang damit sa kanilang bahay. Sa anong bahagi ng kuwento ito makikita?
a. wakas b. kasukdulan c. kakalasan d. kasiglahan
37. Anong mensahe ang nais iparating ng may-akda sa kanyang mambabasa? Ang kahirapan ay _____________.
a. karaniwang estado o kalagayan sa buhay c. hindi dapat ikahiya
b. dapat ikarangal d. sagabal sa tagumpay
38. “Naging kaibigan ng batang babae ang kanyang mga kaklase dahil sa paniniwalang siya ay may sandaang damit.”
Saang bahagi ng kuwento ito naaakma?
a. panimula b. kakalasan c. kasukdulan d. katapusan
Para sa bilang 39-40, basahin ang patalastas.
PATALASTAS
ANO : UGNAYAN SA BARANGAY
KAILAN : Nobyembre 28, 2016
SAAN : DEL PILAR COVERED COURT
SINO : Barangay officials, ALS Learners, Magulang
PARA ANO : Makalikha ng mga gawaing susuporta sa Programang ALS

39. Ang layunin ng patalastas ay


a. Ipakilala ang programang pangkabuhayan
b. Makalikha ng mga Gawain para sa komunidad ng ALS
c. Magkaroon ng patimpalak para sa ALS learners
d. Magplano para sa isang pasinaya pang-Pasko

40. Sinu-sino ang mga dapat dumalo ayon sa patalastas?


a. Barangay officials, ALS learners, magulang at mga punong-guro
b. Barangay officials at magulang
c. Barangay officials, ALS learners, at magulang
d. Magulang at ALS learners
Sa bilang 41-44, basahin ang seleksyon at saguting ang kasunod nitong mga tanong.

Walang makapipigil kay mang Arman upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang haligi ng tahanan. Hindi pa
bukang-liwayway ay pumapalaot na ang kanyang munting bangka. Isang mangingisda si Mang Arman. Nagsisikap siya
upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya. Kahit masama ang panhon, ito ay hindi niya
pinapansin dahil saw ala na siyang maaasahan. Isang araw, pumalaot siya kahit masama ang panahon.

41. Anong angkop na pamagat para sa talata?


a. Pagiging ulirang ama ni Mang Arman
b. Pagiging mapangahas ni Mang Arman
c. Ang karanasan ni Mang Arman
d. Ang Pangingisda ni Mang Arman
42. Anong kahanga-hangang katangian ang ipinamalas ni Mang Arman?
a. matiyaga b. matapang c. masikap d. mapagmahal
43. Anong pangungusap sa talata ang naglalarawan kay Mang Arman bilang “haligi ng tahanan”?
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City

a. Wala siyang ibang maaasahan.


b. Walang makapipigil kay Mang Arman
c. Hindi pa bukang-liwayway ay pumapalaot na ang kanyang bangka.
d. Nagsisikap siya na mabigyan niya ng maayps na pamumuhay ang kanyang pamilya.
44. Ano ang maaaring maging wakas ng binasang seleksyon?
a. Magkakasakit si Mang Arman
b. Maaring malagay sa panganib ang buhay ni Mang Arman
c. Makakahuli ng maraming isda si Mang Arman
d. Masisiraan ng bangka si Mang Arman.

Para sa bilang 45-46, basahin ang lathalain.

Ang edukasyon ay nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at
kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang mga pag unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang
edukasyon ay siyang magdadala sa kanilang inaasam na mga mithiin.

45. Bakit nasabing ang edukasyon ang daan tungo sa matagumpay na bansa?
a. napapaunlad ang bansa c. ikinararangal ng simbahan
b. may malalim na pang-unawa sa kapwa d. may matatag na kinabukasan
46. Ano ang pinakaangkop na pangwakas ng binasang seleksyon?
a. Magiging palaasa c. umunlad ang ating bansa
b. Makakuha ng trabaho ang mga Pilipino d. Magamit ang kasanayan sa pagtatrabaho

Para sa bilang 47

Muwebles na yar isa ginto’t pilak,


pagkaing ngayon ko lang natikman,
lupang halos di ko na matanaw ang
hangganan sa lawak nitong taglay,
at idagdag mo pa ang mga baro niya
na sa tela pa lamang ay batid mong ito’y may kamahalan.
Hay! Sana ako ang nasa kalagayan
at di na maghihirap magkuskos ng hagdanan.

47. Anong larawang diwa ang ipinapakita ng pahayag?


a. Mayaman na inapi ng mahirap c. Mayaman at mahirap
b. Mahirap na nangangarap d. Mayrong magkaibigan

Para sa bilang 48-50, basahin ang diyalogo at sagutin ang mga tanong.

Ben : Inay, ito po ang resulta ng aking pagsusulit. Ipagpaumanhin po Ninyo na bumagsak ako sa Matematika
dahil napakahirap po. At saka, maikli ang oras na ibinigay.

Ina : Huwag ka nang mag-alala. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusunog ng kilay sap ag-aaral at sa
kalaunan eh siguradong makakapasa ka na.

48. Batay sa diyalogo, si Ben ay isang ____________ bata.


a. Masipag na b. mahinang c. matiyagang d. matapat
49. Anong katangian ng ina ang inilarawan sa binasang teksto?
a. Maunawain at magaling magpayo c. maalalahanin at marunong umunawa
b. Mabait at malambing d. masipag at matiyaga
50. Ano ang ibig ipakahulugan ng “pagsusunog ng kilay”?
a. Makasagot sa tanong ng guro c. Makapasa sa pagsusulit
b. Mag-aral ng Mabuti d. makapagsulat ng sanaysay

You might also like