You are on page 1of 2

Sino ang tunay na terorista?

Mandato ng bawat sangay ng pamahalaan, sa ilalim ng ating konstitusyon, na


palaganapin, pairalin at palawigin ang mga inisiyatibo at proyektong nagpapatanili
sa kapayapaan ng ating bansa. Kaya naman,  ang bawat sangay, kabilang na ang
mga institusyon tulad ng Komisyon sa Mas Mataas ng Edukasyon at ng Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) ay may karapatan at
tungkulin na ipatupad ang mandato nito.

Isa sa mga hangarin ng 2017-2022 Plano para sa Pambansang Kaunlaran ay ang


pagkamit ng inclusive at sustainable peace through intensified development and
other peacekeeping initiatives in conflict-affected and -vulnerable communities.
Bunsod nito, binibigyan ng kakayahan ang mga departamento na maglaan ng
naaangkop na badyet upang magpatupad ng mga proyekto pagsasakatuparan sa
mga mithiing ito. 

Subalit, kung ating bubusisiin, ang paglalaan ng malaking budget mula sa


pambansang salapi para sa mga kahina-hinalang proyekto upang wakasan ang mga
organisasyong kaliwa at mga kilusan nito ay isang malaking katanungan. 

Mula sa Audit Observation Memorandum (AOM) na inilabas ng Commission on


Audits (COA), makikita na aabot sa mahigit 160 milyong piso ng salapi ang
sumailalim sa transaksyon ang unproperly/ lack o proper authority o batayang legal
upang gamitin ito. Dahil dito, nababahiran ng korapsyon, malbersasyon ang
nasabing paggamit ng pondo.

Ang mga kwestiyonableng dokumento ng paggamit ng mga salaping ito para sa


mga hindi umano’y pagpapatupad ng peace-building activities maaaring magamit
para sa kaugnay na activities hinggil sa nalalapit na election. 

Sa lumalaganap at lumalalang kaso ng COVID-19, kaalinsabay ang paglalabas ng


iba’t-ibang audit reports mula sa mga sangay ng pamahalaan, ang mga kaduda-
dudang paggamit ng pondo sa pangalan ng kapayapaan ay isang malaking pagkitil
sa tiwala at hustisya ng Pilipinas. 

Sakabila ng pakikibaka natin sa pandemya at terrorismo, tila mayroon pa ring mga


indibidwal na hindi na nauusig ng kani-kanilang mga konsensya at nakukuhang
magdambong sa kaban ng ating bayan para sa kani-kanilang mga pansariling
interes.
Napakabuti ng hangaring pagwawakas ng terrorismo at iba pang mga kaguluhan sa
ating bansa subalit nababahiran lamang ito ng korapsyon at iba pang gawain ng
mga halang ang bituka.

Sa sitwasyong ito, sinisiil ang mga terorista at mga kaugnay na mga gawain nito,
subalit tila ba hindi nasisiil ang mga ito sapagkat ang mga tunay na terorista ay ang
mga indibidwal na naglulustay ng kaban ng bayan para sa kanilang sarili. Kaya
naman, suriin nating mabuti, sino ang tunay na terorsita?

You might also like