You are on page 1of 2

S Muling pagsasalaysay ni Arthur P.

Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna isang


Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).
I
Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa
M malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.
U
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang
L nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya
matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa
A kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa
sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang
sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan
ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig
K sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at
nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

A “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng
dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.
T “Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng
A sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang
W iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating
nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang
iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
A Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita.
Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

N Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang
nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig
sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa
itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.
W Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y
hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga

A nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng
tulong at pagkalinga.

K Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!”
ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang
kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.
A Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre

S Maasita naman ang itinalagang sultana.


Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian.
Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan
namayani ang kapangitan at kalupitan.

You might also like